CHAPTER 33

0 0 0
                                    

Xatana's POV

"Nakauwi ka na pala Xatana, nagpaalam ba si Ame sa'yo?"

Derederetso akong umakyat sa second floor pero napatingin ako ng biglang sumigaw si Aestheria.

"Xatanaaaa!"

Wala naman ako sa sarili ko nung lumingon ako at nagtanong sa kaniya.

"Bakit?"

Umakyat ito at humarap sa akin.

"Hindi mo ako nadinig? Nagtatanong ako sa'yo. Ano na namang iniisip mo? Problema na naman ba?"

Umiling ako sa tanong niyang 'yon.

"Uhm, hindi naman siya problema pero..." Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa'kin. Palapit siya ng palapit sa'kin kaya wala na akong nagawa pa kung hindi sabihin 'yon.

"Nag-aya kasi si... si Granger na mag d-date kami." Dagdag ko.

Tinakpan ko na tenga ko dahil...

"WHAT THE HELL DID YOU JUST SAY?!" At ayan, sumigaw na nga siya.

"I know, I know, sasabihin mo na naman na kailangan kong tumigil sa love-love na 'yan so don't worry. Hindi naman ako pumayag sa kaniya." Uhm, I mean, hindi ako sure sa sagot ko kasi... Ahhh basta!

"Psh, ano na naman ba 'yan. Masyado ka ng maganda, kailangan mo ng patumbahin Xatana."

"Pft, anong sinasabi mo?" Bigla akong nagulat sa sinabi niya. Kasi naman, kung joke 'yon bibihira lang siya magsalita ng gano'n. Mainit ulo ng babaeng 'yon, kung alam niyo lang, pft!

"I know him already pero if you like him, why not. IF you LIKE him, ok? Pero kung love mo na siya, nako kailangan niya munang dumaan ng different stages!"

Natawa ako sa sinabi niya. Ewan ko pero masaya ako na ganiyan ang mind set niya sa alok ni Granger na date.

"Hoy babae! Hindi porke pumapayag ako hahayaan kitang masaktan ulit, ok?!"

"Haha! Fine, fine, kayong dalawa ang unang sasabihan ko tungkol diyan. Nga pala, anong sinabi mo kanina?"

Pumitik naman ito ng maalala niya 'yong itatanong sa'kin.

"Oo nga pala. Kasi kanina nagpunta ako sa kuwarto ni Ame, but I saw her room na malinis. As in! Wala mga gamit niya, 'yong mga maleta na dinala niya noon papunta dito parang ginamit niya lahat."

"Ano?!"

Tumakbo ako papunta sa kuwarto ni Ame at tama nga si Aestheria. Wala na mga gamit niya dito, lahat ng damit, mga gamit niya at kung anu-ano pa.

"Mukhang umalis na siya."

"Umalis? Bakit naman siya— Oh! I see, dahil ba sa balak nila sa pamilya niyo?"

"I think oo. Mukhang babalik na siya ng London para gawin ang plano nila Tita Bet."

"Wait! Baka naman dahil sa company nila. Remember, nagkaroon ng problema sa kanila?"

Hmm, may punto naman siya.

"Naalala ko. Magsasabi siya sa atin tungkol doon, unless... Sikreto siyang umuwi sa kanila?"

Posible 'yon. Baka sasabihin na niya kung na saan kami nakatira dito sa Pilipinas.

"Dito ka muna Aestheria! Na saan si Estella?!"

"Te-teka lang, nasa trabaho kasi siya. Tawagan ko ba?"

"Oo, kailangan nating lumipat ng lugar. To make sure na hindi nila tayo makikita dito."

"Sige, sige, tawagan ko na siya."

Malaking problema 'to.

Clark's calling...

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon