chapter-18

4.1K 215 31
                                    

"Himala Elijah, aga mo nagising ah!" Nakangising bulaslas ni Athena pagbaba na pagbaba ko palang sa hagdan.

Anong maaga?hindi ako natulog tsk.

"Oo nga e, aga-aga ang ingay-ingay mo" walang gana kong asik na ikinangiwi niya.

"Papasok ka?" Aniya habang nakaharap sa salamin at kung anong may nilalagay sa mukha.

"Oo, may ipapasa akong plates. morning class lang papasokan ko ngayon a-absent muna ako sa afternoon class." Walang bahid ng emosyon kong sagot bago tumayo at kumuha ng fresh milk sa refrigerator.

Tumango naman siya at nagpatuloy pa rin sa pagpalalagay ng make up sa mukha niya, para siyang patay kulang nalang kabaong dahil sa nasobrahan sa puti yung mukha niya.

"Oh pak, ang ganda ko!" Biglang ngiti nito at umawra pa sa harap ng salamin kaya napangiwi ako. Kadiri.

"Mukha kang patay kamo." Pang-aasar ko sa kanya na ikinabusangot naman ng mukha niya.

"Potanginamo talaga Elijah." Pagalit pa nitong bulaslas bago ako inirapan at umawra-awra ulit sa harap ng salamin na ikinailing-iling ko.

Mukhang tanga, amp.

Mabilis lang akong naligo dahil wala aio sa mood ngayon para maging pagong, nagsuot lang ako ng beige korean collar polo, loose leg wide black jeans at ang black combats ko.

"Ate Charlotte, nasan si Athena?" Nakangiti kong tanong sa isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay.

"Nauna na siya Elijah" tugon niya sakin at ikinatango ko

"Una na po ako!" Paalam ko sa kanya bago kumaway at humakbang palabas.

"Ingat Elijah" rinig kong asik ni Ate Charlotte.

‘Elijah’lang ang pinapatawag ko sa kanila, ayaw ko silang maging formal.

"ELIJAHHHHH!" matining na sigaw ni Kai ng makita nila ako. Napangiwi nalang alo ng makitang nakatitig saming Lima ang mga iilang tao dito sa field.

"Magtigil ka nga, lagi tayong magkasama hoy!" Pabulong kong sambit at inirapan siya.

"Hindi ka pa nasanay sa bunganga ni Kai" nai-iling nalang ako dahil sa sinagot ni Bailey, kung hindi si Avery ang pinaka-maingay si Kai at si Caeus

"Tara na nga mga mokong, dami niyong satsat!"

Nauna nakong naglakad sa kanila habang silang apat naman ay patuloy lang sa pakikipag-chikahan.

Nasa tapat palang ako ng pintuan ng classroom ay agad na nakaramdam ako ng kaba.

"Inhale"

"Exhale"

Matapos kong mapakalma ang sarili ko ay sabay-sabay kaming pumasok sa classroom ng mga kaibigan ko.

Walang awat ang bilis ng puso ko ng makita ko ang babaeng malamlam na nakatingin sakin ng makaupo ako sa upuan.

It's been 3 days, when i started to avoid her.

"Say present if i call your name" she said with full of authority na nagpatikom sa bibig ng maiingay kong ka-blockmates.

Sunod-sunod niyang tinawag ang pangalan ng mga kablock-mates ko habang ako naman ay nakatitig lang sa sahig.

"Albrecht, Elijah."

"Present." I coldly said, and stare at her with my emotionless gaze.

Nagsimula na siyang mag-discuss sa harap mataman lang din akong nakikinig sa mga sinasabi niya sa harap ayaw ko ding madamay pag-aaral ko dahil lang sa nararamdaman ko.

Give Me Your Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon