CHAPTER 36

1 0 0
                                    

Xatana's POV

Nandito ako sa laptop ko, kinakausap si Clark tungkol nga sa pinapautos ko. Gusto ko ring makasigurado na ok ang lahat. Ayokong masira ang plano ko, lalo na't... Nakasalalay ang kumpaniya dito at ang pangalan ko. Wala namang problema sa Lockwood kung anong plano ang gawin ko. Si Tita Cass naman, hinding hindi niya makukuha kung anong gusto niya.

Matagal na akong nagpla-plano para sa kanila. Gusto ko munang mawalan ng pakpak si Tita Cass, at ang pakpak na 'yon ay ang kumpaniya ng Lockwood. Madaming properties ang pamilya Lockwood, alam ko na ang puntirya niya ay ang kumpaniya namin. Sinabi na ni Dad sa amin kung anong kapalit sa kontrata nila.

Ang gusto lang naman ni Daddy ay magkaroon ako ng Mommy, 'yong makikita ko araw-araw, 'yong mag-aalaga sa'kin, 'yong magmamahal sa'kin, 'yong mararamdaman kong may Mommy akong malalapitan. Ang gusto naman ni Tita Cass ay makuha mula sa akin ang kumpaniya, syempre hindi ko hahayaan na makuha niya 'yon.

Matapos kong ibalik sa dati ang kumpaniya ganito ang gagawin niya?! Siguro sa ngayon kontrolado niya ang kumpaniya pero hindi 'yon magtatagal lalo na kung ang mga shareholders na kinakapitan niya ay mga dummy lang. In short, walang karapatan sa kumpaniya.

"Lady Lockwood, ang Lee family po ay may matinding problema ngayon. Nanakawan sila ng pera sa kumpaniya. Matagal na ito pero wala silang magawa para ayusin ang problema na ito. Kayo po ba ang may gawa no'n?" Tsk, karma na 'yon sa kanila.

"Nope. Hindi ko naisipang gawin 'yon sa kanila. Sadyang karma na ang kumilos para sa mga ginawa nila."

"Kung hindi po kayo. Bakit sinabi po nila na dahil sa inyo kaya sila nanakawan ng pera?"

Ohh, so ako pa ang masama ngayon?

"Tsk, may proof ba sila na ako ang gumawa?"

"They don't have proofs pero may sinabi ang kausap nila. Sinend ko po sa inyo 'yong recorded na voice."

Recorded na voice? Hmm, let's see kung anong pakulo nila 'to. Pinindot ko 'yung start button na sinend sa akin ni Clark at may narinig akong boses lalaki.

"This is just the beginning Mr. Lee, I have some more fucking gifts prepared here just for you..." Mukhang may galit ang lalaking 'to sa pamilya nila Ametrine. "No one can hurt, her!" Dagdag pa nung lalaki sa recorder.

The heck! Dahil lang dito kaya ako na agad pinaghihinalaan nila?! Her?! That fucking word?! Walang dahilan para isipin na ako 'yon! Walang sinabi na Xatana! So why do they say I'm the one who did all of that?!

"They recorded their conversations, Lady Lockwood. Ang lahat ng members sa kumpaniya nila ay naghahanap ng mga pruweba na magdidiin sa'yo Lady Lockwood."

"Let them do what they fucking want, I do not care! As if may makikita sila. Depende kung sila ang gumawa no'n para lang ako ang madiin at masisi sa karma nila."

"Pero...Lady Lockwood, kaibigan niyo ang pamilya nila, hindi po ba?"

"Psh, kaibigan? Sana totoo 'yang sinasabi mo Clark pero hindi. Peke lang naman lahat ng pinakita niya!" At huwag siyang magpapakita sa'kin! Once na magkita kami, hindi ko siya kikilalaning kaibigan! "Ano nang nangyare sa pinapagawa ko sa'yo?"

Agad may kinuha si Clark na mga dokumento. Ipinakita niya sa akin 'yon via messages at binuksan ko naman ang mga laman non.

"Good, very good Clark. Maaasahan talaga kita palagi. Maraming salamat sa loyalty mo sa'kin."

"Walang anuman po Lady Lockwood. Simula pa lang noon sa inyo na ang loyalty ko, at alam kong nasa tamang desisyon ako." Masaya ako at may maaasahan parin ako.

Ngumiti ako ng masaya at the same time, isang mapait na ngiti. Ito na ang simula ng pagkilos ko.

Maghintay lang kayo Xenish and Tita Cass. Magkakaharap na rin tayo.

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon