EPILOGUE

349 12 15
                                        

Hi, you're at the last part of this colorful journey :)

Thank you so much for making it here with me. I really appreciate your likes, votes, and especially comments. It warms my heart in ways I couldn't put into words. Five years... It took me five years to finish this book, and my dream came true. Dreams aren't delayed, they're just preparing you for something far greater. I'm finally closing these pages and moving on to the next book.

I hope you love Waki and Lai as much as I did. And may your hearts be filled with love and happiness. Fight for the love you have. Rest if you are tired. Then try to find a reason to love again. Because sometimes our gentle truth was just right in front of us. Whether masked with manliness or dressed in softness.

To the 13-year-old me: You did it. You finished your first book. I'm so proud of you.

To the girl who's reading this, whether you once fell for a gay, or you're just curious, that's why you read this; remember that love comes at the right place, at the right time. Don't lose hope, for he may just be applying his lipstick for now. He'll come for you soon.

Love is... accepting their identity, and loving them more because of that.

Happy holidays!

- MsBeautifulSunshine.

✯✯✯✯✯


EPILOGUE

Talambuhay ng Sirenang may pakpak by Joaquin Acacius Alcazar.

Bata pa lang ako, alam ko nang may kakaiba sa akin. Mas malambot ako kaysa sa inaasahan, kakabugin ko na nga ang mamon sa tindahan. Mas malambot pa ako sa flat na gulong ng bike na palaging gamit ng pinsan kong maasim. At higit na mas malambot pa kaysa sa unan na natuyuan na ng laway ni ate Janine.

Habang ang mga pinsan kong mga lalaki ay naglalaro ng paasiman sa labas ng bahay, nasa kwarto naman ako ng ate at nagpapaganda. Feel na feel ko ngang isuot yung bestida nyang pink. Kumikinang kinang pa iyon dahil may touch of glitter. Pero isang araw nahuli niya akong nirarampa iyon na parang victoria's secret angel, piningot niya ako. Kabugera kasi ang ate, ayaw magpalamang sa kagandahan ko. Chos!

Isang araw habang nanonood ang ate sa sala ay tinabihan ko siya. Doon ko unang napanood ang Winx club, at sinabi ko sa sarili kong magiging dyosa din ako, konting pa-cute pa. Ako ang magiging unang sirenang may pakpak sa balat ng lupa at alon ng tubig. Tapos sasagipin ko ang prince charming kong nakikipaglaban sa mga hampas lupa, at magkikiss kami ng bongga! Oh diba, pak na pak!

Ni minsan naman hindi nagtanong ang mama at daddy sa kasarian ko. Hindi ko rin naman naramdaman na tutol sila doon. Pero sa ibang tao, kinukubli ko ang sarili ko. Kasi alam kong hindi iyon katanggap tanggap sa mata ng lipunan. Lalo na at retired sa pagiging heneral ang lolo ko. Baka ako pa ang sumunod na ipa-firing squad niya sa Manila. Hindi naman ako bayani no, sirenang nangangarap lang.


"Welcome sa bago nating bahay, mga anak!" Masayang bati ni daddy ng makababa kaming lahat ng kotse. Tiningala ko ang may kalakihang bahay sa harapan namin.

"Dito na talaga tayo titira, Dad?" Medyo alanganing tanong ni ate. Naiintindihan ko kasi kahit ako tingin ko hindi magandang ideya ang lumipat na naman ng bahay, kahit kakalipat lang namin. Ewan ko ba sa pamilya ko, isinabahay ang larong trip to jerusalem.


"Oo naman, Janine. Binili na namin ni Mama niyo ang bahay. Hindi na tayo magpapalipat-lipat pa. Ang saya diba?"

Mas masaya kapag nagfully-bloom na ang pagiging babae ko.

The Gentle TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon