33 Presage

1K 12 4
                                    

Nagising si Anna sa mahinang pagkalampag ng kanyang pinto sa banyo.

"Sorry po mam. Sabi po kasi ni Ate Lily dapat daw po tapos na akong maglinis ng alas otso ng umaga." Pagpapaliwanag nito. Nakita din nito na wala ng kalat sa kanyang kwarto at napakalinis na nito.

"It's okay." Sagot naman ni Anna. Napahawak ito sa kanyang ulo. Ramdam nito ang hang-over dulot ng pag-inom nito kagabi.

"Pinaghanda ko na po kayo ng malamig na tubig Mam, ang sabi po kasi nila nakakatulong daw po yan pag may hang-over ka." Napangiti si Anna sa sinabi nito habang inaalala ang pangalan ng kanyang nasa harap.

"Sandali lang, hindi ba't ikaw yung young gardener dito? Grace right?" Tuwang-tuwa ng maalala nito.

"Opo Mam, ka-relyebo po ng isa niyo pong kasambahay."Pagpapaliwanag nito.

"Ganun ba."

"Nga pala Mam may nakita po akong flashdrive habang naglilinis, baka po importante po sa inyo." Kinuha nito sa kanyang bulsa ang bagay at iniabot kay Anna. Hindi sa kanya ito pero nagpasalamat narin siya dito bago umalis ng kanyang kwarto.

Naalala ni Anna meron pa pala siyang klase ng tanghali kung kaya't nagmadali itong maghanda. Naparami kasi ang inom nila kagabi ni Lizzie at hindi na naisip na may kaniya-kaniya pa silang trabaho kinabukasan bago mag-weekend.

Na-manage niya naman ng maigi ang kanyang oras lalo na't kaya na nitong magmaneho kahit saan. Nakarating din siya ng tamang oras sa school. She let herself seated for a minute while preparing for the class. Na-interrupt lang ito ng biglang namatay ang ilaw sa kanyang office. Chineck nito agad ang labas, tanging office niya lang ang nawalan ng ilaw malamang ay napundi ito. Binuksan niya ang kanyang bintana para makapag-supply ng liwanag sa loob. Dumiskarte din siya na ipalit ang ilaw ng kanyang CR dito bago niya sabihin sa kanyang supervisor. Sinikap nitong pumatong sa lamesa at upuan para maisagawa ito subalit aksidenteng nahulog ni Anna ang hawak na bumbilya pagkatanggal nito.

"Oh my god!" Nagmadali itong dakutin ang piraso ng salamin dahilan para masugat ang daliri nito. Napatigil si Anna at pilit pinalabas ang dugo sa kanyang daliri.

Umagaw ng kanyang pansin ang pulang ilaw na nagbi-blink mula sa nabasag na bumbilya. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ni Anna habang nangiginig ang kamay nitong kinukuha ang bagay subalit sa pagkakataong mahawakan niya ito para syang nakakita ng multo at inilayo ang sarili dito. Nanghihina ang tuhod nitong tumayo at sinarado ang bintana para kumpirmahin ang nangyayari. Halos matumba ito ng mapansin ang tadtad na pulang ilaw na nakapaligid sa kanyang office maging sa ilalim ng kanyang lamesa'y meron ito. Sa isang iglap nagbago ang tingin nito sa eskwelahang unti-unti niyang minamahal. Nagkakaroon ngayon ng linaw ang mga nakakapagtakang kilos ng mga tao dito.

Hindi niya kayang humarap sa mga tao ngayon. Nagmadali itong lumabas ng kwarto at ipinagsawalang bahala ang mga nakakasalubong nito estudyante at ka-trabaho. Takot at galit ang bumabalot sa kanya. Sobrang bilis ng kanyang pagpapatakbo para lang makauwi agad at makapagkulong na ng kwarto. Nagaalala rin ang mga kasambahay nito sa kanyang kilos pagdating nito ng bahay.

Walang tigil itong nagpalakad-lakad sa kanyang silid habang mas tumitindi parin ang galit na nararamdaman niya. Sa mga pangyayaring ganito isang tao lang ang pumapasok sa kanyang isip na lalong nakapagdadag ng matinding frustration sa kanya. Ginagawa talaga siya nitong baliw.

She knows his games. Kung pano ito maglaro. Nararamdaman na niya kung paano kumilos ang kinasusuklaman nitong nilalang. What made her so angry is that gaano po siya nag-iingat, naisahan parin siya nito. Kulang pa ba ang kanyang paghahanda? She feels everything she prepared for is useless. Pilit parin siya nitong hinihila sa kanyang nakaraan, sa bangungot na matagal na niyang kinalimutan.

Nanunumbalik ang kanyang kahinaan noon. Dumidilim muli ang kanyang paligid kasabay ng paninikip ng kanyang dibdib. Nahihirapan itong tumakas at kumawala.

Sa muling pagkakataon, sinira nito ang kanyang pangarap.





"You will never get away from me."




Napaupo ito sa isang sulok at niyakap ang sarili. She passed out while his face glued on her mind. Nagising na lang ito ng nakahiga na siya sa kanyang kama at pansin ang tao na nakaupo sa kanyang tabi.

"You're awake. Do you need any thing?" She misses that worried look on his face. This made her calm. Umiling ito. Nararamdaman parin nito ang panghihina ng kanyang katawan.

"Gabi na. I instructed Ate Lily to prepare you food. I'll call her." Tumayo ito at tangkang aalis ng kwarto pero pinigilan siya ni Anna.

"Please stay." She still feels safe with him after what happened, what he did. Red flashes on Zach's cheeks, iniwasan nitong makita ni Anna at katulad ng pakiusap nito'y nanatili siya sa kanyang kwarto.

Napakahabang katahimikan ang naganap bago ito tuluyang basagin ni Zach.

"You can take steps to manage work-related stress.  Breathe, take it easy." He advised.





"Can I ask you something?" Completely ignoring his words.




"Ok."







"Masama ba ko?" She asked. Napatigil si Zach at namimili ng tamang sasabihin.





"Well, everyone has their bad sides." He answered safely.



"You didn't answer me directly." She gave him a sly smile.





"What do you want me to say?"







"The truth."







"I can't tell you the truth."







"Why?"






"My choice."








"Your choice not to say the truth?"


"No!"




"What?!"  She argued with him and noticed lately that he's just having fun. He chuckled.

"You're annoying." She mumbled. Somehow this made her feel okay. Para silang bumalik sa dati nilang pakikitungo sa isa't-isa. Kahit sandali nawala ang espasyo sa pagitan nila. Parehas silang sumaya.


"I missed this." Mahina nitong sabi subalit matalas ang kanyang pandinig. The feeling is mutual.

"I missed you." She muttered. Zach caught her puffy eyes. Hindi nito mapigilan ang sariling mag-isip kung nag-uumpisa nanaman ba ito sa kanyang laro. His mind is messing him but he chose what in his heart.




"I missed you too." He gave in.

ANNA (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon