Xatana's POV
"Xatanaaa!" Isang malakas na sigaw ang nakakuha ng attention ko at syempre pangalan ko din sinisigaw niya so why not?
Nagtungo na ako sa living room at nakita ko si Estella na busy sa paghanda ng mga pagkain.
"Wait, Stel. Anong meron?"
"Oh! May bisita kasi ako. Nakausap ko siya noon and then nagkita ulit kami. Sabi ko bumisita siya dito kahit minsan lang." Lumapit si Estella sa akin at bumulong sa tenga ko. "Don't worry, hindi naman daw niya sasabihin kung na saan kayo. Sinabi ko naman na kay Tito ito. Wala naman daw siyang problema kesyo lalaki—"
"What?! Don't tell me hindi mo na mahal si Morpheus?! Jusko ka Estella! Ikakasal ka na sa lalaking mahal—"
"Teka nga girl! Ang OA mo ah! Hindi 'yon gano'n. Look, he's my FRIEND! At saka, naka-arranged marriage na siya sa iba, so please, stop thinking about that!"
"Psh! I know, I know, hindi ka naman mabiro. Alam ko naman na busy ka pero hindi sa mga lalaki, duh!"
"O sige, punta lang akong kusina para sa iba pang foods." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Nagtungo naman na siya doon at ako umupo na lang sa may sofa. Mga 5 minutes may narinig kaming door bell.
"Xatana! Baka siya na 'yan, ikaw na magbukas oh, busy pa ako dito."
Psh! Nagdala-dala ng bisita dito ako ang magsasalubong? "Ok, sige!"
"Thank you!"
Tumayo ako at pumunta sa may pintuan, pagkabukas ko ay nakita ko si Granger. May dala-dala pa siyang pagkain. Ano ba 'to fiesta?! Ang daming pagkain ah?
"May hinihintay ka?" Nagtaka akong tumingin sa kaniya. "Hindi naman ikaw palagi nagbubukas ng pintuan."
Ohh, I see. Kaya naman pala naitanong niya 'yon.
"Uhm... Kasi si Estella—" hindi ko na naman natapos sasabihin ko dahil sa pesteng door bell na 'yan! Ahhh! Minsan kaya 'wag na akong magsalita?!
"Wait lang ah? Umupo ka na lang diyan." Nagmadali na akong buksan 'yong pintuan. Kasi naman, bakit ba may bisita pa 'tong si Estella?! Jusko! Kapag nagkita sila ni Morpheus baka magkainitan pa.
Binuksan ko na 'yong pintuan at laking gulat ko na ibang tao ang nasa pintuan namin. Ito 'yong lalaki na nabangga ko no'n! 'Yong lalaki na kinainisan din ni Granger no'n, aba ewan ko sa kaniya bakit siya gano'n no'n.
"Hello! Pasok ka sa loob, tawagin ko lang si Estella saglit."
"Here..." May iniabot siyang plastic. Oh! Kape 'to ah? Sana all mamahalin ang coffee. Ay mali, gano'n din pala kami, pft!
Kinuha ko na 'yong bitbit niya. Sakto din sa amin 'to. Si Daddy, ako, Aestheria and Estella, ang galing naman may free coffee!
Umalis na ako pagkatapos kong ibaba 'yon sa lamesa. Hindi ko rin maiwasang tumingin kay Granger. Bakit kasi nagkataon pa na na dito siya? Hayst! Init na naman dugo nito. Halata sa titig akala mo sisip-sipin dugo nung lalaki.
Bago pa magpatayan 'yong dalawa syempre pumunta ako kay Estella at kinausap siya.
"Estella! Teka nga! Kilala mo 'yong lalaking 'yon?!"
"Uhm, oo, bakit? Nagkita na ba kayo somewhere?"
"Yes, at kasama ko si Granger no'n! Nako gulo 'to Estella! Mainit dugo ni Granger sa lalaking 'yon!"
"Ano?! Bakit naman?! Mabait si SP!"
"SP? Ay teka, basta bilisan mo diyan at hindi ko kaya na magkaroon ng dugo dito!"
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...