CHAPTER 11

95 3 0
                                    

New book cover, since 500+ reads na hehehe thank you po!


❀✧❀✧❀

"Ha? Anetch? Now na?! Sige, magfafly away na me!" Rinig kong may katawagan si Joaquin. Isang gabi na akala nya ay tulog na naman ako.

Hindi ko kailanman pinagdudahan ang pagmamahal. Para saakin ay yun ang bagay na dapat mo lang sabihin sa isang tao kapag naramdaman mo na. Hindi ko pinagdudahan ang pag-ibig nya. Pero sa mga kilos nya? Hindi ko na alam.

Rinig na rinig ko ang mabibilis na yabag nya. Na animoy sobrang nagmamadali. Napabuntong hininga nalang ako bago dahan dahang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.

Busy si Joaquin na kumuha ng mga damit. Inilalagay nya pa iyon sa maliit na back pack nya. Pinapanood ko lang sya.

"Ay kabayong bundat!" Napatili sya noong makitang pinapanood ko sya. Napahawak pa sya sa dibdib.

"Saan ka pupunta?" I pursed my lips. Trying not to raise my eyebrows at him. I'm not in the mood to beat around the bush anymore.

"H-huh? Ano... May emergency lang." Joaquin stuttered. He can't even look me in the eye.

"Anong emergency? Saan?" Tanong ko pa. Muli syang napatingin sa wristwatch nya at aligagang binalik ang tingin saakin.

"K-kay Nev... Sorry, Lai. Need ko na talagang magfly. Babalik rin ako pagtapos. Love you." Lumapit sya saakin at sinapo ang mukha ko bago patakan ng halik ang noo, labi at tyan ko.

"Mahal ko kayo. Sobra..."

Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa. Dali-dali na syang umalis. Muli akong nahiga sa kama. Hindi ko na nga rin namalayan na umaagos na pala ang mga masasaganang luha galing sa mga mata ko.

Mahal ko si Joaquin. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Na parang pinagtataksilan ako. Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Pero bakit ganun? Parang may mali? Hindi ko na alam.

Binabagabag parin ako noong nakita ko sa Facebook noong nakaraang araw. Post iyon ni Damon. It was a mirror shot, but everything was kinda blurry. It was a silhouette of him and a back of a man who didn't seemed to notice the camera.

Dumaan sa feed ko dahil siguro sa mga common friends or friends of friends na nagcocomment pa sa post nya. Maraming naiintriga. May mga natuwa. May mga nagtataka. Pero mas lamang ang pakiramdam ko na kilala ko iyon. Pero pilit kong itinatakwil ang mga kaisipan na iyon sa utak ko.

Hindi tama na mag-overthink ako. Baka epekto lang 'to ng pagbubuntis ko.

Nagising na lang ako sa mga kalampag sa baba. Dali dali akong napabangon at napahawak sa tyan ko. Medyo malikot na rin kasi ang baby.

May pag-iingat akong bumaba at nagtungo sa kusina para lang magulantang sa dami ng mga hugasin doon. Nakita ko si Teressa na busy sa pagbebake ng cake. Nagkalat na rin ang ibang supplies.

Naagaw ng atensyon ko ang arrangements ng mga cupcakes kaya kumuha ako ng isa at tinikman iyon.

"Good morning, Lai! Owemji! Good morning din sa inaanak kong paniguradong mana sa ninang na maganda!" Lumapit sya bago ako hinalikan sa pisngi, bahagya pa syang yumuko para rin mahalikan ang umbok sa tyan ko. Natawa ako.

"Bakit kay aga mo naman yatang sumulong dito at nakipaglaban sa spatula at oven namin?" Nakataas kilay kong tanong sakanya. Napanguso sya bago ako irapan.

"Bes, nakalimutan mo ba?" My forehead creased.

"Ha? Nakalimutan ang alin?" Did i really forgot about something?

"Haler? Birthday ni Lola Corazon ngayon! Nakalimutan mo nga. Nagplano pa tayong magbake ng cake at cupcakes para sakanya tapos makakalimutan mo lang." Napakurap ako. She rolled her eyes again, earning a chuckle from me.

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon