This is it. Ngayon na ang araw na pinaghandaan naming mga player. Hindi man halata ngunit excited din ako maglaro.
"Captain, hinahanap ka ni Coach." Napabaling ako sa isang kagrupo ko.
"Where?" itinuro niya si Coach na kausap ang coach ng ibang team.
Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit. "Gano'n na nga. Dalawang araw lang ang laro kaya panigurado pagtalo, talo agad," rinig kong sabi ni Coach Gen, coach namin sa ibang coach.
"Coach Gen," tawag pansin ko. Bumaling sila sa akin at nakita ko ang pagtingin nilang may ibang kahulugan, hindi bastos ngunit kagustuhan na sana ay kateam nila ako.
"Oh, Jaycelle mabuti nandito ka na. Halika, nais kang makilala ng ibang coach."
Bumaling ako sa kanila, ngumiti at maliit na yumuko. "Good day, Coaches. I'm Jaycelle Villaluna but you can call me Jay po," nakangiting pakilala ko.
Isa-isa silang nagpakilala din. Dalawang babae at isang lalaki ang coach na ito. Kaya bale apat ang coach ng volleyball gano'n din sa basketball.
"So, good luck, Captain Villaluna. We'll watch your game later." I nodded and smiled to them.
After that small talk, bumalik kami ni Coach sa team at sandaling nag-usap para sa laro. Hindi naman gano'n kinakabahan ang grupo dahil mas lamang sa amin ang pananabik.
Sinong hindi mananabik kung ngayon taon ay maglalaban ang college and senior high sa volleyball. Hindi na lang Basketball kaya nakakaexcite talaga.
Dahil nga sa nalaman kong iyon ay nagtanong-tanong ako kung sino ang champion sa college. Sabi, nakagraduate na ang captain ng dating nanalo ngunit ang mga kateam nito ay second and third year student.
"Good morning, everyone. Alam kong lahat ay nananabik sa larong magaganap. Hindi lang dahil sa maglalaban na ang college and senior high. Isa din sa dahilan ay nagkaroon na ng representative ang Section AB sa volleyball. Let's see and watch. Now, let's start the Villaluna University Intramural 2022!" nagsiingayan ang lahat ngunit ako ay nananatiling tahimik.
"Princess, good luck!" ngumiti ako sa kanilang dalawa at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
Masyado ko silang namiss, palagi ba naman mga busy sa practice. Hindi din naman kami sabay sabay umuwi, hinahatid na kasi ako ni kuya eko. Yes, nakabalik na siya at okay na din ang kaniyang asawa. Nagpapagaling na lang sa kanilang tahanan.
Huminga ako ng malalim at pilit na iniiwasan ang malungkot. Walang Dave akong nakita ngayon, isang linggo na din kasi simula ng magkita kami at magkasama. Sa condo pa yon.
Nagpaalam ako kila Sean na magccr. Tumango sila, hinalikan ako sa noo bago bumalik sa pwesto nila.
Naglakad ako palabas ng gym at dumeretso sa cr. Papasok palang sana ako nang may humila sa akin at dinala ako sa isang cubicle.
Lalabanan ko na sana kung hindi ko lang naamoy ang pamilyar na pabangong iyon.
Pumikit ako at dinama ang kaniyang presensya. Pumalibot sa aking bewang ang kaniyang braso. Sumigsik ito sa leeg ko at pinatakan ng magagaan na halik.
"Baby... I miss you so damn much," malambing niyang bulong na ikinataas ng balahibo ko.
Ohmygod! Masyadong malakas na ang epekto niya sa akin na tipong baka hindi ko na kayanin kung magkalayo pa kami pero alam kong darating ang araw na...
"Are you mad? Hey, talk to me." Humarap ako sa kaniya, hinaplos ang maputi niyang pisnge ngunit saglit akong natigilan.
No, mali ang iniisip ko. Napailing ako ng ilang ulit bago muling tumingin sa kaniyang asul na mata.
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
RandomVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...