38 Succor

974 22 10
                                        

He decided to go early in an unfamiliar and remote place na sinabi ni Grace. Yes, he's going to meet her. One night, he received a message from her tungkol sa importanteng bagay na kailangan niyang malaman kay Erinn at Nathan. He can't help to think na isa itong trap. Nathan do dirty jobs and hindi malabo na ganito siya kumilos . Zach is ready to break his fvking face.

Nakarating naman siya  ng ligtas. Place is peaceful. Napakaraming puno at benches at tanging dalawang food carts lang ang mga nagbebenta dito ng pagkain. It's an old playground because seesaws and slides are kind of rusty.

"Sir Zach." Hearing her voice confirming that this was not a trap. Grace look exhausted and her eyes are swollen.

Sinundan nitong umupo sa isa sa mga benches kung saan wala gaanong tao. She's carrying a large bag at aakalain mo talagang naglayas ito.

"Pasensya na po kayo kung dito ko po hiniling na makipagkita, Itong lugar lang po ang alam kong ligtas na puntahan." Agad nitong naisip na pati si Grace ay hawak ni Nathan sa leeg. Matinding awa agad ang naramdaman niya dito.

"Hindi po ako masamang tao, sir. Hindi ko po gustong guluhin ang buhay ni Ma'am Anna, wala po akong choice kundi gawin po lahat ng pinapagawa ni Sir Nathan." Muli nanamang nangilid ang luha nito. Nag-init ang ulo ni Zach ng marinig ang pangalan ni Nathan but he let Grace to talk more.

"Ang pagpasok ko po sa inyo bilang katulong ay planado. Habang nagtatrabaho ako sa mansyon ninyo, nagtatrabaho rin po ako kay Sir Nathan at nirereport ang mga nangyayari sa loob ng bahay niyo lalong-lalo na kay Ma'am Anna. Alam ko pong alam niyo na siya si Erinn pero hayaan niyo po akong mas ipakilala siya sa inyo at malaking parte ng storya ni Erinn ang nanay ko."

"Bata palang ako alam ko na kung gaano kahirap ang buhay. Dalawa lang kami ni Mama sa buhay at nakagisnan ko na nag-kakasambahay siya sa kabila ng kanyang kapansanan para mabuhay at mapag-aral niya ako. Kumikita si Mama, naibibigay niya lahat ng gusto ko, napag-aral niya ako pero hindi ako naging masaya 'non. Dahil ang nasa isip ko, imbes na ako ang inaalagaan niya, sa ibang tao niya ito binibigay. Napakakitid pa ng isip ko 'non para isiping ginagawa niya lang lahat ng  'iyon para sakin. Minsan nagpakaselfish ako at pinagpili ko siya kung ako ba o ang trabaho niya, syempre ako ang pinili ni Mama. Napakasaya ko nang araw na yun, hanggang gabi ko nakasama si Mama. Pinagluto, pinaglaba at pinagsuklay niya pa 'ko. Mas lumalim pa ang gabi nang may isang katok sa bahay ang gumulat samin. Doon ko lang nakita kung gaano natakot si Mama na halos lumuhod na ito na para bang ipinakikiusap ang buhay niya. Ang lalaki ng mga tao na nasa bahay at maging ako natakot 'non. Sinubukan kong itago ang sarili sa kurtina ng aming bintana pero dun nahuli ang aking mga mata ng amo ni Mama. Nang gabing 'yon sumama si Mama sa kanila. Iyak ako ng iyak, takot na takot. Bumalik kami sa dating estado. Tumatawag si Mama, minsan sa isang linggo pero umaabot na ng dalawang buwan bago siya makapagday-off at uwian ako. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ng lalaking 'yon. Kaya isang araw, habang nag-iikot ako sa bayan at makakita ng dyaryo nalaman kong napakalaki at napakamakapangyarihan pala ng amo ni Mama.

Awang-awa ako kay Mama sa tuwing nahuhuli ko siyang umiiyak. Hindi narin naging maganda ang estado ng mentalidad niya kung kaya't hinayaan ko siyang sikaping i-kwento ang lahat ng nangyayari sa buhay niya para pagaanin ang nasa dibdib nito."

Mula sa kanyang bag kinuha nito ang mga maliliit na notebooks na pinagsusulatan ng kanyang mama sa pakikipag-usap sa taong di nakakaintindi sa kanya.

"Itong mga papel na 'to ang paraan niya para makipag-usap sa mga taong hindi nakakaintindi sa kanya."

Napakaluma na ng mga kwaderno at may mga piraso nading napupunit.

"Napaka-sentimental ng mga papel na 'to para kay Mama kasi si Ate Erinn ang kausap niya sa mga ito."

ANNA (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon