CHAPTER 20: Son

98 9 1
                                    

JAYCELLE'S POV
“Should we tell her, Jonas?”

“I think we should. Mas magandang alam ni Princess ang tungkol dito,” rinig kong sabi naman ni Jonas.

Ano bang pinag-uusapan nila?

“Pero alam mo at nakita mo kung gaano siya nasaktan dahil kay Dave… Tapos malalaman natin ‘to?! Tangina! Panigurado akong mas doble ang sakit nito at hindi na lang siya ang masasaktan kundi pati na din si…” napatingin sila sa akin nang itulak ko ang pinto.

Gulat na humakbang palapit sa akin si Sean. “Babe…”

I shook my head and looked at them, curiously. “Anong dapat ‘kong malaman na ikasasakit namin dalawa ni CD?” they looked at each other.

“Jaycelle, you need to know that…” nagsign ako sa kaniya na saglit gawa bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

Inabot ko ito at kinabahan nang makita ang pangalan ni Mariel.

“Mariel?” napatingin sa akin ang dalawa kaya naman ini loudspeaker ko.

“A-ate…”

“Mariel, may nangyari ba?” kalmado ‘kong tanong kahit sobra na akong kinakabahan.

“Ate, inatake si CD ng allergy niya! H-hindi ko sinasadya, hindi ko alam na may peanut pala ‘yong…” hindi niya naituloy pa ang ibang sasabihin dahil sa pag-iyak.

Nanginig ang kamay ko at mabilis na tinampot ang susi ko. “Wait for us. Pupunta kami diyan,” sabi ko bago ibinaba ang tawag. “Sean, call my dad and tell we will use his private jet. Jonas, call tito karl. Update him.” Sabay silang tumango at inilabas ang kaniya-kaniyang cellphone.

Mabilis kaming nakapasok sa loob ng airport with the help of my tito karl. Kaya pinatawagan ko ito kanina para hindi kami magkaaberya sa labas ng airport.

“I don’t know what happened. Nagulat na lang ako nang tawagan niyo ko at ipahanda ni kuya alexious ang private jet niya. Go, pumasok na kayo, nandiyan na ang piloto sa loob.” Salubong ni tito Karl.

“Thanks, tito.”

He smiled and kissed my cheek. “Anything for my niece. Take care, okay?” I nodded and go inside.

“Hey, are you okay?” umiling ako ngunit hindi sila binabalingan ng tingin.

Mukha man akong kalmado ngunit sa loob-loob ko, nais ko ng magwala at sisihin ang sarili na wala ako sa tabi niya. Wala ako sa tabi ng anak ko habang naghihirap.

Nasasaktan ako at sobrang nag-aalala.

Naalala ko noon, 2 years old palang siya nang malaman namin na may allergy siya sa peanut na muntik na niyang ikawala sa piling ko. Sa tuwing kumakain siya ng peanut ay nahihirapan siyang huminga to the point na pag hindi agad naagapan ay maaari niya itong ikamatay na siyang ikinatatakot ko.

Pumikit ako nang iharap ako ni Jonas sa kaniya at ihilig sa dibdib niya.

“Shh, tahan. Huwag kang umiyak. Alam natin pareho na malakas ang inaanak namin. Hindi siya basta-basta susuko kaya tatagan mo ang sarili mo. Nandon si Mariel, hindi niya hahayaan na mawala sa atin si Leo,” pagpapakalma niya.

Humina ang hikbi ko ngunit patuloy parin ang luha ko sa pagtulo.

NANG makalapag kami sa airport dito sa Palawan ay hindi na kami nagsayang ng oras at mabilis na nagbyahe sa hospital kung saan dinala ang baby ko.

“Nurse, anong room ng batang dinala kanina na inatake ng allergy? Mga 2: hours ago na,” tanong ni Sean.

Mabilis na cheneck nito ang record. “Nasa room 27 po, private room at the third floor,” sabi ng nurse.

“Thank you.”

Tinahak namin ang elevator at mabilis na pinindot ang number 3. Nilalamig ang kamay ko kaya hinawakan ito ni Jonas at pinisil.

“Calm down. Okay na daw si Leo sabi ni Mariel kaya wala ka ng dapat ipag-alala.”

Huminga ako ng malalim bago naunang pumasok sa loob. Napatayo si Mariel at mabilis na lumapit sa akin ngunit nasa batang nakahiga lang sa kama ang tingin ko.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni Mariel nang lagpasan ko siya. Hindi ko sinasadya iyon sapagkat nais ko na talagang malapitan ang anak ko.

“Hayaan mo muna si Jaycelle. Masyado siyang nag-alala kaya ganiyan ‘yan,” rinig kong sabi ni Sean.

“Okay lang, naiintindihan ko si ate.”

Hinawakan ko ang maliit niyang kamay, hinalikan ito ng ilang ulit. Naiiyak ako nang makita ang mga pula sa mukha at katawan niya. Ang oxygen sa bibig niya na sumusuporta sa kaniyang paghinga.

Pumikit ako… “Mommy… you’re here,” mahinang usal na nagpaiyak lalo sa akin. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawasak ang puso ko higit pa sa sakit na naramdaman ko sa lalaking nanakit sa akin.

“My baby… Yes, mommy is here. Hindi na aalis si mommy sa tabi mo. I’m sorry.” Tumaas ang maliit niyang kamay at pinunasan ang luha sa pisnge ko na ikinahikbi ko.

“M-mommy, don’t cry. Look at me, I’m strong and I can still kick my dad once we find him,” mahina niyang sabi.

Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang buhok. “Yeah, you’ll kick your dad once we find him. So, pagaling ka para sabay natin siyang hahanapin,” malambing kong sabi.

Isasantabi ko ang pagmamahal ko kay Dave para lang mabuo at magkaroon ka ng pamilyang nababagay sayo, anak.

Gagawin ni mommy ang lahat huwag ka lang masaktan.

Marahan siyang tumango at pumikit. “I love you, mommy.”

“I love you too, my baby.” kissed his forehead and let him sleep.

Nang masiguradong tulog na siya ay tumayo ako at humarap sa kanila. “What happened, Mariel?” kalmadong tanong ko.

Lumunok si Mariel, kinakabahan na nagsalita. “Nasa restaurant kami ate, kumakain. Alam ko at tama naman lahat ng inorder ko na walang peanut na kasama pero no’n dalawang subo palang ni Leo sa pagkain niya ay nalaman kong may peanut sa loob…” Kumunot ang noo ko nang maramdaman na parang may mali.

“Pareho ba kayo ng pagkain na kinakain?” tanong ni Jonas.

Tumango si Mariel. “Opo, kuya. Palagi kaming magkapareho ng pagkain para safe…” napahinto siya at nanlaki ang mata. “Ate, kuya… wala akong naramdaman na peanut sa kinain ko!” bakas ang takot sa boses niya.

Nagkatinginan kaming tatlo. “It’s not an accident. They are trying to kill my son,” galit kong sambit.

“But the question is, who?” biglang sambit ni Sean.

Napaisip ako. Sino sa mga iyon? Ang taong kalaban nila Mommy o ang mga taong sumugod sa akin noon?

Nakakuyom ang kamao ko nang may mapagtanto. “Ang mga taong humabol sa akin noon sa iskinita ay nakilala ako kahit wala naman akong suot na maskara at alam din nila na may anak ako.” Huminga ako ng malalim, tumingin sa bintana. “Sa kaaway naman nila mom, hindi na ‘ko magtataka kung alam talaga nila. Hindi basta-basta ang mga iyon,” dagdag ko.

“Hindi kaya iisa lang sila?” tumingin ako kay Jonas at napaisip.

“Maaari ‘yon. But for now, anong plano mo?” tanong ni Sean.

Muli akong bumaling sa bintana. “May ipapagawa ako sa inyong dalawa, isama niyo ang mga tauhan natin sa palasyo. Patayin niyo lahat ng may alam sa underground na may anak si Clea at kung sino ang nakalusot upang makilala ang tunay ‘kong katauhan.” Tinitigan ko sila sa mata. “Linisin niyo ang pangalan at tunay kong mukha sa underground,” seryosong sambit ko.

“Masusunod, Queen Clea.”

Hindi ako papayag na makilala niyo ‘kong lahat at idamay muli ang nag-iisa ‘kong kayamanan. Galawin niyo na ang lahat huwag lang ang batang nagbigay kulay sa mundo ko.

“Magbabayad sila, anak. Malaking kasalanan ang ginawa nila sayo na buhay ang dapat na kapalit, buhay nilang lahat.”

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon