CHAPTER 1

666 23 2
                                        

CHAPTER 1 | Rainbow

"Lai!" Sa gulat ko ay nabitawan ko ang binabasa kong libro, agad namang may kumuha noon. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nakapamewang si Teresa, nakataas pa ang isang kilay.

"Bakit ba, Tere? Ano bang kailangan mo saakin?" Kalmado kong tanong habang sinusubukan kunin ang libro na kinuha nya, kaso itinago niya iyon sa likod nya habang masama pa rin ang tingin sa akin. Napabuga ako ng hangin.

"Kasi naman, Alaina eh! Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi mo manlang ako pinapansin." Napapadyak pa sya dahil sa sobrang inis. Hindi ko naman napigilan at natawa na ako sa mga kilos nya. Maling desisyon yata yun dahil lalo lang syang nainis. She sticks her tongue out at me then runs away. I didn't have a choice but to follow her to get back my favorite book.

"Teressa! Bumalik ka dito! Hoy, Tere!" Parang bingi lang si Teressa habang mabilis paring tumatakbo papalayo saakin.

Saglit akong napatigil para habulin ang paghinga ko. Tumakbo ulit ako para habulin sya kaso sa kasamaang palad, nadapa ako. Ramdam ko na rin ang hapdi sa tuhod ko. Naluluha kong tinignan iyon. Pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko dahil sa kirot na nararamdaman. Hindi dapat ako iiyak! Kaso lang may dugong lumalabas. Mainit rin at pinagpapawisan na ako. Ayoko ng ganito. Ayokong nagmumukhang kaawa-awa!

Tumayo ako at tinantya ang balanse ng katawan ko bago patuloy na naglakad, kahit sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luhang pilit na nilalabanan. Nakarinig ako nang busina ng sasakyan. Natuod ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba at takot. Papalapit na ng papalapit ang busina nang bigla kong maramdamang may malakas na pwersang humila sa akin.

Napaupo ako sa lupa dahil sa lakas ng pagkakahatak sa akin ng kung sino man. Dahan-dahan akong naupo at hindi ko na mapigil ang mapa-luha. Muntik na naman akong mapahamak. Agad ko namang pinunasan ang pisngi kong basa.

"HOY BATA! TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO! MAKAKA-DISGRASYA KA PA!" Rinig kong sigaw ng lalaki na tantya ko ay driver ng sasakyan. Bago pa ako makasagot at makahingi ng tawad ay may nagsalita na sa harap ko.

"Excuse me sir. I'm sorry for what happened just now because of this girl, but please also know that she's hurt." Boses ng isang batang lalaki.

"TSK! MGA PERWISYO! MAG-INGAT NALANG KAYO SA SUSUNOD!" Mababakas sa boses ng lalaki ang galit nya. Agad naman akong tumungo bago humingi ng paumanhin. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang papalayong ugong ng sasakyan nito.

"Ang pangit mo umiyak, girl..." Pinahid ko ang luha sa mata bago nag-angat ng tingin sa batang 'to. Napa-simangot ako sa narinig. I can now see the kid who helped me a while ago. He's just standing in front of me, blocking the rays of sunlight that's hitting my face. He's wearing a red shirt, denim shorts, a pair of white shoes, and a friendly yet judging smile. A you-look-ugly-when-you-cry smile. The smile on his face vanished when his eyes landed on my wounded knee.

"Hala!" Then he kneels in front of me. Hinawakan nya ang binti ko, bago sinipat-sipat ang sugat sa tuhod ko. "May dugo, girl!" Hysterical na saad nya. Takot yata 'to sa dugo?

"Aray! Wag mong diinan!" Halos sipain ko siya dahil lang sinubukan niyang idion ang hinlalaki sa sugat ko.

"Sorry. Teka lang." May kinapa sya sa bulsa nya at dinukot nya iyon. Isang pink na panyo, pansin ko rin na may naka-tahing letra doon. Akmang ilalapat na nya sa sugat ko ang panyo ng umatras ako at mariing umiling.

Ngayon pa nga lang kami nagkita tapos ipupunas nya yung panyo nya sa sugat ko. Hindi rin naman sa nagiinarte ako o kung ano pa pero kasi light color yun eh, dumihin. Syempre pag-nilapat nya iyon sa sugat ko ay siguradong tatagos ang dugo mula sa tuhod ko roon.

The Gentle TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon