CHAPTER 22

33 5 2
                                    

Marahang umihip ang hangin mula sa bukas na bintana ng kwarto. Nililipad nito ang puting kurtina. Sumisilip doon ang sikat ng araw.

"Mali bang makaramdam ng ganito sa kaibigan?" Wala sa sariling usal ni Joaquin habang hawak parin ang cellphone sa kamay at kasalukuyang nagrerecord ng video.

"Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Mahalaga saakin ang babaeng 'to. Sobra. Hindi ko kayang mawala sya nang dahil lang sa nararamdaman ko. Ayokong masira lahat ng pumapagitan saamin. Lahat ng meron kami. Ayokong mawala iyon..." Lumingon si Joaquin sa gilid nya kung saan ay mahimbing paring natutulog si Alaina. Napangiti sya. Muli nyang hinarap ang camera.

"I know you'll find out about this, probably years from now. I don't know. But I'm keeping this. Also, i have something to confess. Kasi naman sis, hindi ko talaga jowabells si papi Damon. It's....complicated. We're not together. I just asked him to play along with me, because i was running away from you. From my feelings for you. I got scared. It was just an act of cowardliness. But the moment he laid his hands on you, i lost it. I talked to him, because it wasn't supposed to be like that. Wala syang karapatang saktan ka, Lai. He should hurt me instead because he fell in love with me, while i can't do the same thing." Joaquin's emotions were already overflowing but he's still composed.

"I already cut all of my connections with him. I can't be his lover. Not when your name rests easy on my heart. Not when you're still the one I would run to. Not when i felt like cheating on you when we're together. I chose to run away from you to save our friendship, Alaina. I just got scared that time. I got scared because....."

"I see, you're watching that. Finally."

Agad akong napalingon ng marinig ang boses ni Waki. He's standing behind the couch, with his hands on his pockets. Our eyes met and i felt my body froze. Just like the time had stopped for a moment.

Umikot sya upuan hanggang sa marating nya ang tapat ko. Napatingala ako sakanya. He just gave me a smile, a reassuring one. As he settled beside me. Napaiwas na lamang ako ng tingin sakanya at pinilit na panoorin ang video na nagpplay parin sa tv.

Pero hindi ako makapag-concentrate dahil rinig ko ang mga bulong nya. Kabisadong-kabisado nya ang bawat sinasabi nya sa video na pinapanood namin. Sinasabayan nya iyon, na parang script lang sa isang palabas.

Napatikhim lang ako bago ko sya narinig na natawa ng mahina. Sa puntong iyon tuluyan na akong lumingon sakanya. Walang bahid ng kalambutan akong nararamdaman sa bawat salitang binibitawan nya.

Animo'y hindi sya ang Joaquin na madalas kong kaasaran. Kailan ko ba sya huling nakasama ng ganito? Siguro noong paminta pa sya at madalas nyang sinasabing kami kapag may nagtatanong.

Maniniwala na ba ako? Hindi ba't matagal ko nang gustong marinig muli iyon sakanya? Pero bakit parang hindi ko magawang magsaya? Dahil ba nagdududa parin akong baka iba ang nilalaman ng puso nya? O hindi ko kayang paniwalaan dahil hindi ko inaasahang kaya nyang suklian ang nadarama ko?

Hindi ako umiwas sa malalalim nyang tingin. Sinalubong ko ang lalim ng titig nya. Walang kumukurap saamin. Muli akong bumuntong hinga. Lumambot ang tingin nya at bahagya pang napalunok. Ngunit hindi sya nagbawi ng tingin.

"Maniwala ka sana. Ginawa ko yun para sa'yo." Hinuhuli nya parin ang tingin ko. Bahagya akong natawa.

"Para saakin? What are the reasons? Puro dahilan na naman ba? Puro nalang sorry? Ano?" Mariin kong ikinuyom ang kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon