"There's a rumor that if you go to the only room in 5th floor where everyone is prohibited to enter, you'll lose your mind." Her co-instructor shared.
Everyone laughed including her. A typical ghost story and it always making her day. Napakaganda ng pakikitungo sa kanya sa eskwelahan at pati narin ang mga klaseng hawak niya'y ramdam nito ang respeto. Malaking tulong ito sa sitwasyon ng kanyang pag-iisip. Past few weeks medyo bumigat ang kanyang pakiramdam sa sunod-sunod at di inaasahang nangyayari sa paligid niya. Pigilin man niya ang sarili sa pag-iisip ng mga bagay mas lalong makapag-gugulo dito, napakahirap.
"Alam mo bago pa masira ulo natin sa kwento mo, umuwi na tayo. Anong oras na?"
Nagpaalam na ang bawat isa at kanya-kanyang tinahak ang daan pauwi ng kanilang tahanan habang siya ay matiyagang naghihintay kay Zach. Naging routine na nilang dalawa na tuwing biyernes ng gabi kung saan kinabukasan ay walang klase si Anna, lumalabas silang dalawa at madalas nag-oovernight.Palagi naman itong nasa oras sa pagsundo sa kanya maliban nalang sa araw na ito. Gayunpaman, matiyaga parin itong naghihintay kay Zach hanggang sa kumbinsihin na nito ang sarili na tawagan siya. Subalit out of reach ang cellphone nito. Lumipas ang isang oras at nakikita narin ni Anna ang paglubog ng araw, wala parin itong tigil sa pag-dial kay Zach.
Kasabay ng pagsuko nito sa paghihintay ang paghinto ng kotse sa kanyang harap. Sa wakas ay andito narin si Zach. Nawala ang pag-aalala at pagkabagot nito sa paghihintay subalit gusto nitong makarining ng eksplanasyon kay Zach.
Pagkapasok ng kotse, hindi inaasahan ni Anna ang tindi ng amoy ng alak sa loob ng kotse ni Zach. Namumula rin ang pisngi nito at kitang:kita na naparami ito ng inom. Bumalik ang pag-aalala ni Anna dahil sa estado ni Zach at ang pagmamaneho niya.
"Ako nalang magda-drive." ang sabi ni Anna. Hindi nito pinansin si Anna at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Ligtas man silang nakarating sa destinasyon, hindi naman maipinta ang mga mukha ni Anna dahil sa takot na naramdaman nito buong byahe at ang pagkawalang-bahala nito sa pagiging late niya kanina. Walang imik itong sumunod kay Zach papasok ng kinuha nitong private villa. Handa narin ang kakainin ng mga ito at hindi rin mawawala ang kama sa kabilang banda na tila nag-aaya sa kanya upang magpahinga.
Umupo si Anna sa harap ng pagkain pero dumiretso naman si Zach at humilata sa kama. Nawawalan narin ng pasensya si Anna dito at di narin makapagpigil na hindi magsalita.
"May problema kaba?!" Lumapit si Anna dito at bakas sa mukha niya ang inis. Lalo pa itong nagalit ng makatanggap lang ito ng ngiti kay Zach. He's drunk.
"You should've told me na may pupuntahan ka pala para hindi na kita hinintay."
"Kung sinabi ko sayo, masasayang ang gabing 'to." he answered.
How insensitive he is. Anna's hurt. Para bang wala itong pakialam sa nararamdaman niya, sa kanya. This time, para bang sinasampal siya sa unusual setup nilang dalawa ni Zach. This is the reality. Past and traumas made her do it.
Habang unti-unti siyang ginigising ng ka-mundohan, muli nanaman itong naudlot sa pag-dikit ng laman ni Zach sa kanya. Pagtalikod niya'y naramdaman nito ang higpit ng yakap at ang pagsambit nito ng kanyang pangalan na paulit-ulit na lumalason sa sakanya.
"I'm sorry. I just had a very bad day." He whispered. Para itong nawalan ng buto sa buong katawan at biglang huminahon. Kung kanina niya pa ito sinabi'y maiintidahan naman agad siya ni Anna.
Humarap ito sakanya. Bakas sa mukha ni Zach ang pagod idagdag pa ang epekto ng alak sa kanya.
"Okay." Ngumiti si Anna dito at inintindi ang sitwasyon. Kahit papa-ano ay nawala ang bigat sa puso ni Anna.
![](https://img.wattpad.com/cover/246210987-288-k724024.jpg)
BINABASA MO ANG
ANNA (R18+)
Misteri / Thriller"Some secrets refuse to stay buried." Anna, who is residing in the US, was finally convinced by her art agency to fly back to the Philippines to receive the proper recognition and a bigger opportunity as an artist. This was also the best way to prov...