Xatana's POV
Nag-aayos kami ngayon ng mga kurtina dito at yung iba naman mga lamesa ang inaayos. Hindi pa nag bibigay ng araw si Mr. CEO kung kailan gaganapin ang show basta sa ngayon inaayos na namin ang lugar. Dito lang naman sa building namin kaya ok lang.
Sa ngayon wala si Crimercia dito, hindi pa nila sinasabi dahil syempre ayaw nilang may umaaligid na babaeng mangkukulam dito at ayoko ding sabihin dahil ayokong masira ang mood ko.
Habang nag-aayos sila ng mga gamit kagaya ng kurtina, lamesa, upuan at sa stage binibigyan ko naman ng update si Mr. CEO, tumatawag kasi siya paminsan minsan. Meron daw na pupunta dito kapag sinabi na daw niya yung oras at kung kailan.
Iniisip ko mga bigatin kinusap niya para sa event na 'to. Kaso, baka mamaya lumabas din si Mom and yung pinsan kong feelingera tapos magpakilala na sila yung kausap ni Mr. CEO. Kailangan kong magtago kung gano'n kaso trabaho ko ito bilang chief secretary ng kumpaniya.
"Xatana!"
Lumingon ako nang tawagin ako ni Drixie na ngayon at tumatakbo papunta sa akin.
"Magdahan dahan ka kaya sa pagtakbo mo. Baka mamaya madulas ka gugulo pa dito."
"Ay wow, hindi mo iisipin kalagayan ko kung gano'n? Anyway, sabi ng iba dito na tatawagin daw ba si alam mo na."
"Ikaw, sa palagay mo tatawagin mo ba siya?"
"Hindi naman kasi pwede na yung model walang alam sa event natin. Syempre kakausapin pa siya about sa fashion show natin kung paano gagawin niya at magsusuot pa siya."
Hayst, oo nga naman, ramdam ko nga yung ganiyan noon na ako ang model ng kumpanya ko. Well, face of the company naman ako at gusto ko ako ang mag model ng gawa ko kahit isa lang.
"Hoy, nakikinig ka ba?!"
"Kumalma ka nga! Ano bang sabi ni Mr. CEO sayo?"
"Edi ipaalam daw kay Crimercia yung sa event."
"Hayst, mukhang gagawin natin 'yon. Siya ang boss natin at mukha namang sa kaniya lalapit yung bruha na 'yon kapag nandito siya."
Napatango naman si Drixie sa sinabi ko, agree siya sa sinabi ko.
Kasi mukha naman ang focus ni Crimercia ay si Mr. CEO, lagi niyang hinahanap si Mr. CEO, laging pinupuntahan si Mr. CEO, at laging bukang bibig si Mr. CEO. Oh, d'ba walang duda?
"Sige na, sabihin mo na sa kanila na tawagin nila yung bruha este—"
"Pft, ok lang parang tayong dalawa lang naman nag-uusap at bagay naman sa kaniya 'yon. Sige, bye na!"
At tumakbo na naman ito paalis. Pupuntahan ko muna yung mga design na ginagawa nila, para sure na walang problema. Gano'n kasi ginagawa ko sa kumpaniya ko, ayoko na palaging may problema sa mga design lalo na kapag gagawin na talaga siya into dress, or what.
Pagkapunta ko sa kanila nakikita ko inaayos naman nila yung dress. Tinatahi at gaya naman sa mga design na pinakita namin.
"Ms. Xatana, may problema kasi." Wika nito pagkalapit sa akin.
"Anong problema?" Ayan ang ayoko kapag malapit na ang event tiyaka magkaka-problema.
"Wala kasi yung gagawa ng design para sa susuotin ni Ma'am Crimercia."
"Ano naman yung susuotin niya? Ako ng bahala doon tutal madami naman nang nag-aayos para sa stage."
"Maraming salamat Ms. Xatana, ang bait niyo talaga. Kung ganiyan lang din sana si Mr. CEO—"
"May ginagawa si Mr. CEO, kinakausap niya ang mga audience na pupunta para sa fashion show natin at alam ko na mga bigatin din 'yon. Intayin na lang natin dahil dahil maganda rin sa ratings 'yon kapag nakilala ang kumpaniya ng mga sikat." Mahabang paliwanag ko at saka umalis na doon.
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...