CHAPTER 19

406 5 4
                                    

Nagdrive thru lang kami sa isang fast food bago sya nagpatuloy sa pagdadrive. Hindi ko nga alam kung saan kami papunta eh. Tahimik parin kasi kami. Nagkakatinginan pero walang nagsasalita.

The night was so peaceful. There's so many stars hanging from up above the sky. I can't help but to also admire the city lights.

"Pwede mong buksan yang bintana, girl. Para mas maenjoy mo." Hindi ko na inabalang lingunin sya at dahan dahan na lang binaba ang bintana ng kotse nya.

"Wow! Nakakarelax, Waki!" I couldn't help but to smile happily.

"Baka bigla kang tumalon dyan ha. Wag mong subukan, mujer ka. Sasabunutan talaga kita ng bongga." Napailing ako.

"As if naman kaya mo." I grinned, knowing that he would never do that.

"So tatalon ka talaga? Dapat sinabi mo agad." Napakunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Edi sana kanina pa kita tinulak." Nginisihan ako ng loko. Minsan napapaisip ako kung paano kami naging magkaibigan neto.

"Tatandaan ko yan para kapag nawala ako, ikaw kaagad mumultuhin ko."

"Sinetch tinatakot mo, sis?" He arched a brow. Still plastering a playful grin.

"Wag ka na nga!" Inirapan ko sya.

"Pikon ka lang kasi, merlatie." Naririnig ko pa ang mahina nyang tawa kaya mas lalo akong naiinis.

"Hindi ako pikon." I squinted my eyes at him.

"Ekeyyy! Sebe me eh!" Napangiwi ako dahil sa sinabi nya. May papilantik pa sya ng daliri. Ang arte nyang tignan. Ewan ko, para syang dagang nakalunok ng pampalason.

As the cold wind breeze hits my skin and i couldn't help but to smile contentedly. After some time nilingon ko sya. Nakita kong pasimple syang nag-iwas ng tingin.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" I curiously asked.

"Sa heaven." Inihit ako ng ubo dahil sa sagot nya at ang walanghiya, tawang tawa.

"Baliw! Nag-aaksaya ka lang yata ng gasolina eh."

"Keri lang. Marami naman akez pang gas." Napamaang ako. Tawa na naman sya ng tawa.

"Edi ikaw na."

"Wait ka lang dyan. Hindi pa naman kita isasalvage at itatapon sa estero. Den't werry, sessy!" Ayan na naman sya sa kaartehan nya. Napapangiwi talaga ako kapag ganoon na sya magsalita.

"Malay ko ba. Baka hindi sa estero. Malay mo, pagsamantalahan at itapon ako sa talahiban ng etivac. Uso yun ngayon, bading." I shrugged as i pinpointed my opinion.

"Gaga! Anong tingin mo? Pagsasamantalahan kita? Eww! Not my style!" OA na pagrereact ni Joaquin.

"May sinabi ba akong ikaw? Tsaka anong 'not my style' ka dyan? So may balak ka nga?" Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Oo, pero kapag ginawa ko yun hindi sya counted as pananamantala. Duh." Napakunot ang noo ko. Bakit nga ba umabot sa ganito ang usapan namin? At saan ba talaga kami papunta? Parang nalibot na namin ang buong NCR ah.

"At bakit?"

"Kasi may consent." Mas lalong napakunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nito?

"Consent?" Tanong ko.

"Oo, consent mo." Ayan at para na naman syang nakahithit ng chocolate mikmik. Tawang tawa na naman. Pero nag-init ang pisngi ko nang marealize ko ang punto nya.

"Ewan ko sa'yo!" Inirapan ko sya ulit bago ko ibalik ang tingin sa labas ng bintana.

Ilang minuto pa ay huminto na ang kotse. Naamaze agad ako sa nakita ko sa labas. Nasa may seaside kami. Maliwanag pa ang paligid dahil sa mga lamp post. May coffee shop rin na malapit.

The Gentle Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon