CHAPTER 8

106 6 3
                                    

"Nak, baka mapunit yang labi mo kakangiti ha." Napalingon ako noong magsalita si mama. Nakurap ako nang mataman nya akong tinignan at nakangisi pa sya habang nagbabalat ng mansanas.

"Po?" Napakagat ako sa labi ko noong mapagtantong kanina pa nga ako nakangiti. "Mama naman eh..." Nahihiyang sabi ko. Natawa sya bago hinaplos and buhok ko.

"Alam mo, hindi kami makapaniwal sa nangyayare. Pero may tiwala kami sainyo ni Joaquin. Ang hirap nga lang isipin kasi nasanay kami na magkaibigan lang kayo pero ngayon maikakasal pa kayo." Ngumiti si mama habang hinahaplos parin ang buhok ko.

"Ma? Totoo po ba iyan? Si papa po? Galit parin po ba? Sorry, ma." Mahina kong bulong. Napatungo pa ako pero hinawakan nya ang baba ko at iniangat iyon para magtama ang mga mata namin.

"Anak, kahit sinong magulang magagalit kapag nalaman na ang kaisa-isang anak nila ay buntis kahit walang asawa. Masakit iyon para saamin. Pero wala na kaming magagawa. Nandyan na ang bata. Mahal ka namin ng papa mo, nak. Galit lang talaga sya. Kahit ako naman ay nagalit rin pero kahit papaano noong nalaman ko ang kwento nyo ni Joaquin ay parang nabunutan ako ng tinik. Dahil alam kong nasa tamang tao ka. Sana huwag mong isipin na pagkakamali ang lahat, anak. Huwag na huwag mong iisipin na ganoon, lalo na kung ang bata ang usapan. Hindi iyan, pagkakamali. Maaaring ang mga ginawa ninyo ang mali pero ang bata ay hindi kailanman bunga ng pagkakamali. Tsaka hindi sya bunga ng pagkakamali sa una pa lang, hindi ba?" I pursed my lips at my mother.

"Ma?" She chuckled at me.

"Anak, kahit hindi mo sabihin alam ko. Alam kong mahal mo si Joaquin. Iba iyong tingin mo sakanya. Iyong kahit anong gawin nya ay hindi nawala sa mga mata mo ang kislap na yan. Mas tumindi pa nga yata lalo noong umamin sya tungkol sa kasarian nya. Nanay mo ako, alam ko kung kailan ka nagsisinungaling, kung kailan ka nasasaktan, at kung kailan ka nagmamahal." Ngumiti si mama saakin. Hindi ko maiwasang mapaluha sa mga sinabi nya.

It's true. Mother knows best. Mothers  knows us the best.

"Mama, i love you." Agad kong niyakap si mama noong pakiramdam ko ay sobrang maiiyak na ako. Naramdaman ko naman ang init ng yakap nya.

"Mahal din kita, anak ko. Mahal ka namin ng papa mo, at ng magiging anak mo rin." Napangiti ako.

Pamilya parin talaga ang kakapitan mo sa lahat ng pagbusok na kahaharapin mo. Lalo na ang ina na nagluwal saiyo. Tanging siya ang makakabasa ng mga salitang kinikimkim mo. Alam nya ang pasikot sikot ng buong pagkatao mo.

"Sali naman ako dyan..." Napabitaw ako noong marinig ko ang boses ni papa. Ngumiti sya ng tipid saakin bago sya lumakad at naupo sa gilid ng hospital bed ko. "Anak, patawarin mo ang papa... kung nasaktan na naman kita." Panimula nya sa basag na boses.

Walang pagdadalawang isip na niyakap ko ang papa. Sobrang higpit. Nagiiyakan na kami. Sobrang mahal na mahal ko ang pamilya ko.

"Papa, naiintindihan po kita. Sorry po talaga." Hinawakan nya ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon.

"Lagi mong tatandaan na lahat ng ginagawa namin ay para lamang sa'yo, sa ikabubuti mo. Makakasakit man iyon o hindi. Ayaw lang namin ni mama mo na masaktan ka. Maintindihan mo rin kami, lalo na ngayon na may baby ka na. Pagpasensyahan mo na at nangyare pa itong kanina. Nabulag lang ako sa galit ko kaya nasaktan ko pa kayo, muntik pang mapahamak ang apo ko." Hinawakan ko ang kamay ni papa na nasa pisngi ko. Kinuha ko iyon bago pinatakan ng halik ang kamay ng ama kong bumuhay saakin simula noong nabuo ako sa mundong ito.

"Ayos lang, papa. Malakas ang baby ko, kasing lakas ko." Natawa sila ni mama sa mga hirit ko. Nakakatuwang makita na masaya na ulit kami. Kahit na nagkamali ako sa mga desisyon ko ay nandyan parin ang mga magulang ko para gabayan ako.

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon