Muli akong nagising sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman ko ang marahang paghalik ni Joaquin sa noo ko. Pinapakiramdaman ko lamang sya hanggang sa mawala na naman ang presensya nya. Malamang ay umalis na naman. Bakit na naman kaya?
Napabuntong hinga ako habang tinatanaw mula sa terrace ang kotse nyang papalayo. Niyakap ko ang sarili ko nang marahang umihip ang malamig na hangin. Wala akong ibang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng kwarto.
Naupo ako sa kama at binuksan ang lampshade sa may bedside table. Mapait akong napangiti habang tinititigan ang picture frame namin. Bakas sa mga itsura namin ang saya roon. Ngiting ngiti pa si Waki.
Dahan dahan kong inabot iyon. Kasabay ng pagngiti ko ng mapait ay ang pagbagsak ng mga luhang kinikimkim ko. Pilit kong pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko pero ayaw talaga tumigil.
Niyakap ko ang picture frame na parang doon na lamang ako humuhugot ng lakas. Napahagulgol ako sa kama. Para akong bata na inagawan ng paborito nyang laruan. Sobrang bigat sa pakiramdam. Nagsisimula na ring mamanhid ang buo kong katawan.
"Happy birthday to me..." Hagulgol na bulong ko sa sarili ko. Pasado alas-tres na ng madaling araw. Birthday ko na, pero hindi iyon ganun kasaya tulad ng nakasanayan ko.
Ang dami kong kinakaharap na problema ngayon. Patuloy parin ang unknown number na iyon sa pagsesend ng mga candid pictures ni Joaquin at ni Damon. Iniignora ko na lamang iyon at mas iniisip ang kapakanan ng batang nasa sinapupunan ko. At least nasa akin parin ang anak ko. Siya na lamang ang natitirang lakas ko sa panahon ngayon. Siya ang dahilan kung bakit mas pinipili kong lumaban at magpatuloy.
Ang anak ko nalang ang natitirang lakas ko. Kumapit ka lang kay Momsy ha. Mahal na mahal kita, anak ko.
Sa pagsalubong ng kaarawan ko habang umiiyak ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Ngunit ilang oras lang ang lumipas, nagising ako dahil sa sunod-sunod na pang-ring ng cellphone ko. Inaantok man ay sinagot ko ang tawag na iyon ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
"H-hel—"
"LAI! JUSKO PO! WALA NA ANG LOLA! WALA NA SI MAMA!" Agad akong napabalikwas ng bangon noong marinig ko ang hagulgol ni mama, mula sa kabilang linya.
"M-ma? A-nong sabi m-mo?" Hindi makapaniwalang saad ko. Parang may bumara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong huminga. Nanlalamig ang katawan ko.
"Iniwan na tayo ni mama, anak... Wala na siya..." Iyak ng iyak si mama sa kabilang linya. Napatakip ako sa bibig ko noong mag-sink in saakin ang lahat.
Wala na si lola. Iniwan nya na kami.
Hindi ko alam kung anong kilos ang ginawa ko basta dali-dali akong nag-ayos, bago pumunta sa hospital. Naglalakad lang ako sa corridor pero parang nanghihina na ako. Hindi ko na nga matandaan kung anong sinakyan ko papunta rito eh. Sobra akong nanghihina na parang anytime, bibigay ang katawan ko.
Nakarating ako sa kinaroroonan ni mama. Nakaupo siya ngunit tulala. Si papa nasa tabi nya at hinihimas ang likod nya. Nakita ko rin sina Tita Andra at si Anya, ngunit hindi na ako nag-abalang tapunan pa sila ng tingin.
Noong maramdaman ni mama ang presensya ko ay agad syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Sabay kaming nag-iyakan doon. Hindi ako makapaniwala.
"Mama..." Iyak ko sa nanay ko habang magkayakap kami. Rinig na rinig ko ang pagkabasag ng boses nya.
"Wala na ang lola, anak. Iniwan nya na tayo." Paulit-ulit na saad nya habang patuloy kaming lumuluha.
Hindi ko matandaan kung anong nanagyare basta pumasok kami sa isang kwarto para tignan ang walang buhay na katawan ng lolang pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
The Gentle Truth
RomanceGENTLEMEN SERIES #1 More than just a best friend, Alaina cherished Joaquin. She had feelings for him since they were young, and Joaquin was aware of his constant differences. There's nothing wrong with him being gay; his family and closest friend bo...