Xatana's POV
"Xatana, halika na dito at kakain na. Bumangon ka na diyan dali!" Ang lakas talaga ng boses ni Estella, pft maaga pala siyang gumising ngayon?
"Oo na, ito na pababa na!" Tugon ko dito.
Mag-tra-trabaho din siya ngayon dahil pwede namang bantayan ni Ametrine sina Vannesa at Aestheria.
Speaking of trabaho, ano naman kayang gagawin ko sa company ngayon? Tapos na kaya sila para sa mga designs?
Bumaba na ako ng kuwarto ko at nakita ko na lang si Estella na abalang nag-aayos ng hapagkainan namin.
"Sipag ah, teka saang company ka nag-tra-trabaho?" Bigla kong tanong dito, nagulat din siya. Siguro dahil noon sabi namin sa isa't-isa, walang pakielamanan kapag sa trabaho.
Well, hindi ko naman siya pakikielaman kasi kung gusto niya doon at masaya siya edi hindi ko kailangang pakielaman siya. Hindi ba?
"Ok lang ba sayo na sabihin ko kung saan?" Bakit nag-dadalawang isip siya? May kinalaman ba sa akin?
"Bakit naman ganiyan ang tanong mo. Malamang ok lang sa akin, saan ba kasi?"
Tumigil siya sa paglalagay ng mga plato sa lamesa at nakayukong nagsalita. "Sa kumpaniya ni Morpheus, do-doon ako nag-tra-trabaho ngayon." Mariing sabi nito habang nakapikit.
Natatakot ba siya na bulyawan ko siya? Masyado na ba akong masama para pag-isipan nila ng ganun?
"Alam mo, hindi mo naman kailangang matakot. Parang yun lang, dahil alam ko na kung saan ka nag-tra-trabaho baka pumunta ako doon minsan." Ani ko habang masaya na nakangiti sa kaniya.
Mukha kasing takot siya, akala mo kakainin ko siya ng buhay, pft.
"Sure yan? Ok lang sayo? Hindi ka galit?" Sabi ko na iba talaga tingin ng mga ito sakin.
"Tsk, bakit ba parang ang sama kong tao. Malamang hindi ako magagalit. Ex-boyfriend ay Ex na. X na so wala na." Ani ko habang naka sign ng X mga braso ko.
"Tigilan mo nga yan, mukha kang si April Boy eh." Natawa na lang kami sa pag-uusap naming iyon.
"Kain na tayo, teka kunin ko lang yung iba pang mga gamit." Bumalik na sa dati ang mood niya, mabuti naman.
"Sige tulungan na kita diyan."
At tinulungan ko siyang mag-ayos hanggang sa kumain na kami. Mga ilang kuwentuhan ay nakatapos na din kami sa pinagkainan namin kaya pumasok na kami sa mga trabaho namin.
Hindi ko nga pala alam kung anong trabaho ang pinapagawa sa kaniya doon.
Silipin ko na lang siguro mamaya, hindi naman kalayuan dito yun. Mga ilang minutong lakaran lang.
Nandito ako ngayon sa office ko, nag-aayos ng mga files na kailangan para sa meeting nila mamaya.
Hindi ko pa rin makalimutan mga nangyare kahapon.
Baka naman walang malisiya yun, hindi naman ibigsabihin nun magkapatid kami dahil sa same ang dugo namin? Maaaring may kamag-anak sila na same din sa amin pero sino naman iyon?
"Oh, hello Xatana! Bakit tulala ka diyan? May sinabi ba si Kuya Gra... I mean si Mr. CEO sayo?" Si Drixie pala, mahirap ding paniwalaan na magkapatid sila kahit hindi sila biological.
Kaya pala ganun siya magsalita kay Mr. CEO kasi kilalang-kilala niya siya. Ikaw ba naman kapatid ng isang CEO tapos isa kang assistant secretary dapat sa mga ganung bagay mabilis kang mag adopt.
I mean, alam mo mga ayaw at gusto ng isang tao. Bilang secretary para kang buntot ng CEO, para sa akin ah. Kasi first time ko lang naman ngayon, sa company ko naman kasi walang ganun.
BINABASA MO ANG
The Power of Love (Season 1)
Romance[COMPLETED] Xatana Lockwood- maganda, mabait, matapang, matalino, at mayaman. Hindi inaasahan na ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mapapangasawa na hindi naman niya kilala. Sa kagustuhan nitong hindi matuloy ang napagkasunduang kasal sa kanila...