CHAPTER 25

373 15 15
                                        

CHAPTER 25 | Answered Prayers     

"Not too much, anak. Enough na 'to." 

Tahimik kong pinapanood ang dalawa habang nagsisindi sila sa Candle Chapel. Tinuturuan ni Waki si Faith na magdasal, kanina nga sa loob ng simbahan ay pinagdasal rin nila si Dream. Nakatanaw lamang ako sakanila ng may ngiti sa mga labi. Sinong magaakalang magiging payapa pala ang uuwian namin. Hindi sigawan, hindi sama ng loob, at wala ng sakitan pa. 

Sa loob ng limang taon kong pamamalagi sa ibang bansa at pagaalaga sa anak namin ay hindi na maiwasang matanim sa utak ko ang pangamba. Na siguradong magagalit siya sa akin kapag nalaman nyang may anak kami at hindi ko man lang pinaalam sakanya agad ang tungkol doon. Buong akala ko ay galit nya ang kahaharapin ko. Kaya hindi parin ako makapaniwalang magkasama na ulit kami ngayon. 

Kumuha ako ng iilang pirasong kandila at tumabi sakanila para magsindi rin. Tahimik kong inilapit ang mga hawak ko sa nakasinding kandila ni Joaquin. Mariin akong pumikit at nagdasal pagkatapos. Naririnig kong nagbubulungan ang dalawa kaya naman ay tinapos ko na ang pagdarasal at hinarap sila. Karga karga ni Waki ang bata habang nakangiti sila sa akin. 

"Bakit?" Kuryusong tanong ko. May binulong si Joaquin kay Faith bago sila nag-apir. 

"Wala, tara lunch na tayo." Nilagpasan ako ng loko at nauna silang lumabas. "Where do you want to eat, baby girl?" 

"Jabilee, Popsy!" Hindi ko napigilan ang tawa ko. Nagtatawanan kami ni Joaquin habang pabalik sa parking lot. 

"What's so funny?! Jabilee is so cute and it's yum yum!" Nakasimangot na reklamo ng prinsesa namin. Hindi pa rin kasi kami natigil ng tatay nya sa kakatawa kahit noong nagdrive na si Joaquin para maghanap ng makakainan. 

"Anak, it's Jollibee." Pagtatama ko, iniiwasang mapatingin sa tatay nyang shokoy na wagas kung tumawa. 

"Bulol." Pang-aasar pa ni Waki kaya hinampas ko sya sa braso. 

"Popsy! Stop teasing me!"

"Yes, your highness. Loud and clear." Tinawanan ko na lamang silang dalawa. 

Maraming tao sa loob ng fast food pero nakahanap naman agad kami ng mauupuan. Isinama nya ang bata sa pagoorder kasi namimili. Hindi na nga ako tinanong pa sa kung anong gusto ko eh. At talagang nalula ako sa dami ng inorder nilang dalawa. I glared at him as he sat beside me, while Faith sat across us. He was grinning from ear to ear.

"Patingin nga ng resibo, Waki..." Sinubukan kong abutin iyon pero naunahan na ako at tinago nya na agad sa bag.

"Huwag mo nang isipan pa yun, Lai. Kumain ka nalang." Ngiting aso nyang sabi. 

"Ang dami naman kasi. Baka hindi natin maubos, sayang." 

"Hindi yan masasayang. Besides, I really want to be the one who provides for the both of you. Walang sayang o masasayang doon, Alaina. You don't have to do it alone, and I won't let you either. Hayaan mo na akong bumawi sainyo. Ako nang bahala ngayon, okay?" Joaquin's eyes never left mine as he said those words like a solemn vow. It was like something in me was put to ease. Like he didn't just want to be present, he wants to carry my burdens with him too. And I don't know how will i ever get used to this. 

"Sure ka—ano yan?" Napamaang ako ng iniumang nya ang kutsarang may kanin at manok sa bibig ko.

"Nga-nga, kumain ka na. Kumakain na ang junakis natin oh." Inirapan ko sya, pigil ang mga ngiti nang tinanggap ko ang sinubo nyang pagkain. 

I fed our daughter from time to time, while he's also busy feeding me and himself. The food was still warm as we finished. It didn't cool down just because one of us needs to wait for the other to finish. True to his words, siya ang bahala sa mga kinain namin. May hindi kami nagalaw na pagkain kaya pinabalot nalang nya iyon at nagdagdag pa ng ilang order.

The Gentle TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon