CHAPTER 34

0 0 0
                                    

Xatana's POV

Iniwan ko na sila Estella at Morpheus para makapag-usap ulit silang dalawa. Hindi naman masakit. Naghilom na 'yong sakit na naramdaman ko noon. Masaya ako sa kanila kung maging sila. Basta maging masaya si Estella, masaya na din ako. Mas mahalaga ang friendship namin kesa pag-ibig. Ang tagal na naming magkakaibigan at ayoko pati si Estella at Aestheria mawala sa'kin.

"Na saan ka na naman nagpunta Xatana?! Akala ko naman pupunta ka lang ng restroom tapos umabot ka na ng siyam-siyam!"

Lahit kailan talaga ang babaeng 'to. Pero, ngayon ko lang nakita na nagtaas ng boses si Estella sa ibang tao. 'Yong galit na galit gustong manakit, biro lang. Mukhang nagbabago na si Estella, pero sana 'yong pagbabago niya hindi makaapekto kung sino talaga siya.

"Hoy Xatana! Sumisigaw na ako dito, ang lalim naman ng iniisip mo!"

"Narinig kita! Ayoko lang sumagot, ang ingay mo na nga dadagdag pa ako?"

"Well, may point ka do'n... Oh! Nandiyan na pala siya. Nakalimutan ko si—"

Tumingin ako sa likuran ko kung sino 'yong bukang bibig ni Aestheria.

"Mm...Mr. CE— este Granger?! Anong ginagawa mo dito?"

Naglakad siya papunta sa akin.

"Hindi mo ako matatakasan..." Napa taas naman ang kilay ko sa sinabi niyang 'yon.

"Tsk, hayaan mo 'yan. Akong nagsabi sa kaniya na nandito tayo." Lumapit ng konti si Aestheria at bumulong sa tenga ko. "Kung seryoso kasi siya sa'yo, pupunta siya dito, right? At saka, malayo itong probinsiya ha, kailangan mo ding magpaliwanag sa kaniya ngayong malayo tayo sa work mo."

Bakit ako? Ako lang ba?

"Teka nga! Bakit hindi mo sabihin sa lalaking 'yon kung na saan ka? I mean, may kilala akong Zamora Sy ang pangalan na nag-aalala sa'yo?"

Dahil sa sinabi ko ay nagulat ito. Lumayo siya sa akin at ngayon namumula ang mukha niya na parang kamatis.

"Sabi ko na nga ba. Nagkakamabutihan na kayo ah. Uyyy!" Pang-aasar ko dito. Natawa ako sa ginawa niya. Pinalo niya yung balikat ko. Hindi ko inasahan na matutumba ako sa lakas no'n.

Parang tulak na ata hindi palo ginawa niya, pft.

Nakatayo naman ako ng maayos pagkatapos ng nangyare.

"Ok ka lang?" Tanong ni Granger sa'kin. Tumango lang ako sa tanong niya. Ayokong magsalita, ewan ko basta nahihiya ako ng hindi ko alam.

"Hindi ko sadya, sorry hehe." Pft, kakaiba talaga. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan matapos ang ilang taon. Kailangan lang pala ni Aestheria ng love life.

"Ano 'yang nginingiti mo?! Mr. Granger, paki layo na nga sa'kin 'yang babaeng 'yan."

"Excuse me?!"

"Hmp! Ayaw niyong umalis edi ako ang aalis!"

"Psh, bahala ka, kapag naligaw ka dito hindi ko kasalanan hahaha!"

"Aba't! Hmp!"

At padabog na nga siyang umalis dito. Hahaha! Mabilis paring mainis ang babaeng 'yon, sabagay, siya parin naman 'yon, ang Aestheria na kilala ko.

"Xatana..." Lumingon ako nang tawagin nito ang pangalan ko.

"Bakit?" Simpleng tanong ko.

"Bakit kayo nandito? I'm confused. May problema ba? Tungkol sa company or—"

"Nothing... Look, walang problema sa kumpaniya o kahit na ano. Sadyang... Kailangan ko lang lumayo at lumipat ng matitirhan namin. Ngayong nandito ka na rin naman, magpapaalam na ako ng maayos."

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon