CHAPTER 20

0 1 0
                                    

Estella's POV

Nakarating na ako ngayon dito sa mansion, hinahanap ko si Ametrine pero tulog pala ito. Tinawagan ko naman si Xatana.

[Anong balita?]

"Xatana, hindi sila pwede makipagkita. Busy sila sa kumpaniya nila."

[Hayst, sige sige, wala tayong magagawa.]

"Busy ka rin ba?"

[Oo eh, dami kong mga papel dito na kailangang basahin, pirmahan, at iba pa. Hayst, ganito pala kapag hindi ikaw ang CEO jusme. Ramdam ko na pagod ni Clark.]

"Pft, hindi ko alam na manggagaling sayo 'yan. May balita pala sa pamilya Lee. Alam mo naman na ang kumpaniya nila ay isa sa pinaka kilala at mataas sa bansa natin hindi ba?"

[Oo naman, bakit? May nangyare na naman ba?]

"Oo, problema rin sa kumpaniya. Hanggang ngayon nasa kwarto pa rin si Ametrine. Alam mo naman 'yon, kahit na naglayas siya, siya lang ang anak nila Mr. and Mrs. Lee, mahal niya mga magulang niya."

[Huwag mo ng intindihin yun, pamilya Lee yan. Malamang sa malamang hindi sila magpapatalo, business minded kaya sila, si Ame lang ang hindi.]

"Kung sa bagay, bago ko makalimutan. Anong gagawin natin para kahit papaano may alam tayo doon sa tatlo?"

[Iniisip ko na rin 'yan. Sa ngayon ang masasagot ko lang sayo. Isan tabi muna natin 'yon. Hindi ko kaya ipagsabay ang lahat ng problema ko lalo na ngayon busy ako sa trabaho.]

Kung sa bagay nga naman, problema sa kumpaniya niya, tapos hindi pa namin alam kung ano ang totoo kung related ba sila Van at Xat o hindi, dumagdag pa na wala si Vannesa.

Maging ako siguro hindi ko kakayanin 'yon lahat. Pagpapatakbo pa lang ng kumpaniya walang-wala na ako kay Xatana.

[Estella nandiyan ka pa ba? Ibababa ko na ito at madami pa akong gagawin.]

"Sige, bye."

*tot*
*tot*
*tot*

Ipinatay na niya ang tawag. Siguro ay hahanapin ko na lang muna si Vanessa. Bukas ay may trabaho na ako at hindi ko na siya mahahanap ulit.

Tinignan ko mula sa kwarto si Ametrine pero wala pa rin siya. Hindi kaya tulog na yun?

*unregistered number is calling*

Sino naman ang tumatawag sa akin ngayon?

"Hello, sino po sila?"

[Mula po ito sa hospital. May nakita kaming isang babae na kamukha po noong nandito kayo.]

Si Vannesa?!

"Na saan na siya ngayon?"

[May pinuntahan po siya, isa sa mga kwarto po rito ng mga pasyente. Ang pangalan po ng pasyente ay Castro Mondrago.]

Castro Mondrago? May ganun ba kaming kakilala na apelyido?

"Nandiyan pa ba siya?"

[Wala na po Ma'am, agad po siyang umalis mga ilang minuto lang po.]

Nakakapagtaka, sino naman ang lalaking 'yon?

"Sige, maraming salamat. Maaari ba kayong mag bigay ng informations sa akin tungkol sa Mondrago na yun?"

[Pasensiya po, pero hindi po pwede ibigay ang informations po ng pasyente.]

"Ganun ba, sige maraming salamat. Tawagan niyo agad ako kapag pumunta ulit siya diyan."

[Sige po Ma'am.]

Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta ako sa kwarto ko at hinanap kung sino ang Mondrago na 'yon pero wala akong mahanap. Maaaring hindi ito kilala, pero kahit anong social media accounts ay wala ito.

The Power of Love (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon