chapter-20

4.8K 192 13
                                    


I woke up sweating dahil sa mataas na ang araw, pikit-pikit ang mata ko habang sapo-sapo ang ulo dahil parang dinaganan ng isang sakong semento ang ulo ko sa sobrang bigat at sakit ng ulo ko.

Pagmulat ko ng dalawang mata ay ang puting pamilyar na kwarto ang na-aninag ko, hindi naman siguro ako nakidnap diba?

"Araguyyyyyy!" Pagdaing ko ng dahan-dahan kong inangat ang ulo ko, ansakit.

"What the fuck!" Natataranta kong saad ng makita kong alas nwebe na ng umaga, fuck late nako!

Dali-dali akong bumangon at natatarantang naghanap ng masusuot sa isang malaking closet.

"Pwede na to" banggit ko habang hawak-hawak ang isang black hoodie, wala nakong oras para mag-inarte!

Walang ligo akong bumaba sa hagdan, at kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan ko, hindi ko na inalam kong sino ang may-ari ng bahay na yun.

-

-

Lakad takbo ang ginawa ko sa hallway, hindi iniinda ang sakit ng ulo ko, kinakabahan man ngunit kumatok ako sa pintuan ng classroom ni Professor Anthea at nagdadasal na hindi niyako pagalitan.

Maya-maya pa'y, iniluwa ng pintuan ang magandang dilag na ngayon ay nakatayo sa harap ko habang ang isang kamay ay nakapihit sa doorknob.

"I-Im sorry im late po, miss." Pilit kong tinatagan ang loob ko at naglakas loob na nagsalita.

Agad na iniwas ko ang tingin ko ng makita kong paano niya pasadahan ang kabu-uan ko.

Nakita ko ang gulat na rumehistro sa kanyang mukha, na dahilan para magtaka ako bakit?

Oo alam kong maganda ako, hindi pa siya nasanay.

"Come inside."  Asik niya habang mag kasalubong na naman ang dalawang kilay.

Naglakad ako papasok na parang zombie dahil nasa ibaba ang tingin ko, nakita ko naman ang gulat sa mukha ng mga mokong ng makita ako napalihim akong ngumisi dahil sa mga bunganga nila ngayong nakanganga.

"Hoy gaga, bakit ngayon ka lang!?" Inis na asik ni Avery ng maka-upo ako sa tabi niya.

"Mahabang istorya, mas mahaba pa sa buhay mo." Pang-aasar ko sa kanya at itinanday ang ulo sa desk dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, may hangover ata ako.

Ayaw ko rin namang sabihin sa kanila ang mga nangyari, ayoko silang mag-alala pag nalaman nila. First time ko uminom dahil lang sa isang babae, well yeah she's my first love i never been inlove.

"Parang hindi kaibigan ah!" Asar na usal niya na ikinahagikhik ko ng mahina. Pikonin.

Mabilis lang natapos ang klase namin dito kay Professor Anthea, nag-liligpit ako ng mga gamit sa ibabaw ng desk ko para maka-alis na ng biglang magsalita ang pinakamamahal niyong propesora.

"Elijah, stay."

Nakita ko namang napabaling ang atensyon sakin ng nagliligpit na si Avery, sinenyasan ko siyang mauna nalang sila at hintayin ako sa cafeteria na ikinatango niya.

"Elijah."

"Yes miss?" Walang emosyon kong baling sa kanya habang naka-kapit sa sukbitan ng bag ko.

"That's my hoodie."

Nanlaki ang mata ko sa gulat at hinding nagiisip na napaturo sa sarili habang nakanganga ang bunganga dahil sa gulat.

Kaya pala pamilyar ang bahay.

"I-Ito po?" Utal na tanong ko sa kanya.

"Yes im the one who brought you home last night." She said while smirking playfully that made me mentally face palm.

Give Me Your Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon