CHAPTER 10

1 2 0
                                    

Xatana's POV

Wohhh na tapos din sa wakas!

"Mr. CEO naririto na po ang sundo niyo." Oh si Drixie pala. Aalis na siguro si Mr. CEO, sabi niya may pupuntahan siya ngayong hapon.

"Xatana, I'll be back later. Yung sinabi ko kanina, huwag mong kalimutan."

"Yes, Mr. CEO." Dahil sa babalik ako sa mansion nila dapat presentable ako. Hayst, buhay secretary nga naman.

Tumayo na si Mr. CEO, sumunod naman ako sa kaniya at si Drixie.

Pagkalabas namin ay pumasok na si Mr. CEO sa loob ng sasakyan at umalis na sila.

"Ok, balik na sa trabaho."

"Teka Xatana!" Lumingon ako nang tawagin ako ni Drixie. "Pupunta kasi ako sa kabilang company. Ikaw muna bahala dito."

"Oh, sige ok lang." Pumayag naman ako. Wala naman akong gagawin masyado at as chief secretary tungkulin ko naman yun.

Umalis na si Drixie kaya naman bumalik na din ako sa loob ng office ni Mr. CEO. Inayos ko mga gamit sa office niya. Pati sa akin din siyempre.

"Ms. Lockwood, hindi kami makapagdesisyon kung saan dito sa dalawa ang gusto ni Mr. CEO."

May bitbit itong dalawang tuxedo. Bakit may tuxedo? Anong okasyon naman kaya?

"Left, I think gusto niya sa black." Halos black din naman kasi mga sinusuot niya. Maging sa party noon black din.

"Sige Ms. Lockwood, maraming salamat!" Ngumiti na lang ako bilang tugon at umalis na siya.

*Ring*ring*ring*

Sino naman kaya ang tumatawag?

Nakita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Sinagot ko naman ang tawag.

"Mr. CEO may kailangan po kayo?"

"Ikaw magdala ng tuxedo ko mamaya. Pumunta ka sa lugar na ise-send ko sayo." Matapos ay pinatay niya agad yung tawag.

So para pala ito sa pupuntahan niya? Akala ko naman formal lang tapos ganun, hayst.

Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa ginagawa ko. Madami pang lilinisin at aayusin dito. Buti wala si Mr. CEO.

Matapos ang ilang oras ay pagabi na. Siguro ay kailangan ko ng pumunta sa address na ibinigay ni Mr. CEO sa akin.

"Xatana! May lalaking nag-iintay sayo. Sabi tawagin daw kita baka ma-late daw kayo." Hmm, ito na ata yung susundo sa akin.

"Sige Drixie, maraming salamat. Pakisabi intayin niya lang ako, ayusin ko lang yung office magulo pa kasi. Ilang minuto lang talaga ito." Nagbuntong hininga ito at pumayag na din. Umalis na siya at lumabas.

Kinuha ko na mga gamit ko at yung tuxedo na sinabi ni Mr. CEO tapos lumabas na ako. Pagkababa ko may nakita akong kotse sa labas. Nandoon din si Drixie na nag-iintay. Kausap niya iyong driver. Magkakilala ba sila o madaldal lang si Drixie? Pft, imposible.

"Pasensya at nag-intay pa kayo."

Pinapasok na ako ng driver sa loob at si Drixie naman umalis na kaya umalis na din kami.

"Ms. Lockwood dala niyo daw po ba ang tuxedo ni Master?" Ohh, Master naman pala tawag sa kanya.

"Yes, hindi ko naman nakalimutan."

"Paki iwan na lang sa kotse mga gamit niyo Ms. Lockwood. Yun ang utos ni Master."

"Huh, bakit naman?"

"Nandito na tayo." Agad-agad? "Paki-iwan na lang Ms. Lockwood." Hayst, gusto talaga nilang wala akong dala?

Lumabas na ang driver at binuksan ang pintuan ng kotse kaya lumabas na ako. Teka, ibang lugar ito.

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon