CHAPTER 3

6 2 0
                                    

Aestheria's POV

"Van halika dito, tignan mo yung balita ngayon."

Seryosong sabi ko. Nandito kami ngayon sa tinitirhan namin. Wala kami sa puder ng mga magulang namin. Why? Malamang naghiwalay kami sa mga parents namin because of that f*cking...

"Ria, ano bang balita ngayon bakit ganyan ka ang seryoso naman masyado."

Tsk, speaking of balita...

"You know naman na may ginawa na sila Tita about sa mga marriage natin right? Here, tignan mo naman sila sa balita. Tsk, hinahanap tayo nila Mom."

Tinignan ni Van kung anong nasa balita ngayon. Ang headline ay...

ANG PAGLAYAS NG APAT NA TAGAPAGMANA.

Pinakinggan namin kung anong nasa balita.

"Nalaman lang ngayon na ang apat na tagapagmana ng tatlong pamilya ay naglayas sa kanilang tahanan. Nandito ang magulang ng isang tagapagmana."

Nagtinginan naman kaming dalawa ni Van.

"D'ba si Mom mo yan Van?"

Umiling s'ya at umalis. Bago yun nagsalita s'ya.

"Psh, hayaan mo sila sa gusto nila. Hanapin man nila tayo. Wala naman silang pag-asa na makikita nila tayo."

Napaisip ako sa sinabi n'ya.

"Teka nga Van. Anong tinutukoy mo?"

"Hindi nila tayo makikita kasi busy naman sila sa company so what para mag-alala pa sa kanila? Tsk!"

At tuluyan na nga s'yang umalis.

Naka arrange marriage kami sa mga lalaking hindi naman namin mahal. Ni hindi nga namin kilala kung SINO mga yun. Kaya lumayas kami sa amin at yun na nga ang sinasabi ko kanina.

Kaming apat ang pinakamayaman at kilala dahil sa dugo na rin na nananalaytay sa'min.

Hanggang sa nagkasundo ang mga magulang namin sa ibang pamilya.

"Ria, may naghahanap sa'yo."

May naghahanap sa'kin? Sino naman?

Tumayo na ako at doon nakita ko ang pinakakinaiinisan kong tao.

"Hi Baby! *smirk*"

What the? Paano n'ya na lamang nandito ako?

"Nakakita ka ata ng gwapo hahaha."

Tsk "Ikaw tigilan mo'ko sa kalokohan mong lalaki ka! Stalker ka 'no?"

Lumapit naman ito sa'kin kaya napa-atras ako ng bahagya.

"Yes, stalker mo'ko. May problema ba dun Baby?"

Argh!! Ahhh, mababaliw na ako sa isang 'to! Peste, peste, peste!

"Ria ano ba yan...oh may bisita ka?"

Hindi ko yan bisita, Van. Bwisita yan!

"Pasok ka dito. Sorry nag-aayos pa lang kasi ako. Ria, ipaghanda mo kaya yung bisita mo."

Walang pagdadalawang isip na pumasok nga ito at ang walang hiya nginitian pa ang kaibigan ko.

Umupo na ito sa may sofa namin. Ako naman umalis na para magluto. Mag tanghali na rin kasi kaya need talaga magluto. Wala kaming makakain ni Van kapag 'di ako nagluto.

Binuksan ko yung refrigerator at nakita kong merong manok. Mag adobo kaya ako? Sige para hanggang mamayang gabi kapag umuwi sila Xat at Stel.

Naghanap ako ng mga ingredients para sa adobong manok pero nawalan ako ng ganang maghanap ng nasa tabi ko yung bwiset na bisita ko daw.

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon