CHAPTER 7: Tryout

99 11 2
                                    

Kararating palang namin ngunit walang klase agad ang bungad sa amin. Humiwalay na si Kuya Dave nang marinig iyon.

Natanaw kong bumaba na sa kotse si James kaya hinintay ko itong makalapit sa pwesto namin.

“James, bakit walang klase?”

“Good morning, ate. May tryout po ngayon kaya walang klase.” Bumaling siya kila Sean. “Punta na lang kayo sa gym, nandon na ang ibang lalaki.” Nagkatinginan ang dalawang bago bumaling sa akin.

“Sasama ka ba sa amin?” tatango sana ako ngunit may tumawag sa pangalan ko. Hindi basta-basta tawag dahil galing ito mismo sa speaker na nakakabit sa school.

Ohmygod! Makikilala na ang magandang pangalan ko.

“Calling for the attention of Miss Jaycelle Villaluna, please come here in Dean’s Office.”

Napatingin sa palagid ang mga istudyante at takang tumingin sa mga nakakasalamuha nila. Napangiwi ako at hindi mapigilan ang mapatampal sa noo.

“Ate mukhang trip ka ngayon ni tita kaycee,” natatawang sabi ni James bago sila maglakad.

Hindi pa man sila nakakalayo ay sumigaw si James na ikinainis ng mukha ko.

“ATE JAYCELLE, SEE YOU LATER!”

Nagtinginan sa pwesto ko ang mga pangit na istudyante. May mga tinaasan ako ng kilay. May ilan naman na nakamasid sa galaw ko.

Mahinang napamura ako at nilakad agad ang papunta sa Dean’s Office. Hindi ko talaga alam minsan kung anong trip ni Tita Kaycee. Katulad ngayon, pwede niya naman akong tawagan sa cellphone kung may kailangan siya at hindi na kailangan I broadcast pa.

I knocked on the door before open it. “May prettiest pamangkin, how are you?” nginiwian ko siya bago pabagsak na umupo sa sofang meron sa loob. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago kaya nakakapagtakang hindi agad kumalat ang pangalan mo lalo na’t kahapon ka pa naman nagstart ng class. That’s new uhm..?”

“Tss, tita, parang sinasabi mo naman na gulo lang ang dala ko dito sa University ni daddy,” ngiwing sabi ko.

She smiled and give me a meaningful look. “Well, ‘yon ang kilala kong Jaycelle. Ang pasaway at walang kinatatakutan anak ni Ate Jas…” aniya. Tumayo siya at may ipinatong na box sa ibabaw ng table. “Anyway, nasabi na naman siguro sa iyo na isasali ka sa ibang grupo. So, here’s your things and everything you need for the tryout,” dugtong niya.

Tumayo ako at sinilip ang laman ng box. May jersey sa loob at mga protection wear para hindi magkagasgas pag nadapa.

Parang lampa naman ako nito. Naiiling ‘kong binuhat ang gamit bago nagpaalam.

“Good luck, Jay.” I looked at her and nodded.

Yeah, good luck to me while take care for them—I smirked with that thoughts.

Hindi naman siguro masamang ilabas ang tunay kong kakayahan para na din maipakitang hindi dapat ako basta-basta hinusgahan ng lalaking iyon.

Masyado niya akong maliitin sa sport without knowing na isa ako sa captain sa former school ko. Hindi lang sa pagiging pasaway ako nakilala kundi pati na din sa kaalaman maglaro ng sport especially volleyball.

“Next, Jaycelle Villaluna.” Inilibot ni coach ang tingin niya sa amin hanggang sa tumayo ako at mapalipat sa akin ang kaniyang tingin maging ang tingin ng mga katabi ko. “You are Jaycelle Villaluna?” I nodded at her.

“Yes, I’m Jaycelle Villaluna.”

Sinenyasan niya akong lumapit at saka inabot sa akin ang isang bola. “Serve the ball,” utos niya.

Walang imik akong puwesto sa huli. Pinatalbog ko muna ang bola ng isang beses bago ihagis at talunin ito papalo.

I smirked with the ball hit the ground. Halatang-halata ang impact nito dahil sa tunog na nagpagulat sa kaniya kahit si coach ay hindi yata iyon inaasahan.

“Ang bilis ng bola,” ani ng isang babaeng katabi ko lang kanina.

“Gosh, nakakatakot ‘yong impact. Kawawa ang sasalo non kung nagkataon.”

Palihim akong napangisi sa mga bulungan nilang kayganda sa aking pandinig. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit mag-ingat sila dahil ang bola ay hindi natin mapipigilan kung saan nais bumagsak.

Pumalakpak si coach na ikinatingin ko sa kaniya. May paghanga itong tumingin sa akin at ngumiti ng matamis. “As expected, katulad ka ng iyong ina na tila leon sa paglalaro ng sport, makamandag at nakakatakot maging kalaban.” Nakatingin ako sa kaniya maging ang mga kasama namin.

Mukhang may kwentong magaganap. “Do you know my mom, coach?”

Ngumiti siya at senenyasan kaming umupo. Tama nga ako hihi.

“Yes, kilala ko ang mother mo at sino nga naman ang hindi makakakilala sa kaniya? Anyway, your mom is our team captain. As a model, hindi namin inaasahan na sporty person siya dahil alam naman natin na iniingatan nila ang mga kutis at katawan nila.”

Napaisip ako bigla. Tama si coach dahil si mommy ay isang modelo ay dapat maingat siya at hindi hinahayaan na magkagalos kahit kaunti man lang. Pero ako din naman a, wala akong peklat kahit isa sapagkat ayaw ni mommy na pumangit daw ang balak ng prinsesa nila.

Hindi na ako umangal sa bagay na iyon dahil nais ko din naman na alagaan ang aking pangangatawan kahit pa mahilig ako sa gulo.

“Okay, okay. Balik na tayo sa pagtatryout. Kailangan natin malaman kung sino ba ang bagay sa grupong ito and we will choose who will be the team captain.” Tahimik akong nanunuod sa kanilang magtryout sa pagtira ng bola.

Masasabi kong marunong naman sila ngunit hindi sila ganoon kagaling sa depensa. Ang iba ay natatakot sa bolang ibinibigay ng kalaban.

Amg swerte na nga nila dahil hindi ako ang kalaban na iyon.

Nang maghapon ay napagdesisyonan ni coach na ako na ang magiging team captain na sinang-ayonan naman nila. For me? Okay lang naman dahil nais ko din silang turuan at hindi ko nais na ako ang utusan nila ng utusan. May mga gano’n kasing captain na feeling mataas sa sarili kaya inuutusan na lang basta ang mga kakampi.

Mahina akong bumuntong-hininga at nakasimangot na sumandal sa kotse ni kuya Dave.

“Kakainip! Bakit ang tagal naman nila?” kanina pa ko dito pero hanggang ngayon hindi parin sila lumalabas sa gym. Kanina ngang lunch hindi na kami nagkasabay-sabay dahil sa letseng tryout na ito.

“Bored e?” napabaling ako sa kanan ko, nakitang nakasandal sa isang kotse si AJ at walang emosyong nakatingin sa akin.

“So?” inirapan ko siya na ikinatawa niya ng mahina.

“Sungit naman. Nakakapagtaka tuloy kung bakit ang bait bait ng mukha mo sa loob ng University. May tinatago ka ba?” kinunutan ko siya ng noo.

“Ikaw, bakit ang ingay-ingay mo ngayon sa harap ko e mukha ka ngang dragon na hindi nagsasalita sa loob ng University. So weird,” panggagaya ko sa boses niya.

Nailing ito sa akin bago pumasok sa loob ng kotse nang marinig ang boses ni kuya Dave.

“Baby…” malambing niyang tawag na ikinawala ng busangot sa aking mukha.

“Bakit ang tagal niyo, Kuya? Naiinip na at nagugutom na ko,” nakangusong sabi ko na nagpatawa sa kaniya at ikinulong ako sa bisig niya.

“Sorry. Ginawa ba naman akong team captain kaya ayan hindi agad ako makaalis. Anyway, musta ang tryout mo?”

Ngumuso ako at isinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. “Kinuha akong team captain,” bored kong sabi.

“That’s good.”

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon