Xatana's POV
Nakasilip ako ngayon sa bintana ng restaurant na ito. Ang ganda pagmasdan, yung pakiramdam na malaya ka. Gusto ko na lang tumakas sa responsibilidad na ibinigay sa akin.
"Malalim ata iniisip mo?"
Hmm malalim? Siguro nga ay malalim, sa sobrang lalim ay hindi ako maka-alis. Sa sobrang lalim hindi ko alam kung kaya kong mag-isa.
"Xatana, may problema ka ba?"
Sasabihin ko ba? Pero bakit naman? Hindi ko naman siya boyfriend? Hindi ko din naman siya kapatid. Hindi ko naman siya kaibigan? Siguro noon oo, pero iba na ngayon.
"Ah, iniisip ko lang kung ok na sila sa hospital. Nga pala, ikaw lang ba mag-isa pumunta ng hospital?"
Hindi ko alam kung sino na hospital, gusto ko lang mapunta ang topic sa ibang bagay.
"Naaalala mo si Ches? He's in the hospital right now. Biglang umatake asthma niya. Kauuwi niya lang dito. His butler said he left because he was going somewhere then we received a call from the hospital." Mahabang pagpapaliwanag nito.
So kaya pala si Ches yung nasa hospital, pero paano na trigger ang asthma ni Ches? Alam ko kung bakit pinagbabawal ito sa school noon dahil sa sakit nito.
Hindi ko alam pero ayaw ng mga magulang nila na ilabas si Ches dahil delikado daw para sa sakit nito.
Over reacting or over protective?
Wala naman itong magagawa, noong nasa college kami nila Morpheus at Ches ni minsan hindi ito nakipag interact sa amin.
Ako at sina Vannesa, Estella, Aestheria, Ametrine, Morpheus at Ches ang magkakaibigan noon sa college.
Lahat ng kalokohan nagawa na namin pero hindi naman sobra. Dahil nga kontrolado kami ng pamilya namin kaya mild lang.
Hindi ko lang maisip, paanong na trigger ang asthma nito?
"Ikaw, sino nasa hospital?"
Kahit kailan talaga, kung magtanong ang isang ito akala mo close, tsk.
"Si Vannesa at Aestheria, na aksidente silang tatlo kasama si Ametrine pero ok na siya. Silang dalawa kasi ang napuruhan talaga dahil sa impact kaya nandito ako kasama si Estella."
"Na saan siya, shouldn't you be with her?"
"Nagising na kasi si Ria so I left them there to talk."
Tumahimik naman na kami, ang awkward. Hindi siguro tama na-
"How are you? Are you happy?"
Nagulat ako sa tanong niya. Kumusta nga ba ako? Masaya nga ba ako?
"I'm fine and happy. Lalo na gising na si Ria, so yeah, I'm happy."
"If that's so, let's eat." Mukha namang satisfied siya sa sagot ko at tinawag na yung waiter.
*Estella's Calling*
Oh, tumatawag si Estella. Tapos na siguro sila?
Sinagot ko naman tawag nito.
"Tapos na kayo diyan?"
[Na saan ka na ba? Nandito yung isang lalaki, yung Zamora. Kinukulit niya si Ria!]
"Psh, malamang boss niya yan. Baka naman kina-kamusta niya lang si Ria."
[Kahit na ba, kailangan din ni Ria ng pahinga. Tiyaka ako yung kapatid 'no. Dapat ako yung nag-aalaga.]
Nagseselos ata ang isang ito.
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...