CHAPTER 6 | Positive
"Lai, ang weird mo sa totoo lang."
"Ha?" Napamaang ako.
"Hindi ka naman mahilig sa mangga noon ah? Anyare sayo teh? Ilang kilo na pinapabili mo saakin. Wala na akong pera!" Naiiyak na sabi ni Teresa pero parang mas maiiyak pa ako noong makita kong paubos na ang mangga na kinakain ko.
"Dali na, Tere. Gusto ko pa, kumain." I even pouted my lips. Nasa loob lang din naman kami ng campus pero may nagtitinda kasi ng mangga malapit sa pwestong inupuan namin kaya ayun at si Teresa ang gusto kong bumili.
"Oo na! Sige! Palibhasa kasi mahal kita!" Napangiti ako ng malaki habang pinapanood si Tere na maglakad papalapit sa stall na nagtitinda ng indian mangoes. Ang sarap sarap nun, itsura pa lang.
Nabura ang ngiti sa mukha ko noong makita kung sino ang sumusunod kay Joaquin. Ngiting ngiti pa ang judas habang patulog paring nakasunod. Napasimangot ako lalo. Si Damon iyon, magbabalikan na siguro sila.
Pareho din kasing engineering ang kinuha nilang kurso kaya magkakalapit at magkakalapit talaga sila. Samantalang business naman ang kinuha namin ni Teresa at magnenegosyo nalang daw kami in the future. Kapag hindi, afam nalang siguro.
Tinaboy ni Waki si Damon na parang perwisyong langaw. Sa huli sumuko rin ito. Mas pinili naman ng una na makipaghalubilo sa mga kaibigan nya.
"Oh, bes eto na! Pinalagyan ko pa yan ng maraming bagoong-alamang." Napatingin lang ako sa supot na hawak ni Tere. Napasimangot ako.
"Ayoko na nyan." I crossed my arms over my chest, while watching Joaquin interact with his new found friends.
"Ang pogi nila no? Crush ko na talaga si Nev!" Napasimangot ako lalo bago ko tinapunan ng tingin si Tere.
"Bakla din yan, bes." Sya naman ang napasimangot. Bumuntong hininga pa sya. Teresa just dramatically blabbered about her hopelessness when I saw Judas—I mean Joaquin walking towards our direction.
Our eyes met for a split second and I'll admit my heart raced because of that intense stares. I rolled my eyes at him when he just smiled amusedly at me. He loves teasing me nowadays, and I'm really annoyed when he always do that. Nakakapikon na parang gusto ko nalang maging bayolente.
Mas lalo akong napasimangot noong tumabi sya ng upo saakin at sa hindi ko malamang dahilan, ang baho talaga niya. Hindi ko gusto ang amoy na nanggagaling sakanya. He grimaced upon seeing my nose crunched.
"Beb, anetch na naman yang kaechosan mo?" I crunched my nose even more. I really don't like his smell.
"Ang baho mo." I blurted out bluntly. Teresa burst out laughing. Joaquin frowned at me. I covered my nose. I'm dead serious!
"Gaga ka! Expensive ang pabango ko no! Anong majoho? Nakakahurt ka ng feelings ah." Napangiti ako. Wala na sa mood si bading.
"Iyon ang naaamoy ko eh!" Irap ko pa. Umirap din sya pabalik.
"Bakit ba ang sungit sungit mong babaita ka ha? Ces Drilon na ang beauty ko sa'yo!" My forehead creased.
"Ano?" He rolled his eyes at me, again.
"Stress na akez sayo! Lucresia Kasilag ka ba, ha?" It's my turn to roll my eyes also.
"Hindi ako baliw." We both rolled our eyes at each other. Teresa was still laughing at our banters. Patarayan pala gusto mo ah. Huwag ngayon, Joaquin.
Nasa ganoon kaming pwesto noong lumapit pa siya sa akin na naging dahilan ng biglang pagbaliktad ng sikmura ko. I covered my mouth immediately. Both of them looked at me weirdly before i ran to the nearest bathroom down our campus' hallways. I entered an empty cubicle before throwing up there. Luckily there's no one around.

BINABASA MO ANG
The Gentle Truth
RomansaATYPICAL LOVE #1 Mahal ni Alaina si Joaquin, higit pa sa ilang taon nilang pagkakaibigan. Matagal na syang may lihim na pagtingin dito, pero ni minsan ay hindi nya inisip na magtapat. Natatakot na masira ang kung ano mang mayroon sila. Pero paano ku...