CHAPTER 30

1 0 0
                                    

Xatana's POV

Nasa office ako ngayon at nagsisisi ako!

Hindi ko nga pala kilala mga kasamahan ko dito. Yung babae na agad na yumakap sa akin. Pangalan daw niya Drixie pero hindi ko maalala. Bumitaw naman siya at alam naman niya ang kalagayan ko kaya ginagabayan na lang niya ako. Kapag need ko ng tulong sa kaniya ako lumalapit—correction, siya yung lumalapit.

"Xatana, kung may kailangan ka pa lumapit ka lang sa'kin ah? Akong bahala sa'yo!" Masayang wika ni Drixie sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hayst.

Pagkaalis ni Drixie siya namang paglapit ni Granger sa akin.

"Naninibago ka pa ba?" Tumango ako pero yung nahihiya na tango. Kasi naman, kanina no'ng nag-usap kami ang lakas ng loob ko na sabihin na kaya kong pumasok sa trabaho pero 'yon pala ang hirap.

Nalaman ko din na dito sa lugar na ito kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon. Sabi nila ang tapang ko daw, tapos may bumabati pa sa akin, hindi lang 'yon may mga nag-sorry pa. Tungkol daw sa mga nasabi nila noon. Hindi ko naman maalala mga sinasabi nila kaya hinayaan ko sila.

"Hey, Xatana?" Tumingin ako kay Granger noong narinig ko name ko. Nagtinginan naman mga ibang tao dito sa amin. May masama bang sinabi si Granger? "Oh, I forgotten about that. I mean, Ms. Lockwood."

Nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"You usually called me Mr. CEO not Granger."

"Ohh, talaga?" Siya naman ngayon ang tumango. "So, ano nga palang gagawin ko?"

Nakinig lang ako sa mga sinasabi ni Granger sa akin. Kung anong gagawin ko, kung anong schedule ko, kung sinu-sino mga kasama namin dito, at yung mga lugar dito. Overall, naintindihan ko naman at nagsimula na akong kumilos.

Pagkaupo ko sa office chair ko daw napansin ko agad mga papel dito sa lamesa. Jusko, bakit Chief Secretary kinuha ko? Seriously Xatana, why?

Ginawa ko naman sinabi ni Granger kaya ayon busy ako ngayon. Habang tumatagal parang nasasanay ako dito. Parang may ginawa na akong ganito dati? Tsk, malamang Chief Secretary ka dito Xatana, jusko!

"Xatana! Xatana! Xatanaaaaa!" Agad akong tumingin sa pintuan dahil sa malakas na pagsigaw ni Drixie.

Nang makita ko si Drixie na papunta dito bigla akong nahilo. Bakit ako nahihilo? Hi-hindi pa naman sobrang tagal ginawa ko dito sa office ah?

"Xatanaaaa" nakita ko si Drixie na pumasok na sa loob ng office ko pero... "Teka, Xatana! Anong problema?! Xatanaaa!" Bigla akong nawalan ng malay.

—Flashback—

"Xatana! Xatana!" Sigaw ni Vannesa papunta dito sa office ko. "Kailangan nating magmadali! Nalaman ko na ikakasal tayo! Nang hindi natin alam!"

"Teka muna Vannesa, kumalma ka muna. Anong sinasabi mo?" Kahit na hinihingal ay nagsalita parin ito.

"Narinig ko kay Mommy, naka arranged marriage na tayong apat! Si Aestheria, Estella, ako at ikaw! Anumang oras papunta na sila dito Xatana."

"Anong sabi mo?! Pero nakahiwalay ako kila Mommy kaya bakit naman—" Biglang may sumigaw ulit at ngayon dalawa naman sila.

"Xatana, Vannesa, malapit na sila dito! Kasama nila mga bodyguards natin." Sigaw ni Estella.

"Estella?! Bakit nandito kayo Aestheria?" Takang tanong ko na lang.

"Let's go Xatana! Kung hindi wala na tayong kawala sa kanila!" - Vannesa

"Pero kung aalis tayo, papaano 'tong company ko?" - Me

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon