What's even worse heartbreak than loosing someone you love the most? Is there even worse? Maybe.
Betrayal.
There's nothing worse than seeing your own husband making out with another man. It's even worse than you could ever imagine. It's brutal. It's a literal heartbreak.
Joaquin fed me with butterflies and rainbows, even promised to love me thoroughly. But where am i now? Not on the paradise he promised. Instead, I'm feeling hell. I'm feeling nothing yet burning to ashes at the same time. It's crushing me to pieces.
Masakit. Walang tamang salita para sabihin kung gaano kasakit lahat. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nagigising sa mga sumunod na araw eh. Para akong nakalutang. Wala ako sa sarili. Hindi ko na nga alam anong araw na ngayon. Ewan ko. Ayoko na ring alamin. Ayokong maalala kahit birthday ko. Ayoko.
Sobrang sakit mawalan. Lahat na lang kinukuha saakin. Hindi naman ako humihiling ng sobra ah. Pero bakit naman ganito? Ano bang kasalanan ko?
After my grandmother died, i experienced bleeding that resulted to miscarriage. When the doctors checked on me i thought everything's gonna be fine, but it didn't. My baby's heartbeat was nowhere to be heard.
Hindi na raw tumitibok ang puso ng anak ko. Hindi nya na raw kinaya. Wala na rin ang tanging lakas ko, ang anak ko.
At noong araw na nakita ko sya sa unang beses, wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. She's only seven months old yet she didn't have the chance to live. To be born alive. She's so tiny. But what broke me the most was knowing that she came out of me; already not breathing. The world is so cruel to steal her away from me. Everyone's cruel.
I removed the glasses I'm wearing just to wipe my tears. Lately, I'm not wearing any contact lenses. Natatanggal lamang iyon sa tuwing umiiyak ako kaya mas mabuti nang nakasalamin nalang ako. Mas convenient.
Mapait akong napangiti. Dahan dahan akong naupo sa pinong damo. Inilapag ko ang dala kong bulaklak sa lapidang nasa harapan ko.
"Miss ka na ni Momsy, anak. Dalawang buwan na pala ang nakalipas. Ang bilis naman. Due date mo na sana. Maririnig na sana ni Momsy ang iyak mo." Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Ako lang din naman mag-isa kaya ayos lang.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa dalawang buwan na nakalipas ay wala akong ibang ginawa kundi ipagtabuyan silang lahat. Walang araw na hindi ako umiiyak. Sa buong buhay ko takot akong mag-isa pero noong nawala saakin ang lahat ay nawala rin ang takot na iyon. Mas gugustuhin ko pang mag-isa ngayon.
I already shut people out. I don't care anymore. I don't want to talk to anybody, including my husband. We're still living on the same roof. But I'm sleeping on the guest room. I needed some space. Away from him.
Inilapag ko ang handbag ko sa may shelf. Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay, malinis naman iyon. Pero malungkot. Hindi katulad dati na puno iyon ng ingay at tawanan.
Napalingon ako sa may sala at nakitang natutulog si Joaquin sa sofa. Napabuntong hininga ako bago lumapit roon. Inisa-isa kong damputin ang mga papel na sa tingin ko ay nirereview nya. Nakatulugan nya na naman. Palagi nalang syang ganito. Siguro dahil sa pagod. Iniintindi ko nalang.
"Sorry..." Napakunot ang noo ko. Nilingon ko sya, nakapikit parin pero nagsasalita. Dahan dahan akong lumapit at sinapat ang noo nya.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang init nya. Nakakapaso na iyon. Marahan kong tinapik ang pisngi nya.
"Joaquin, gumising ka." He groggily opened his eyes. Nagulat pa nga ako dahil bigla syang bumangon at umupo. "Waki! Ano ba!"
"Lai..." Napasinghap ako noong hinapit nya ang bewang ko at niyakap yun. Nakaupo parin sya sa couch habang ako naman ay nakatayo. Isiniksik nya pa ang mukha sa tyan ko.
BINABASA MO ANG
The Gentle Truth
RomanceGENTLEMEN SERIES #1 More than just a best friend, Alaina cherished Joaquin. She had feelings for him since they were young, and Joaquin was aware of his constant differences. There's nothing wrong with him being gay; his family and closest friend bo...