Chapter 30 : Missing

52 0 0
                                    

Trio Dragon Gang is one of the most strongest and fearless gang group. Ito ay isang grupo na talagang kinahahangaan ng kahit sinong gangster noon lalo na kami nila Jonas.

Kaya nga mas pinag-igihan namin para manalo sa mga laban at makuha ang trono bilang bagong tagapagparusa.

Nandito ako ngayon sa hideout namin, nagbabasa ng mga papel na inabot sa akin ni Heart. Lahat ito ay may connect sa bagong grupo na nanggugulo sa underground.

Noong una, virus gang ngayon naman na natapos na nilang linisan ang grupong iyon ay may nabuo na naman na bago.

Hindi namin kilala kung sino ang leader nito pero may hinala ako, hindi ko lang kilala kung sino sa dalawang iyon.

"Queen, may nakita kaming box galing sa condo mo. Nasa pinto ito mismo sa labas at may pangalan mo. Sakto naman na pupunta kami rito kaya dinala na namin." Tinangnan ko ang itim na box na may pulang ribbon na inilapag nila.

Kasing laki lang ito ng box ng sapatos. Mahina kong kinalog ito at pinakinggan. Wala naman tunog na kakaiba.

"Omg! Kadiri, ano ba yan?" mabilis na lumayo si Heart habang hindi mapakali sa pagspray ng pabango.

Ang box ay may laman na patay na daga, dalawa ito at may larawan ni CD.

Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. Ano na naman ang nais nila? Anak ko na naman!

Hindi ko mapigilan ang mapahampas sa lamesa. "Sean, linisin niyo ito at alisin ang larawan ni CD." mabilis na kumilos ang dalawa habang nabigla naman si Heart nang malaman na may larawan pala ito ng inaanak niya.

Lumakad ako sa labas ng office ko sa hideout at mabilis na pumasok sa kwarto.

"Ready, magsisimula na tayo." sambit ko sa cellphone.

[Noted, Clea. My Clea.] Called ended.

"QUEEN, handa na ang kotse. Nandon na rin ang dalawa, hinihintay ka na lang." tumango ako.

Sinubukan niyo na naman ang pasensya ko kaya ngayon ihanda niyo ang lahat ng makakaya niyo dahil nandito na ako, hahabulin ko kayong lahat.

Taas noo akong naglalakad papasok sa underground arena. Kasunod ko si Jonas at Sean habang si Heart naman ay nasa labas, nakaabang sa signal namin para bumaril siya. Sniper

"Omg! Nandito sila, kompleto pa."

"Kabahan na ang mga pasaway na iyon, nandito na ang reyna."

"Queen Clea..."

"Scary!"

Tama lang iyan, katakutan niyo ang mas mataas sa inyo at hindi kalabanin. Tiningnan ko ang tao sa second floor, nakatayo ang The Kings sa taas, nakasilip sa amin.

Sakto, nandito rin sila.

Dumeretso kami sa stage, seryoso silang pinagmasdan hanggang sa tumigil ang tingin ko sa bagong grupo.

"We want to challenge the new group for Level 3 battle, fight or fight." malamig kong sambit na ikinasinghap nila.

Kita ko ang pagngisi ng leader ng mga ito na ikinaangat ng labi ko.

Babae? Magaling, magaling.

Lumakad ang mga ito paakyat ng stage, tumayo ng tuwid ngunit hindi pa rin nakatakas sa akin ang panginginig ng mga ito. Dapat lang na matakot kayo dahil reyna na mismo ang kinakalaban niyo.

“Nandito na pala ang tinatawag nilang Trio de Chaos eh? Himala at lumabas kayo sa lungga niyo.” nang-aasar na wika ni Violet, ang leader nila.

“Wala naman sa kaming balak lumabas kaso may mga asong nanggugulo na naman sa tahanan namin kaya nagbabalak kaming linisin ito.” lumunok ito at mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin ngunit mabilis muling bumaling.

“Oh, thanks for them.” i looked at them and sign my gangmate.

“Attack and killed all of them.” mabilis kong sambit na ikinatango ng dalawa.

Limang babae at apat na lalaki ang mga ito kaya naman masasabi kong malalakas ang loob nila para maghasik ng lagim sa lugar na ito lalo na’t nalaman naman nilang nakabalik na kami.

Umilag ako at mabilis na sinuntok ang lalaking susugod sana sa akin sa likuran. Hindi ko malabanan ang leader kuno nila dahil ito ay pumunta sa tabi.

Tumalon ako at malakas na sinipa sa batok ang isang babae. Siniko ko rin ito bago hinagisan ng dagger sa dibdib.

Walang puwang ang mga kalaban sa lugar na ito at mas lalong wala sa rules ang bawal pumatay dahil level 3 na ito.

Level 3 na isang klase ng laban na maaaring pumatay at gumamit ng kahit anong weapon. Walang rules ito maliban sa, bawal tumanggi pag may naghamon sa iyo.

“Thank you, Queen.” tumango lang ako kay Jonas bago muling bumaling sa kalaban.

Tumba na ang kalaban nila Sean kanina at itong dalawang lalaki at si Violet na lang ang natitira. Kita ko ang pagdaan ng takot sa mata ng mga ito na hindi ko na pinansin.

Sinugod ko sa Violet na mabilis naman umilag. Humawak siya sa kamay ko kaya hinampas ko ito at sinipa sa tiyan.

“How dare you!” i smirk.

“Hmm? Come on, ang hina mo naman.” galit siyang tumakbo papunta sa akin at sunod sunod na umatake gamit ang kaniyang katana.

Inabot ko ang twin katana sa likod ko. Iniharang ko ito bago mabilis na inikot ang isa at inamba na isasaksak sa kalaban.

Umilag siya katulad ng nasa plano ko kaya ito ang natamaan ng saksak mula sa kalaban ni Sean.

Dumugo ang kaniyang tagiliran. “Boba!” galit niyang sigaw sa sumaksak sa kaniya.

Nginisian ko ito nang tumingin siya sa akin ngunit bigla na rin siyang ngumiti bago mabilis na ibinato ang isang bilog sa taas.

Bomba? No, smoke bomb! Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya ngunit huli na at nakatakas na ito.

Galit kong sinaksak ang dalawang natitira bago binalingan sila Jonas. “Tara na, masama ang kutob ko ngayon.”

Binalingan ko saglit sila Kuya Alexis na nakatitig sa akin. Tumango ako bago mabilis na tumakbo sa kotseng nasa paradahan.

“Dalian niyo, sa mansion tayo.” kumunot noo ni Sean pero binilisan pa rin ang pagdadrive.

TILA tinakasan ako ng lakas habang nakatingin sa mansion na ngayon ay parang may naganap na laban. Ganitong ganito rin noon ang nangyari bago kami nagkahiwalay ni Kuya Alexis, noong birthday namin.

Tumakbo ako sa loob ng mansion. “Mom, Dad?! Nasaan kayo? Cleo Devon, anak ko?” malakas kong sigaw habang nililibot ang buong mansion.

Wala akong marinig na kahit anong ingay na siyang ikinakaba ko lalo.

Mabilis kong hinawakan ang cellphone ko at tinawag si Kuya Alexis. “Mansion, ngayon na.”

Hindi ko na siya hinayaan sumagot at mabilis din na ibinaba ang tawag.

Humakbang ako paakyat sa second floor pinuntahan ang kwarto ko kung saan natutulog na iniwan ko ang aking anak kasama si Mariel.

“No, Mariel!” tinakbo ko si Mariel na ngayon ay naliligo sa sariling dugo habang nakahawak sa gilid ng kama.

Duguan na ang sahig. Wala rin ibang tao maliban sa kaniya.

“Mariel, Mariel! Si CD, nasaan?” tanong ko habang tinatapik ito.

Bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Jonas ngunit nakafocus ako sa kapatid niya.

“K-inuha siya, p-asensya na Ate. H-indi ko napigilan. P-atawad...” napakuyom ang kamao ko at hinayaan si Jonas na kunin ang kapatid.

Hinawakan ko ang braso ni Jonas. “Mariel, magpagaling ka, okay lang.” ngumiti ako sa kaniya bago hinayaan na silang umalis.

Malakas akong bumuntong-hininga at pumikit ng mariin. Kinakabahan ako, hindi ko alam ang gagawin.

Unknown Number
Hi, Queen Clea, got the news? Haha. Find your son and parents. tik... tok... tik... tok... Time is running.

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon