CHAPTER 2

13 2 0
                                    

Estella's POV

"Gising na girls, panibagong umaga na naman!"

Ginising ko na silang tatlo at ayun, jusko mga tulog pa sila. Sigawan ko nga ulit.

Kumuha ako ng kawali at sandok. Alam nyo ba ginawa ko?

Pinukpok ko lang naman yung sandok sa kawali at yun, beng! "Hoyyy! Gumising na kayong tatlo. Limang araw na mga tulog parin kayo! Gisinggg!"

Nakita ko silang tatlo tinakpan nila ang mga tenga nila at ang nakakatawa puro mga mura sinasabi nila. Yan kasi mga mantika kung matulog.

"Peste! Bakit ba nag-iingay ka Estella! Ang aga-aga nakooo!"

Bulyaw naman ni Van sa'kin. Luh, amnesia?

"May pasok tayo tangek! Ano sa akala mo, 'di ko kayo gigisingin?!"

Biglang nag iba ang mukha ng dalawa. Si Ria at Van lang naman.

"Damn you Stel! Wala kaming pasok ngayon!"

Lumaki mata ko sa sigaw ni Ria.

"Hi-hindi ba ngayon pasok n'yo?"

Napailing na lang si Ria sa tanong ko.

"Nako nako Stel. Wala kaming pasok ngayon bukas ulit sa'min. Magkasama kaya kami sa work."

Sabi nitong si Van habang naka cross arm pa s'ya.

"Tama na yan, Stel mag ayos na tayong dalawa. Ako may pasok ngayon kaya ok lang yan."

Ani nitong si Xat at umalis. Napaka sungit talaga. Kung hindi lang maingay, masungit naman.

Sumunod na ako kay Xat. Mamaya maging dragon pa yan walang kalaban laban ang cute na kuting like me.

Nag-ayos na kami ni Xat para sa trabaho namin.

Xatana's POV

Ok na ako, pwede na akong pumunta ng office.

Lumabas na ako at pinuntahan si Stel. Para sabay na kaming lumabas.

"Stel ok ka na ba? Sabay na tayong lumabas hanggang gate."

"Sige Xat, teka lang kunin ko lang gamit ko."

Tumango na lang ako sa kanya at kinuha na n'ya ang gamit n'ya.

"Halika na."

Lumabas na kaming dalawa. Habang naglalakad kami, nagpaalam na yung dalawa na kanina lang naiinis sa pag gising sa kanila ni Stel.

"Hanggang dito na lang tayo sa may gate. Bye Xat! See you na lang later!"

Umalis na si Stel pero pinigilan ko muna s'ya.

"Sorry kung ganun ang inasta nila Van at Ria kanina."

Natawa naman ito sa sinabi ko. May nakakatawa ba?

"Ano ka ba naman Xat. Ok lang yun, sanay na ako sa kanilang dalawa."

Sa ilang taong magkakasama na kaming apat. Kung ilan kami ganung taon na rin kaming magkakasama. Apat na taon rin yun still solid parin ang samahan namin.

"Sige na bye na!"

At tuluyan na nga s'yang umalis. Makulit, mabait at minsan pasaway si Stel pero alam nya kung paano makitungo sa ibang tao sa pamamaraan na totoong tao s'ya hindi dahil sa pinaplastik ka n'ya.

Haynako, makapunta na nga sa trabaho.

Kagaya kahapon, naglakad na naman ako. 15 mins. rin akong naglakad at nakarating na nga ako dito.

"Good morning Xatana!"

Masiglang bati nito sa akin.

"Good morning too, Drixie."

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon