Chapter-13

4.3K 254 12
                                    

Mahinang tapik sa pisnge kasabay ng  ang nagpagising sa mahimbing kong pagtulog, lunes na naman.

"hoy Elijah! Anong oras na may pasok ka pa!" Panget na mukha ni Athena ang bumungad sakin na siyang ikinairap ko.

"Palagi ka nalang late gumising, hindi ako alarm clock mo no! Bilisan mo diyan, kakain na daw!" Panenermon niya sakin, habang kinukusot ko ang mga mata ko.

"Oo na, sunod ako!" I irritatingly said that made her nod.

"Bilisan mo ah!" Pahabol niyang asik bago lumabas sa kwarto at isinara nang malakas ang pinto na dahilan para gumising ang diwa ko.

Alam na alam niya talaga kong paano ako gisingin.

Wala akong maisip na isusuot dahil ayaw ko ring mag-uniform, so i decided to wear, beige trouser, white long sleeve polo na pinatungan ko nang korean vest and my nike shoes.

"Good morning ate, wala kang class today?" Masiglang bati ko sa kanya at sumandal sa dingding nang kusina nang ma-aabutan ko siyang nagluluto.

"Good morning Jah, wala e!" Bati niya sakin pabalik habang nakatuon pa rin ang atensyon sa niluluto niya.

Nang matapos siyang mag-luto ay sabay-sabay kaming kumain nina ate at Anthea habang nagkwe-kwentuhan.

"Athena don't be stubborn." Rinig kong malamig na usal ni ate Penelope Kay Athena.

Humalagpak naman ako ng tawa ng makita kong humaba ang nguso ni Athena bago tumango at nagthumbs up.

Nagpa-alam na kami sa isa't-isa bago pinasibad ang kanya-kanyang sasakyan papunta sa unibersidad.

I'm currently walking to cafeteria, sinabihan ako ng mga mokong na sabay-sabay na lang daw silang apat kaya mauna nalang daw ako.

Malapit nako sa cafeteria ng maagaw ang atensyon ko sa mga nagkukumpulang tao sa loob ng cafeteria.

Tumakbo ako duon at sumingit sa para makita ko kung anong nangyayari duon.

Nakita ko si nanay Linda habang pinupulot ang mga basag na baso, kumulo ang dugo ko nang makita si Safira na nakangisi at nakatayo sa harap ni Nanay Linda.

What the hell is she doing here?

Patakbo akong pumasok sa cafeteria at sumingit sa maraming tao.

"What? Clean it!" Rinig kong maarteng sigaw ni Safira.

"Do your work, stupid helper!" Duon na napanting ang tenga, kasabay nang pagkuyom ng kamao ko.

Natataranta akong nakipagsiksikan sa mga tao wala akong pake kung may matama-an ako at masaktan ako dahil sa pag mamadali ko nakita kong paano itinaas ni Safira ang basong may juice.

Agad-agad kong hinawakan ang magkabilang braso ni nanay Linda at dali-daling itinayo at nilagay sa likod ko ng bubuhusan na sana siya ni Safira. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-gapang ng lamig sa buong sistema ko, at ang pagkabasa ng damit ko.

"Nice to fucking see you here, Safira." Malamig na usal ko habang dahan-dahang inangat ang ulo para harapin siya.

Nakita ko naman ang bakas nang pagka-gulat sa mukha niya, pero agad din itong nawala, shock back to bitch Aura.

"Elijah Albrecht." Nakangising usal niya, bago ibinababa ang basong hawak-hawak.

"What the hell did you do?" I ask, and smirk like a fool.

"Oh-, i didn't do anything."

Agad akong tinakasan nang katinuan, umakyat bigla ang inis sa ulo at hindi mapigilan ang paghigpit nang pagkayukom nang kamay ko.

Give Me Your Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon