Xatana's POV
"Estella ano na? Tutunganga ka na naman d'yan!"
Agad na sigaw ni Van ang narinig ko pagkalabas ko ng kwarto ko. Hinayaan ko lang silang magsigawan d'yan. Mapapagod rin naman sila hindi ba?
Bumaba na ako sa may hapagkainan at doon nakita ko si Ria na nag-aayos ng pagkain namin.
Anong oras na ba?
"Van and Stel, bumaba na kayo at kakain na dito. Umagang-umaga ang ingay n'yo!" Sigaw ni Ria doon sa dalawang maingay na nasa taas.
Tsk, silang dalawa lang naman ang mahilig magsigawan na akala mo malayo sa isa't isa.
"Ok ito na, pababa na kami!"
Sigaw rin ni Stel at pababa na silang dalawa, doon naman si Van sa likod ni Stel na nakasunod lang sa pagbaba nito. Umupo na kaming apat pagkababa nila. Nagugutom na din ako, hayst.
"Ria, ikaw talaga ang kusinera dito sa ating apat." Bigla namang tumawa itong si Van sa sinabi nito kay Ria.
"Hindi naman kasi kayo nagluluto!" Oww, ouch naman sa hindi kami nagluluto, pft.
Ngayon dito naman sila nag-uusap-usap sa may hapagkainan namin kasama na si Ria.
"Xat, ang ingay mo talaga, grabe!" Tsk, sarcastically saying?
Paninimula ni Van sa akin. Matagal na akong tahimik at alam kong sanay naman na sila.
"Hayaan mo na s'ya Van, hindi ka pa ba nasanay sa babaeng 'yan. Daig pa lalaki kung maging tamad magsalita." See? Si Ria na nagsabi, teka!
Bigla namang sumeryoso ang mukha ko sa sinabi ni Ria at nakita naman ito ni Stel. Ihalintulad ba naman ako sa lalaki?!
"Kung ako sa inyo, hindi na ako magsasalita tungkol sa mga lalaki." Tumingin naman ako kay Stel sabay titig ko doon sa dalawa. Umiwas naman sila ng tingin sa akin.
Matapos ng kadaldalan nilang yun ay nag-ayos na kami ng pinagkainan naming apat.
Mga ilang minuto ay kinuha na namin ang mga gamit namin. Magkakatabi lang ang mga gamit naming apat, nasa may lalagyanan lang naman namin.
"Let's go girls! Kailangan na nating magtrabaho. Mamaya kita-kita na lang tayo, ok?"
Masiglang sabi ni Stel atsaka naman kami tumango.
Nagsimula na kaming pumunta sa mga rutang daraanan namin papunta sa trabaho namin.
Ito nga pala ang unang araw namin sa trabaho na pinasukan namin. Sana kayanin naming apat lalo na ngayong magkakahiwalay kami ng papasukang trabaho.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Buti pa sa akin walking distance lang, kayang-kayang lakarin. Hindi ko lang alam sa tatlong yun. Hindi naman nila sinasabi kung na saan ang lugar ng trabaho nila. Hmmm, balang araw makikita ko rin naman kung saan yan.
Sa ilang minutong paglalakad ko ay nandito na ako sa tapat ng pintuan kung saan ako magtratrabaho.
Yes, ito na Xatana. Ready na ako!
Binuksan ko na ang pintuan at laking gulat ko ng makita ang loob ng gusali na ito. Ang ganda dito, masyadong maayos ang lugar at talagang pinag-isipan ang lahat dito. Maluwag pa.
"Uhm Miss, ano pong kailangan n'yo? Kung kay Mr. CEO po ay mamaya pa po ang meeting n'yo sa kanya."
Nagulat ako ng biglang sumulpot ang babaeng ito sa hindi ko alam na lugar kung saan s'ya nanggaling.
"Hindi ako nandito para sa meeting, nandito ako para magtrabaho. Hello, I am Xatana Lockwood, nice to meet you."
Pagpapakilala ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...