Mag-iisang linggo na simula nang magpunta kami dito sa palawan.
Ngayon araw naman ang labas ni CD sa hospital. Ayos na muli ang pakiramdam niya, wala na din ang mga kulay pula sa katawan niya.
“Mommy, where are we going?” my son asked.
Binitawan ko siya sa kamay bago binuhat. Mag-aanim na taon na siya kaya naman masasabi ‘kong bumibigat at lumalaki na ang anak ko.
“Sa hotel na tinutuluyan niyo. Need mo pang magpahinga muna pero don't worry magb-bonding tayo tomorrow hanggang sa maubos natin ang buong maghapon,” nakangiting sabi ko.
Mabilis siyang nagpapababa sa akin. Tumakbo sa kaniyang mga ninong at nagpabuhat kay Sean. “Papa ninong, magb-bonding daw tayo tomorrow. I'm so excited!” tuwang-tuwa na sambit niya.
Tumango-tango si Sean. “So, maaga kang matulog mamaya para malakas ka bukas.”
“Okay po…” magalang na sabi niya. Magsasalita sana si Sean ngunit napahinto siya sa sunod na sinabi ng aking anak. “Pero ikaw po ang gagastos sa lahat ng gagastusin natin bukas. Hindi po pwedeng si mommy ang magbayad kundi ikaw,” bungisngis na sabi niya.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil mukhang namana niya sa akin ang ugaling iyon, ang pagtripan ang kaniyang mga papa ninong.
“MotherF-father…” sinamaan ko ng tingin si Sean nang muntik na itong magmura.
Talaga nga naman sa harap pa ng bata. Inismidan ko siya bago kinuha ang anak ko at isinakay ito sa loob ng kotse.
KATULAD nga ng napag-usapan. Ngayon kami ay maglilibot sa lugar. Una namin gagawin ay kakain muna syempre kaya naman todo tikim muna ako bago ibigay kay CD.
Natrauma na talaga ako kaya doble ingat kami. Sino ba naman di matatakot o matutrauma sa nangyari? ‘Yong tipong wala kang magawa kundi pagmasdan ang anak mo habang nakaratay sa kama at may oxygen sa bibig.
Jusq, ayoko na talaga. Baka hindi ko na kayanin sa susunod kaya please god, huwag na sana ‘yon maulit pa at hindi ko nanaisin na maranasan pa ng aking anak iyon.
“Baby, do you want this t-shirt? Look oh, ang ganda.” Tumunghay siya sa akin at hinawakan ang damit na nakita ko.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang shop. Maraming mga damit dito na pangsummer.
“Wow, I want it, mom, but you should buy that dress also. Para po partner tayo.” Tumingin ako sa dreas na itinuro niya at mabilis itong kinuha.
Tama si baby, bagay na bagay ito sa t-shirt niya dahil pareho ng design. ‘Yong dress ay kulay puti na may mga rosas na design, gano'n din ‘yong damit niya na may rosas sa dulo.
Ang ganda, bagay na bagay talaga.
“Wow naman. Mag-inang mag-ina e,” manghang sabi ni Jonas bago binuhat si CD. “Gwapo naman ng inaanak ko, manang-mana sa papa ninong Jons…”
“Hoy, anong sayo? Sa ‘kin siya nagmana dahil ako ang pinakagwapo sa ating dalawa,” singit ni Sean.
“Mga baliw! Kay ate si Leo nagmana dahil siya ang ina. Isa pa ang papangit niyo kaya,” singhal ni Mariel sa kanila bago umirap.
“Hon, ang sakit mo talaga…”
Mabilis ngunit maingat ‘kong kinuha si CD kay Jonas bago tinakpan ang dalawang tenga niya dahil nababatid ko na kung anong sunod na mangyayari.
“Tangina mo, Sean! Huwag ang kapatid ko ang landiin mo. Fuck you, humanap ka ng iba!” galit na sigaw ni Jonas bago mabilis na inilayo si Mariel kay Sean.
Hays, sabi ko na nga ba.
Naiiling akong naglakad habang karga-karga si CD. Nasa dalampansigan kami, hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang araw.
“Mom, can you sing a song?” malambing na sabi niya.
Tumango ako bago sinimulan kantahin ang kantang palagi ‘kong kinakanta sa kaniya noon.
SINGING: You light up my life || Leann Rimes
“So many nights, I’d sit by my window,
Waiting for someone to sing me his song.
So many dreams, I kept deep inside me,
Alone in the dark, now you’ve come along.
And you light up my life,
You give me hope, to carry on.
You light up my days
And fill my nights with song.” I looked at him.Dahil sa kaniya, nagkaroon ako muli ng liwanag sa madilim ‘kong mundo. Nagkaroon ako ng pag-asa na darating ang panahon na matatapos din ang gulong ito.
“Rollin’ at sea, adrift on the waters
Could it be finally, I’m turning for home
Finally a chance to say, “hey, I love you”
Never again to be all alone.
And you light up my life,
You give me hope, to carry on.
You light up my days
And fill my nights with song,” nakangiting kanta ko.Kung hindi man talaga kami para sa isa't isa ni Dave, wala na akong magagawa doon kundi palayain ang sarili. Nandito naman ang anak ko, hahanapin pa namin ang kaniyang ama.
Tama sigurong sa kanila na lang ako magfucos. “You, you light up my life
You give me hope to carry on
You light up my days
And fill my nights with song
It can’t be wrong, when it feels so right... Cause you, you light up my life.” Mahina akong natawa nang makitang natutulog na ito sa balikat ko.Ang bigat mo na baby… “Hey, Bitch.” Napatingin ako sa kaniya at nginisian ito.
“Oh, you're here. So, how's your day with my brother?” inirapan ako nito bago lumapit. Hinalikan niya sa noo ang anak ko.
“Your so bitch talaga. Akala ko pa naman it is true na girlfriend ka niya. You know, aawayin na sana kita,” maarteng sabi ni Heart.
Yes, I know Heart. She's my bitchy friend. Hindi ko nga alam na dito siya napasok sa Villaluna University pero alam ‘kong dito lang din siya sa pilipinas.
Umalis siya sa VU dahil may ipinagawa na lang ako basta at noong nagkabanggaan kami siya dumating.
“So, how's your mission,” seryosong sabi ko matapos maihiga si CD sa kama.
Lumabas kami pareho sa kwarto at umupo sa sofa.
She cleared her throat and give me an brown envelope. “Sabi mo hanapin ko ang pinuno ng mga taong humahanap sayo as a Clea. Nalaman ‘kong hindi lang nag-iisa ang pinuno ng mga ito. And also, they are the Virus Gang, ang lihim na gumagawa ng gulo para palabasin ka at mapatay,” aniya.
“They really want my life huh?” nakangising sambit ko habang nakatingin sa mga litratong hawak ko.
“Of course. Pagnapatay ka ba naman nila ay magagawa nila ang lahat ng gusto nila sa underground kaya di na ‘yon nakakapagtaka.” Sumandal ako sa sandalan.
“Ang lalakas talaga ng loob,” naiiling kong sabi. “But the sad thing is hindi na sila magtatagal sa mundo.”
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
RandomVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...