“Ouch! I’m sorry, okay? Wala lang talaga akong choice kundi sabihin iyon. Ano bang malay ko na nagkita na pala kayo,” sabi ni Kuya Alexis na ikinairap ko.
Asar akong umupo sa sofa dito sa loob ng office ni Tita Kaycee. Kanina habang hinahabol ko siya ay dito siya dumeretso at nagtago kay tita.
Ang walanghiya, ginawa pang harang si tita kaycee kaya ayon nakurit sa bewang.
“Kaasar! Ang ganda-ganda ng mood ko kanina tapos masisira lang pala.” Napahinga ako ng malalim bago lumabas.
“My love, saan ka pupunta?” I sighed and ignored my handsome brother.
Grabe, hindi ba pwedeng bukas naman?
Mahina akong napabunting-hininga at hindi na sana papansinin ang taong nakaharang sa daan ko kung hindi lang ako nito hinawakan.
Wala gana akong tumingin sa kaniya. “What?” tamad kong tanong kay Dave.
Ano bang kailangan ng lalaking ito? Hindi naman mayapat mahal ko siya ay hahayaan ko na lang na saktan niya ko.
Hindi ako gano’n katanga para isiksik ang sarili ko sa buhay ng isang tao, isang taong walang kasiguradohan kung may parte ba ako sa buhay niya o wala.
“Let’s talk, please?”
“Talk? Nag-uusap na tayo. May iba ka pa bang talk na alam?”
“No… I mean, gusto kitang makausap dahil sa nangyari kahapon…” I raise my hand to stop him.
“You know what, Dave, I really don’t understand you. Last time you told me that you love me pero may kasama kang iba. At talaga nga naman oh, fiance mo pa…” bumuka ang bibig niya ngunit wala naman lumabas na salita. “… Tapos kahapon, sinabi ni Alexis na sinabihan mo ko ng malandi. Tangina mo, Dave! Kilala mo ‘ko at kahit kailan ay hindi ako lumandi maliban sayo!” galit na galit kong sabi.
“Baby…”
Umiling-iling ako, hindi makapaniwalang napatawa. “Baby? Pinaglalaruan mo ba ako? Kung oo, please lang lumayo ka na bago pa magdilim ang paningin ko at mawala ang lahat ng nararamdaman ko sayo. Hindi mo gugustohin na maging galit ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo.” mabilis akong tumalikod at doon nakita ang mga istudyante nakikinig pala sa amin.
Hindi ko binigyan pansin ang mga ito kahit rinig na rinig ko ang kanilang mga sinasabi.
Nakakuyom ang isang kamao ko habang nagmamaneho naman ang isang kamay. Hinayaan sarili na dalhin ako kung saan.
Napatingin ako sa paligid at hindi inaasahan na dadalhin ako nito sa gubat kung saan ko nakasama si Dark.
Inabot ko ang maskarang dala ko. Isinuot ito bago lumabas. Nang masiguradong walang nakasunod sa akin ay tinahak ko ang daan papunta sa tree house.
Tahimik ang paligid nang makalapag ako sa tree house. Kumatok ako ngunit walang sumagot kaya naman kinuha ko ang susing ibinigay sa akin ni Dark kaninang umaga.
Sabi niya, maaari akong pumunta dito hanggat nais ko.
Pumasok ako sa kwarto niya. Ibinagsak ang sarili sa kama bago pumikit. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang eksena kanina.
Tumulo ang luha sa mata ko na mabilis kong pinunasan. Ilang ulit ko iyon ginawa ngunit patuloy parin ito sa pagtulo.
“Kahit anong gawin ko, nasasaktan parin ako. Damn you, Dave! Kasalanan mo ‘to.” Humikbi ako, hinayaan ang sariling maging mahina.
Wala naman masama kung maging mahina tayo kahit minsan di ba? Hindi naman mayapat malakas na tayo ay hindi na natin kaya umiyak. Minsan kung sino pa nga ‘yong mukhang malalakas sila pa ‘yong grabe umiyak at masaktan.
Katulad ko, mukha man akong malakas at mapagbiro sa pareho kong katauhan ngunit hindi parin natin maaalis ang pagiging mahina ko.
Niyapos ko ang sarili at hinayaan na lamunin ng antok.
RAMDAM ko ang presensyang nakaupo sa kama. Nasa gilid ko ito at nakatitig sa akin. Hindi ko man kita ngunit mabilis kong iginalaw ang kamay at pinigilan ang kamay niyang hahawak sana sa maskara ko.
Gulat itong napatingin sa akin. Katulad kahapon, nakasuot din ito ng maskara.
“Anong ginagawa mo?” malamig kong tanong.
Inilayo niya ang kaniyang kamay gano’n din ang sarili. “Pupunasan ko sana ang luha na nasa pisnge mo. Hindi ko nais itong makita dahil pakiramdam ko, may mabigat kang dinadamdam. Hindi gano’n ang kilala ‘kong Queen Clea kaya nais ko sanang alisin,” seryoso niyang sabi.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. “Queen Clea? Yeah, I’m strong but weak at the same time,” naiiling akong tumingin sa kaniya. “Kahit gaano pa ko kalakas sa paningin niyo ay hindi parin nun matatakpan ang mahina kong katauhan. Hindi sa lahat ng oras kakayanin ko ang hirap at sakit.” Tumayo ako sa kama at lumabas sa kwarto.
Ilang saglit lang din ay lumabas siya sa kwarto. Pumasok sa kusina at lumabas na may dalang can in beer. Tinanggap ko ang inabot niya.
“Tama ka. Hindi sa lahat ng oras malakas tayo.” Tumitig ito sa ceiling.
Pinagmasdan ko siya. Mukha itong may malalim na iniisip. Kung papansinin, ganiyan din ako. Sa tuwing tumutulala ay marami ng tumatakbo sa isip. Imbes na maging payapa ay lalong gumugulo.
Uminom ako sa beer at nang maubos ito ay kumuha naman ako sa kusina. Tatlo ang dinala ko, inilapag sa lamesa.
Sunod-sunod kong ininom ang tatlong iyon na para bang simpleng tubig lang iyon.
“Hey, stop it. Baka malasing ka mamaya,” nag-aalalang pigil ni Dark na nginisian ko lang.
“Come on, don’t stop me. Hayaan mo muna akong maglasing hanggang sa matumba ako… oh, ‘wag kang gagawa ng kalokohan sa akin dahil mapapatay kita.” Tinaas niya ang dalawang kamay at tumango-tango.
Nang pumasok siya sa kusina at makalabas ay may mga beer na itong dala na mabilis ko naman ininom. Wala akong pakialam ngayon kung anong mangyayari sa akin basta maalis lang kahit saglit ang sakit na nararamdaman ko.
DARK’S POV
Mariin akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko inaakalang makikita ko siya sa ganitong katayuan. Masyado siyang wasak ngayon na tila ba dala-dala ang buong mundo.Sino naman kaya ang walanghiyang nanakit sa kaniya? Nais ko itong sapakin at tanungin kung bakit sa dinami-dami ng tao ay ang reyna pa ang kaniyang sinaktan.
“Ops…” umawang ang labi ko at gulat na napatitig sa kaniya.
“W-why did…” hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa pagkabigla.
Bumungisngis ito bago sumandal sa dibdib ko. “Hihi.. Sorry, dark but I can’t stop it. Mukha kasing masarap ‘yang labi mo,” parang bata niyang sabi.
Damn, lasing na ba ‘to?
Bumaling ako sa lamesa at mahinang napamura nang makitang naubos nito ang dinala ‘kong beer. Binilang ko lahat ng latang nakakalat. 1.. 2.. 3.. 4…. Ehem, 15 na lata. Tangina!
“Geez, gusto ko pa! Wala ka na bang stock?” rinig kong sigaw nito mula sa kusina.
Gagu, bakit ko ba hinayaan uminom iyon? Napahampas ako sa noo nang makitang nakanguso ito sa ref na bukas.
Mabilis ‘kong sinalo ang kamay niyang susuntukin sana ang mahiwagang ref ko.
“Shit! Clea, huwag ang ref ko. Mapapatay ako ni mommy pag nasira ‘yan.”
Tumingin siya sa akin. Itinaas ang dalawang kamay at parang bata na nagpabuhat sa akin.
“Ako pala ang childish huh?” naiiling kong sabi matapos siyang maihiga sa kama at makumutan.
Finally, makakapagpahinga na din… “Ano na naman?” busangot ‘kong sabi nang kumapit ang kamay niya sa braso ko at pigilan ako sa pagtayo.
“Don’t go, stay please?” pikit niyang sabi at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.
Napahinga ako ng malalim bago humiga sa tabi niya. Tumitig lang ako sa maskara niyang itim na may rosas sa gilid ng mata.
Hinaplos ko ito. “Napakaganda. Mahilig ka ba sa rose, Clea?” huling sabi ko bago nakatulog
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
De TodoVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...