CHAPTER 38

0 0 0
                                    

Xatana's POV

"You're not going anywhere Mr. Paige." Seryosong wika nito. "And you Mr. Granger Hunt or should I say Mr. Zairen Hichon Lockwood?"

Wait! W-w-what the fuck is this?!

"Hichon and Lockwood? Are you kidding me?"

"I'm not joking around sweetheart. Tama ang narinig mo."

Zairen? Oh no, 'yon ang pangalan na sinabi ni Clark sa akin noong nag-usap kami sa phone?! Siya ba 'yon?

"Siya ang half brother mo Xatana. Si Zairen ang anak ko sa Tita Cassandra mo noon. Nalaman ko na noong babalikan ko si Cassandra, buntis pala siya. Wala siyang kinakasamang lalaki, itinago niya ang tungkol kay Zairen at naisip na ipaampon sa iba dahil sa nalaman niyang ikakasal ako sa Mommy Ayesha mo." Mahabang paliwanag ni Daddy sa akin.

Hindi ko na alam kung anong iisipin o gagawin ko. Maging sasabihin ko ay hindi ko na din alam. Mixed emotions na ako dito!

Galit ako dahil anak siya ni Tita Cass! Naiinis ako dahil sa lahat-lahat ng nangyare, umasa ako! Umasa ako na siya na 'yon! Kaaway ko siya, palagi kong kasama! Ano na naman 'to?! Malungkot din ako dahil siya ang bunga nila Tita Cass at Daddy! We are half siblings to be honest!

All of these negativity na nararamdaman ko, the fuck! Kahit isang dahilan para ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya, wala! Walang dahilan para maging kami!

"Xatana, are you ok?" Tanong ni SP na may halong pag-aalala.

Seryoso kong tinitigan si Granger na ngayon ay si Zairen.

"Don't tell me tatayo ka lang diyan at mananahimik?! Who told you that?! Plano ba nila Tita Cass na paasahin ako?! Na saktan ang puso ko?! The fuck Zairen!"

Nagsimula na akong sumigaw ng malakas sa buong mansion na 'to. Malamang ay abot din sa kuwarto nila Aestheria ang sigaw ko but I don't give a fuck!

"Sila na ang nanggulo sa peste kong buhay dahil sa arranged marriage na 'yan tapos ngayon gusto niyong mahulog ako sa patibong niyo?! Nakuha na niyang guluhin ang tahimik kong mundo! Nagawa na niyang kontrolin lahat ng nasa paligid niya tapos ngayon gusto niyong wasakin ang puso ko?! Who fucking told you Zairen?!

Nagmadaling pumunta si Zairen sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"No! Hindi 'yon ang intensyon ko! I love you Xatana at 'yon ang totoong damdamin ko para sa'yo!" Bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Huh? Love? Teka, hindi ko alam kung pati 'yan gawa-gawa mo lang. I know! Kausap mo si Tita Cass sa London. Anong plano niyo ha? Sorry na lang dahil nalaman ko na ang katotohanan tungkol sa'yo."

"Listen to me Xatana, please!" Hinawakan naman niya ako ngayon sa braso ko sabay yakap pero itinulak ko lang siya.

Ang sakit peste!

"Listen?! Tama na Zairen! Sobrang sakit na! Sa lahat ng nalaman ko, walang dahilan para mahalin kita! Walang dahilan para maging tayo at kahit kailan walang magiging tayo!"

Tumayo si Zairen at tumakbong lumapit sa akin. Niyakap niya akong muli kahit na pilit ko siyang tinutulak! Pesteng katawan 'to! Bakit ako nanghihina!

"Naglihim ako sa'yo at alam ko 'yon! Tinago ko sa'yo kung sino ako pero sasabihin ko naman sa'yo ang tungkol do'n, naunahan lang ako! Pero lahat ng ginawa ko, lahat ng sinabi ko sa'yo, lahat ng pinakita ko sa'yo totoo 'yon lahat! Please Xatana, I'm begging you, maniwala ka sa'kin!"

"Tiwala? Paano ako maniniwala sa lahat ng sinabi mo ngayon Zairen?! Huh?! Sirang-sira na tiwala na ibinigay ko sa'yo Zairen! Hindi na maibabalik ang tiwala na ikaw din ang sumira! Hindi na muling mabubuo 'yon dahil sobrang wasak na wasak na!" Matapos ng huling mga sinabi ko ay tuluyan ko rin siyang nailayo sa akin.

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon