CHAPTER 20

153 5 0
                                    

"Happy Birthday, baby."

Maingat kong nilapag ang dala kong bouquet sa gilid ng lapida nya. Dalawang taon na ang anak ko. Dalawang taon na rin simula nang mawalay sya saamin.

"Hi, la." Pagbati ko rin sa puntod ng yumaong lola. Magkatabi lamang sila rito. Gusto pa nga nila mama na pag-isahin nalang pero napagdesisyonan kong huwag na.

"Happy Birthday, Popsy's princess!" Maligayang bati ni Joaquin, bago sya umupo sa tabi ng puntod ng anak namin. Inilapag nya ang dalang teddy bear sa may lapida ni Dreame.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya. Nakatitig lang sya sa lapida ng bata, pero may nakapaskil na ngiti sa mukha nya. Nilingon nya ako at hindi na ako nakaiwas pa. Ngumiti sya lalo.

"Hello, lola ko!" Pagbati rin ni Joaquin sa puntod ni lola. Naglabas naman dya ng bulaklak at nilapag iyon sa may lapida.

Nakatitig parin ako sakanya. Nakangiti sya. Masaya syang tignan pero alam kong hindi. There's still sadness and loneliness that's visible in his eyes. And he's trying to hide it.

"Anak, alam mo ba?" Inaabangan ko ang susunod nyang sabihin. Nakangiti sya nang harapin ako bago muling humarap sa puntod ng anak. "Masaya si Popsy kasi nandito ulit si Momsy."

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang mga sinabi nya. Nilukob ako ng lungkot. Anong nangyari saaming dalawa? Paano ba naging ganito ang lahat?

Where did we go wrong?

"Hindi pa talaga kami bati ni Momsy mo eh, pero sa tingin ko magbabati na kami." Nilingon nya ako ulit. Napaiwas ako ng tingin.

"Anak, magaling na magbake si Momsy." Pag-iiba ko sa usapan. Kita ko sa peripheral vision ko ang mga titig ni Joaquin.

"Oo nga, nak. May coffee shop na si Momsy at si Ninang Tere. Magaling na magbake at magtimpla ng kape ang Momsy. Natry na ni Popsy ang gawa nya. At pang-out of this world ang lasa!" Pag-eexage ni Waki. "Kaso wala syang discount na binibigay saak—aray naman, Lai! Ang bayolente mo ha!"

Napangiwi na lang sya dahil sa kurot ko sa tagiliran nya. Inirapan ko sya pagtapos. Ngumiti naman ako sa harap ng puntod na akala mo eh nakikita talaga ng anak namin. At kung makikita at maririnig man nya, paniguradong matutuwa sya sa kalokohan ng ama nyang dyosa.

"Dreame, huwag mo nalang pansinin si Popsy mo ha? Ganyan talaga kapag kulang sa kain—"

"Wala na kasing nagluluto para kay Popsy, anak." Pagsingit ni Joaquin. Inirapan ko sya ulit.

"Wala kasing—" Muli nya na namang pinutol ang sasabihin ko.

"Wala ring lumalambing kay Popsy. Walang yumayakap kapag malamig ang gabi. Walang nagbibigay ng kiss—" I felt attacked. I immediately covered his mouth using my palms.

"Manahimik ka na nga." Pinandilatan ko sya ng mata at ang mokong,  tumawa lang.

He licked my palms so I instantly moved them away. Tawa na naman sya ng tawa. Tinutusok-tusok nya pa ang tagiliran ko. Natigil lang kami nang may marinig kaming pang-aasar sa gilid namin. Pareho kaming napalingon at nakita si Teressa, kasama ang mga magulang naming dalawa.

"Tamis." Pang-aasar pa ni Tere. Kasunod nya sila mama pati ang isa ko pang mama. Agad akong tumayo para magmano at batiin sila.

"Tumigil ka Teressa. Nakakaasiwa." Nakasimangot na sabi ko. Tinawanan lang ako ng bruha.

"Ihja! It's so good to see you again. Na-miss ka namin." Nakangiti akong niyakap ng mama ni Joaquin. Nagulat pa nga ako pero agad ko ring sinuklian ang mga yakap nya. Ganun parin naman si Mama-Two, mainit nya parin akong tinatanggap. Minsan nga nakokonsensiya na ako dahil nagtatago nalang naman kami ni Waki. Hindi naman na talaga kami eh... Diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon