Estella's POV
"Xat, I'm going somewhere. Sabihin mo na lang sa iba." Magkikita kasi kami ni Ninang sa isang lugar. Madami lang akong itatanong sa kaniya. Madami akong gustong malaman at alam ko na siya lang ang malalapitan ko.
"Wait, aalis din kasi ako." Pagpigil naman nito sa akin.
"Sino naman kasama mo?" Sasagot na sana siya pero nagsalita akong muli. "Huwag kang sasama kung kani-kanino lang Xatana."
Ramdam ko naman na hindi siya gagawa ng kung ano na ikakapahamak niya pero kailangan niyang alalahanin na may mga tao pa siyang hindi naaalala sa ngayon. Mahirap na, kapag nalaman nila na may amnesia siya baka sabihin na kaibigan o kapamilya niya ang mga tao na makikilala niya.
"Si Granger lang naman ang kasama ko Estella, at saka kayo naman ang nagsabi na kailangan kong bumalik sa dati kong buhay diba?"
Ohh, may point nga siya do'n. Teka...
"You mean... Mag sisimula ka ulit mag-work?" Because why not? Para bumalik ang mga memories niya. "Kung babalik ka sa work mo, ok ka naman ba ngayon?"
Kasi tulala parin siya sa kawalan. May iniisip siya o naninibago dahil hindi nga niya naaalala ang ibang mga bagay.
"Ok na ok ako Estella. Sige na at baka ma-late na din ako sa pagpasok ko, bye!" Pagmamadali nitong paalam sa akin at ako naman nagtungo na din kung saan kami magkikita. Sa Recrecy Bar.
Oh, nag change pala si Ninang ng name para sa resto bar niya pero dati na ring pumunta dito sila Aestheria, Vannesa and Ametrine. Noong naaksidente sila, kung naaalala niyo pa.
Anyway, nandito na ako sa resto bar ni Ninang at nakaupo na. Nag-iintay na lang ako na dumating siya pero may kakaiba akong nararamdaman. Bakit gano'n yung feeling ko, yung pakiramdam na may tumitingin sa akin.
Lumingon ako at tinitigan ang buong paligid ko. Kung may kahina hinala ba na tao sa paligid ko pero wala naman. Lahat sila ay may kausap. Lahat sila busy sa mga kasama nila. Hmm... Hindi kaya, nag-fe-feeling lang ako?
"Estella, may problema ba?" Wika naman ng nasa harapan ko.
Si Ninang pala. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya.
"Uhm, wala naman po. Sorry kung na istorbo ko kayo sa lakad niyo." Pansin ko kasi may mga kasama siya. Limang lalaki at may isang babae.
"By the way, si Crave nga pala, ang anak ko." Bigla namang tumingin si Ninang sa katabi nitong lalaki.
"Mom, we already knew each other." Singit nung lalaki. Teka, anak ba talaga siya ni Ninang? Kasi yung mukha kasi nila... Ngayon ko lang na realized, malayo ang mukha nila sa isa't-isa. I mean walang nagmana kay Ninang?
"Ohh, oo nga pala. Sila Kieffer, Rondel, Feydous and Vash naman ang mga kasamahan niya." Meaning, sila yung famous na Titus Five kuno? Naaalala ko kasi na may mga bagong students sa Zortron University at 'yon ang tawag sa kanila pero bakit may kasama silang babae?
"Wait, na mu-mukha-an kita. Ikaw ba si Queenie?" Hindi ako pwedeng magkamali sa mukha niya. Makinis, maganda, oval shape ang mukha niya at hindi lang 'yon wide ang lips niya at natural na natural samahan mo pa ng short black hair.
"Paano mo ako nakilala? Saan?" Takang tanong nito pero hindi ko rin maalala.
"Hmm, I saw you somewhere." Inalala ko kung saan ko siya nakita noon. Nag announce pa nga 'yong— "I think sa underground arena, alam ko naman na alam niyo na 'yon." Dagdag ko pa.
Nagsenyasan naman yung mga kasama ni Ninang, yung Titus Five at yung babae. Ewan ko, pagkatapos kong sabihin 'yon bigla na lang nanahimik sila tapos nagsesenyasan na.
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...