"Can we go out?" Nagulat si Zach sa biglang pag-sulpot ni Anna sa kanyang kwarto. Naka-robe ito. He's preparing for work, kakatapos lang nitong maligo.
Napaka-sudden ng pag-aaya nito sa ganito pang pagkakataon. Agad nitong napansin ang mga mata ni Anna. She's crying all night. Chineck niya ito kagabi but he was too shy to knock and ask her if she's okay. He waited for her outside her door to calm down at makatulog kung kaya't kakaunti lamang ang pahinga nito kagabi.
"Yes." Hindi nito natiis ang mga mata nitong nangungusap. He chose her over his work. He immediately called for his secretary to cancel his meeting appointments.
"I'll wait for you downstairs." A sly smile shown.
Agad itong nagbihis at hindi na pinaghintay ng matagal si Anna. She's in her car and is talking someone from her phone. He waited for her to end the call para magtanong.
"San tayo pupunta?" Zach asked but was interrupted by their maid. Kumakaway ito sa labas habang hawak ang telepono at tinatawag si Anna. Lumabas si Anna ng kotse at kinuha ang telepono.
Pinapanood nito si Anna na may kausap sa telepono habang umagaw naman ng kanyang pansin ang phone nito na walang tigil si pagtunog at pagdating ng messages. She left it here.
Mabilis na nagbago ang mood ni Zach sa pagkakataong masilip nito ang mga messages from an unregistered number.
'I fvckin miss you!'
'I love you!"
'I love you!'
He badly wants to pick up her phone, i-explore eto pero buong pwersa nitong pinigilan ang sarili. Binaling nito ang mga mata sa ibang direksyon para umiwas subalit napansin nito ang isa sa mga kasambahay nilang may hawak ng boquet of flowers. Curiousity kills him. Sandali itong lumabas ng kotse at sinundan ang kasambahay.
"Sang galing 'yan?" Nagulat pa ang kasambahay paglingon sa kanyang likod ng makita si Zach.
"S-ir Zach!" Mabilis na napansin ni Zach ang letter sa ibabaw nito at hindi na hinintay pang magsalita ang nasa kanyang harapan.
'Counting down the days....'
This gave him chills, anger and a hint of jealousy. He can only think of one guy na maaring magpadala nito.
"Sir para po kay Mam Anna ito, kaya lang po kabilin-bilinan po nila na kapag po may nagpadala ng bulaklak itapon po namin. Nasasayangan po ako sir kaya nilalagay ko nalang po sa kwarto namin." Dala ang galit, tumango si Zach dito bilang tugon at hinayaan ang kasambahay kasabay ng awtomatikong pagtagpi-tagpi ng kanyang buong hinala sa mga nangyayari.
"Hey! May problema ba?" Tanong ni Anna ng maabutan nitong nakakunot ang noo at tila sobrang lalim ng iniisip. Agad umakto ng kaswal si Zach.
"Aalis na ba tayo?" Tanong nito at tumango si Anna. Nanguna si Zach na maglakad papunta ng kotse.
He's been thinking for so many days if this is the right time for the confrontation but there's still a missing piece which he think na mas stronger para isiwalat lahat ng kanyang nalalaman. Gusto niyang dagdagan pa ang mga rason para kasuklaman ang babaeng kasama niya at higitan ang di nito maamin-amin na pagkahulog dito.
He can feel the vibration coming from Anna's phone and it made him feel more irritable. Messages keeps coming.
"Please read your messages." He broke the silence.
"Sorry." She's too focus and careful in driving.
"Igilid mo sandali 'tong kotse." Napalingon ng sandali si Anna dito.
BINABASA MO ANG
ANNA (R18+)
Misterio / Suspenso"Some secrets refuse to stay buried." Anna, who is residing in the US, was finally convinced by her art agency to fly back to the Philippines to receive the proper recognition and a bigger opportunity as an artist. This was also the best way to prov...