Paano nga ba natin malalaman kung mahal natin ang isang tao?
Sa paraan ba yun ng pagpintig ng mga puso natin? Kung paano tayo mataranta kapag nandyan na siya? Kapag nahihiya tayo sa harap nila? Kapag nakakabingi ba yung tibok ng puso mo kahit ngumiti lang sya sa'yo? Ganun ba iyon?
Mahirap talagang sabihin iyon, dahil sa iba't ibang paraan natin natututunan ang magmahal. Iba't ibang dahilan rin kung paano natin sila minahal.
Kung ako naman ang tatanungin, paano ko nga ba minahal si Joaquin? Bakit? Siguro hindi ko rin talaga alam kailan iyon nagsimula. Basta ang alam ko lang ay noon pa lang espesyal na sya para saakin. At noong lumaki kami ay narealize ko iyon ng paunit-unti.
Mahal ko si Joaquin. Kahit ano pang kasarian nya. Kahit ano pang sabihin ng iba. Kahit hindi nya ako mahalin pabalik. Mahal ko sya at hindi ko naman pagsisisihan iyon.
Hearing his confession, stirred some emotions in me. I feel so delighted. I feel like I'm floating in cloud nine. It was so flattering.
Agad akong bumaba noong magising ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon kagabi. Napakurap ako noong makapasok ako sa kusina. Naabutan kong kumekembot si Joaquin.
Napangiti ako, suot nya pa iyong pink na apron. Pakembot kembot sya habang naghahain na ng mga pagkain. Napansin nya yata ang presensya ko dahil napaangat ang tingin nya saakin.
"Umagang kay ganda, minamahal kong dyosa!" Hindi ko maiwasang mamula dahil sa sinabi nya pero idinaan ko nalang iyon sa tawa.
"Good morning, baks." I greeted as i kissed his cheeks. I was about to pull away but he cupped my cheeks before pressing his lips on mine.
My eyes widened and he pulled away afterwards. Grinning wickedly at me. Napatulala ako sakanya. Inalalayan nya akomg maupo sa harap ng hapag kainan.
"Anong oras ka nagising?" Tanong ko habang minamata ang mga niluto nya. Natatakam na talaga ako.
Nakalimutan ko nang ninakawan nya ako ng halik. Ipinagsandok nya ako ng kanin at ulam. Nag-timpla na rin pala sya ng gatas. Nakahanda na rin ang mga vitamins ko. Nakangiti lang ako habang ngumunguya. Ang sarap naman magluto ng asawa ko.
"Alas-singko. Hinanda ko na rin ang kotse para sa lakad natin mamaya. Yung ibang gamit mo okay na rin. Pati damit mo hinanda ko na. Excited na akong samahan kang magpa-check up para sainyo ni baby." Napangiti ako.
Oo nga pala, schedule pala ng check up ko ngayon. Mabuti nalang din pala at linggo ngayon. Wala kaming pasok.
Pagkatapos kumain ay naghanda na ako. Sobrang presko ng suot kong dress. Magaling pumili si Joaquin pagdating sa mga susuotin ko. Alam na alam nya kung anong bagay saakin.
Noong makarating kami sa clinic ay agad isinagawa ni Doktora ang check up ko. Nacheck na rin ako noong unang isugod ako sa ospital. Pero ngayon pa lang talaga namin magagawa ang ultrasound at maririnig ang heartbeat ng bata.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Joaquin habang hawak-hawak nya ang kamay ko. Dahan dahang lumalabas sa monitor ang ultrasound ng baby. Naluha ako. Napasinghap si Joaquin.
Baby namin.
"Pwede na po bang malaman ang gender nya?" Natawa si Doktora dahil sa tanong ni Joaquin. Halatang excited eh.
"Hindi pa sa ngayon, ihjo. Pero darating din tayo dyan. Sa ngayon, gusto nyo bang marinig ang heartbeat nya?" Parehas kaming napatango.
Naluha na talaga ako noong marinig ko ang tibok ng puso ng anak ko. Napalingon ako kay Waki noong humagulgol sya. Tuwang tuwa si Doktora saamin. Nahawa ako kaya natawa ako sa itsura ni Joaquin.
BINABASA MO ANG
The Gentle Truth
RomanceGENTLEMEN SERIES #1 More than just a best friend, Alaina cherished Joaquin. She had feelings for him since they were young, and Joaquin was aware of his constant differences. There's nothing wrong with him being gay; his family and closest friend bo...