CHAPTER 4

128 6 1
                                    

Months passed since that happened, and we haven't heard of Damon since then. And here i am sitting at the passenger seat of Joaquin's car. We're heading to La Union, at their private beach resort. It's his birthday today and he just decided to go spend it in their resort.

Kasama namin si Tere, na nasa backseat habang busy sa kakanguya ng mga chichirya. While me, i'm just watching the beautiful scenery of the surroundings, while Joaquin was seriously driving.

It was afternoon when we got there. The smell of fresh air was refreshing. The salty air of the beach was somehow relaxing. Teressa and I were roommates. We'll spend Waki's birthday with his family. Tita Amelia really want us to be part of their celebration so here we are.

"Bes, tara swimming tayo. May dala akong mga bikini. Dali na!" I rolled my eyes at Tere, she was laughing heartily. Tuwang tuwa sya na naiinis ako.

"Tere, ayoko. Hindi bagay sakin yan." I snorted. She raised her eyebrows at me.

"Excuse me? Ang sexy sexy mo kaya! Tinatago mo lang sa mga long sleeves at long skirts mo no! Tsaka minsan lang to, kaya mag-enjoy na tayo! Besides, beach party naman talaga ang celebration ah bukod sa mismong dinner kasama ang pamilya ni Joaquin. Meeting the family na ba teh?" She even poked my sides so i jumped in surprise before i hit her arms. She continued laughing at me.

"Ewan ko sayo, Teressa. Kung ano anong sinasabi mo." She beamed a teasing smile at me.

"Sus para namang hindi mo gusto." I rolled my eyes playfully. I'm actually happy that we're here. We got to spend our time in a beautiful place.

Sa huli ay napilit rin ako ni Tere na suotin iyong bikini na dala nya. Two piece iyon na kulay pula. Sinapaw ko na lang sa puti kong dress. Tuwang tuwa pa sya habang tinitignan ako. Napagdiskitahan talaga ako kasi nilagyan nya pa ng make up ang mukha ko. Light lang iyon at masasabi kong pwede na, pwede na kong ilibing. Joke.

"Oh diba! Bagay sayo bes! Look at that face! Innocently seductive! Kabog!" Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang tinitignan ang itsura ko. Naka-high ponytail ang buhok ko at bumagay naman saakin lahat ng pinaggagagawa ni Tere.

"Hindi ba ako mukhang ewan neto?" Paninigurado ko. Sasagutin nya na sana ang tanong ko pero may kumatok sa pinto ng room namin.

"Si bading na siguro yan bes. Teka pagbubuksan ko lang ang birthday girl." I chuckled. Muli ko nalang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin ng banyo. I looked good. Thanks to Teressa's magic.

"Happy Birthday Bading! Uy ayos ng porma ah! Lalaking lalaki. Pakilala mo ko sa mga pogi mong pinsan." Narinig kong biro ni Tere kay Joaquin. Narinig ko rin ang pag-angal ng isa.

"Gaga ka! Dyosa ako! Tsaka ayoko sayo para sa mga pinsan ko! Mga gago yun. Wala kang mapapala sakanila, bruhilda ka. Anyways, saan si Lai? Tara na baba na tayo, dinner na eh.Tomguts na me." Napatawa ako habang sinusuot ang sandals ko.

"Echosera to, damot pa. Lai! Dito na prince charming mo oh." Natawa ako ulit.

"Oo na. Eto na." Lumabas ako ng banyo at nakitang nakatayo sila sa may pinto ng kwarto. Teressa looked so proud seeing my look, and when i looked at Joaquin his lips were already parted. Napatayo sya ng diretso mula sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan. Ngumiti ako ng tipid.

"Happy 21st Birthday, Waki." Napansin ko ang suot nyang white sando, white denim shorts, at red polo nyang nakabukas lang. Tama nga si Tere, lalaking lalaki ang dating nya ngayon.

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon