CHAPTER 18

134 4 0
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyare pagkatapos kong marinig ang mga salitang binitawan ni Teressa. Nablanko ako. Hindi ko nga sure kung na-end ko ba yung call namin eh. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong malaman.

Bakit? I mean, bakit siya? Bakit pa?

Bumalik nalang ako sa reyalidad nang agawin ni Joaquin ang atensyon ko. Tuliro ako nang mapalingon sakanya. Nahugot ko ang hininga ko sa sandaling iyon. Ang dami kong tanong na gustong ibato sakanya, pero nang makita ko ang pamilyar na emosyong pilit nyang kinukubli, bigla akong nakaramdam ng pagod.

Ilang minuto rin kaming nanatiling magkatitigan. Pilit na binabasa ang mga saloobin ng bawat isa. Sinasalamin lamang namin ang dinaramdam ng isa't-isa. Pareho kaming pagod sa mga bagay na matagal nang natapos. Pero hanggang ngayo'y patuloy paring gumagapos saamin.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Napasandal ako sa kinauupuan ko. Bago ako humugot ng malalim na hininga. Ramdam kong ganun rin ang ginawa nya. Pareho kaming nakatanaw sa labas ng kotse.

Ngayon ko lang napansin na narito na pala kami sa harap ng apartment building ko. Pero may parte saaking ayaw pang bumaba ng kotse. Parang gusto pang manatili ng kahit sandali. Kahit ngayon lang.

"Malapit na second birthday nya." Wala sa sariling bulong ko na paniguradong narinig nya.

Lihim kong sinilip ang reaksyon nya at nakita kong tulala rin sya bago pa ngumiti ng tipid at tumango sa sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin at nakagat ang labi ko.

"Mm-hmm. Naaalala ko parin naman." He chuckled lightly. But there's a hint of sadness in there.

Silence enveloped us again. It's not the silence that usually suffocates me but the silence where i can feel his warmth and presence. And after almost three years, i just felt it again. I felt at peace, again.

"Maghahanda kami ni Tere. Pupunta sila mama kasi death anniversary din ni lola." Mapait akong napangiti. Ngayon nasa kanya na talaga ang atensyon ko. Nanatiling syang nakatingin sa labas ng kotse. Tulala parin.

I took my time and just stare at him, as if it's the very last time. His side profile was just as beautiful as the front. His pointed nose. His natural red lips. His long lashes. His smooth and clear skin. Everything looks so envious. I smiled to myself.

He looked more mature now though, especially that he grew a little bit of stubbles. Hindi ko lang sure kung sinadya nyang patubuin iyon o kung nakalimutan nya lang i-shave. Kasi kilala kong maarte yan eh.

Syempre, alam ko lahat ng detalye nya. Mag-bestfriend kami eh...

Bago pa mangyari lahat, na humantong sa kasal at eto kami ngayon, nasasakal. Hindi ko tuloy mapigilang hindi bumalik at alalahanin ang nakaraan habang nakatitig sakanya.

"Waki, may bigote ka na oh." Marahan kong sinipat ang mukha nya pagkatapos ko syang malagyan ng lipstick. Nainggit kasi sya sa lipstick ng ate nya. Kaya kinuha nya daw muna.

"Ay? Weh? Alaina, kapag ako biniro mo sasabunutan talaga kita." Pinagtaasan pa ako ng kilay ni Joaquin. Napanguso tuloy ako.

"Meron talaga, bading! Tignan mo pa oh!" Tinapat ko sa mukha nya ang maliit na salamin. Agad kong tinakpan ang tainga ko nang malakas syang tumili.

"No! Oh my gosh! Bakit?! Pumayag ba ako?!" Naghihysterical nyang tili. Napalabi ako habang pinapanood lang syang halos mabaliw na dahil lang sa tinubuan sya ng konting bigote.

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon