Xatana's POV
"Xatana, sabi ni Sir hintayin mo daw siya. Kung hanapin daw siya sa meeting mag-intay lang daw muna."
Agad na bungad ng kasamahan ko pagkapasok ko sa loob.
"Hindi man lang sinabi ni Mr. CEO kung saan siya pupunta?" Ilang minuto ay tumahimik ito. Inaalala kung may sinabi ba si Mr. CEO sa kaniya.
"Wala eh, wala naman siyang sinabi sa akin bukod duon."
Hmm hindi man lang siya nag direct na sabihin sa akin. Ako naman ang secretary niya bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Bakit Xatana? Anong iniisip mo?"
Lumingon ako at may nakitang anino ng lalaki. Teka anino? Hayst, kagagawan na naman ba ito ng pagod? Simula siguro ng maaksidente ang tatlong yun kung anu-ano na nakikita ko.
"Mukhang pagod ka Xatana. Kailangan mo ding magpahinga."
"Hayst, sinabi mo pa. O sige na, kailangan ko ng pumunta doon."
"Sige, mamaya sabay tayo mag lunch ah?"
"Sure, ikaw naman mag libre ah?"
"Luh! Akala ko joke lang iyon?"
"Haha just kidding. Sige, bye! See you later na lang."
"Bye!"
Naghiwalay na kami ng direksyon na pupuntahan. Nakita ko na naman yung anino ng lalaki kanina. Para bang sinusundan nito bawat galaw ko.
Pangalawang beses ko na siyang napapansin ngayon. Nagkataon o talagang may nagmamasid sa akin?
Tiyaka ko na isipin 'yan nasa trabaho nga pala ako.
Agad akong nagtungo sa kung saan sila nag-mi-meeting.
Inintay ko si Mr. CEO sa pagpasok niya dito. Habang wala pa siya ay naglibot na muna ako dito.
Madami pa lang mga trophy dito, malinis din ang bawat gamit dito. Kakaunti lang naman kaya maaliwalas tignan.
Hmm may picture sila dito. Matignan nga, ok lang naman hindi ba? Hindi ko naman sisirain.
Tumingkayad ako para maabot yung picture sa may taas. Makukuha ko na sana kaso nadulas ako at na out of balance. Huli na para sana suportahan ko ang katawan ko mula sa pagkakahulog kaya pumikit ako.
Wala naman akong naramdaman na biglang may nahulog sa akin at hindi naman sumakit katawan ko. Anong nangyare?
Dumilat ako para tignan kung anong nangyare pero pinagsisisihan ko 'yon.
Nakita ko si Mr. CEO na buhat-buhat ako. Tapos hawak niya yung picture na kukunin ko sana.
Tumingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata, dahil doon ay napatayo ako agad. Binaba niya naman ako ng dahan-dahan tiyaka ibinalik yung picture sa lalagyanan.
"Are you ok?"
Hindi ko alam pero nahihiya ako. Xatana, be professional! Peste naman oh!
"A-ah! Ok naman ako Mr. CEO, Pasensya at muntik ko ng masira ang picture dito."
"No problem, you want to see it?"
"N-No! Uhm, lilinisin ko lang sana yung picture kasi maalikabok."
"Hmm, ok if you say so."
"Sir! Naririto na po sila. Papasukin ko na po ba?"
Bigla akong tumayo ng matuwid na parang walang nangyare. Hindi ko magawang tumingin kay Mr. CEO, nahihiya pa rin ako. Baka kung ano isipin niya!
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...