Dalawang araw na simula nang gumaan ang pakiramdam nilang tatlo. Dalawang araw na din na tila naging mailap sa akin si Kuya Dave. Hindi ko alam kung bakit siya naging gano’n na lang bigla. Hindi ba dapat ako ang maging mailap dahil siya ang humalik sa akin? Aba, tapos siya pa itong lumalayo.
Tss, nakakaasar. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari noong nakaraan. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni kuya Dave. Kilala ko siya e, kahit na masyadong bulgar minsan ang kaniyang bibig sa harapan ko ay hindi ko inaakalang magagawa niya talaga iyon.
Hays, naiistress ako! Tinitigan ko ang sarili sa salamin at mahinang napabuntong-hininga nang makitang walang emosyon ito. Naging ganito na naman ako. Anong gagawin ko?
Huminga ako ng malalim at sinubukan ang ngumiti ngunit hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Tila ba isa akong taong handa ng pumatay dahil imbes na ngiti ang gumuhit ay isang ngising mapaglaro.
“Jaycelle…” napatingin ako sa salamin at nakita ang nanlalaking mata ni Sean habang nakatingin. Umiling-iling ito at mabilis na tinawag si Jonas.
“Ano ba naman?! Ang aga-aga, sigaw ka nang sigaw,” naiinis na reklamo ni Jonas.
Nakatingin lang ako sa kanila gamit ang salamin kaya kitang kita ko parin ang nababahalang tingin ni Sean.
“Jonas, bumabalik na naman.” Kumunot ang noo ni Jonas ngunit napamura ito nang maintindihan kung ano ang nais iparating ni Sean.
“Princess, come here.” Nang makalapit ako sa kaniya ay mabilis niya akong niyakap at hinagod ang likod.
“Nakakatakot na naman ba ang mga tingin ko?” mahinang bulong ko.
Ramdam ko ang paglapit ni Sean at paghaplos sa aking buhok. “No, it’s fine. Tell me, anong nangyari? May nagbabanta na naman ba sa kaligtasan natin?” kalmado niyang sabi.
Mahina akong tumango at inalala ang nangyari kagabi habang naglalakad ako sa labas.
Matapos akong halikan ni Kuya Dave kahapon ay bigla na lang itong umiwas sa akin. Hindi naman literal ngunit ramdam ko ang pagsisisi niya.
Hays, ang buhay talaga lagi na lang may pagsisisi. Bakit ba naman kasi ginawa niya kung magsisisi naman pala siya? Tss.
Lumakad ako papasok sa loob ng convenient store. Gabi na ngunit hindi ako makatulog kaya naisipan kong bumili ng makakain dito sa labas.
Kahit alam kong delikado ay lumabas pa din ako. Huwag lang sana itong makaabot sa taong ugok kung ayaw kong malagot.
Matapos kong mabayaran ang bili ko ay nagsimula na muli akong maglakad sa labas. Balak ko na sana bumalik sa condo ngunit may nararamdaman akong sumusunod sa akin.
Hays, buti na lang nakahood ako.
Hindi ako nagpahalatang ramdam ko na sila. Nagdiretso lang ako at pumasok sa madilim na iskinitang nakita ko.
“Gago, nawala. Nasaan ang babaeng iyon?”
“Anong kailangan niyo sa akin mga tanga?” tanong ko na hindi umaalis sa pagkakasandal sa pader.
“Nasaan ka? Lumabas ka!” napaismid ako at tamad na lumabas sa pinagtataguan.
“Pare, tama nga tayo ng sinundan. Nandito si Cle—”
“Daming dada.”
Sumama ang tingin nila sa akin ngunit ilang saglit lang ay nagtawanan sila. “Haha, masyado ka talagang matapang. Ganiyan ka pa kaya katapang kung sabihin namin na hawak namin ang an—”
Nandilim ang paningin ko at mabilis na lumapit sa pwesto nila. Sinapak ko ang lalaking nagsalita at mabilis na sinipa ang lalaking susuntok sana sa akin.
Paano nila nalaman ang tungkol sa kaniya?
Tinitigan ko ang lalaking hawak ko. Idiniin ko ang pagkakasakal sa kaniya.
“P-pakawalan mo ko. H-hindi t-totoo a-ang a-aking s-sinabi.” Hindi ko napigilan ang sarili at isa-isa silang pinababato ng dagger na pag-aari ko.
Lahat sila ginuhitan ko ng C bago umalis sa lugar na iyon na para bang walang nangyari.
“What?!” bakas ang galit sa mukha nilang dalawa ngunit may bakas din ng pag-aalala.
“Paano nila nalaman na nandito tayo sa bansa? At talagang alam na din nila ang tungkol sa kaniya.”
“Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako na baka totoong nasa kamay nila siya.” umiiyak na tumingin ako sa kanila. “Hindi ko kakayanin sa oras na madamay siya.”
Rinig ko ang pagbuntong-hininga nila bago ako ikulong sa kanilang bisig. Tahimik lang akong umiiyak hanggang sa maging kalmado ako.
Itinunghay ni Jonas ang mukha ko. “Princess, huwag kang mag-alala, tatawagan ko si Mariel para hindi ka na mabahala. Alam kong ligtas siya at hindi nila siya pababayaan. Kaya ngumiti ka na, baka kung anong isipin ng makakakita sayo.” tumango ako at hinayaan na silang lumabas ng kwarto ko.
Nanatili ako ng ilang minuto pa bago lumabas. Pahinto nga lang ako sa pagkabunggo ko.
“Baby…” napatunghay ako sa kaniya, nakangiti ito ng maliit ngunit hindi ko iyon binigyan pansin.
Tumango lang ako at lumagpas sa kaniya. Akala mo ayos na tayo? No way! Hindi mo ako pinansin kahapon kaya magsisi ka.
“Baby, I’m sorry,” nagsusumamo itong humawak sa kamay ko na inalis ko naman. Lumapit ako kay Sean at tumabi sa kaniya sa backseat.
Kita ko ang pagbuntong-hininga ni kuya. “Anong nangyari? Bakit pakiramdam ko may hindi kayo sinasabi sa amin?” inirapan ko lang si Sean at hindi nagsalita.
“Anong ginawa mo kasi sa kaniya dude? ‘Yan tuloy hindi ka pinapansin. Kawawang Dave.” Rinig ko ang pagmumura ni Kuya Dave ngunit tinatawanan lang ng dalawa.
Dumeretso ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Tahimik lang akong nakatingin sa labas hanggang sa harangan ito ni AJ.
“What?” takang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko. “Good morning, Jay. Here’s cupcakes, gawa ng lola ko.” Napatingin ako sa box na ipinatong niya sa table ko.
Anong meron? Bakit bigla na lang ngumiti at nag-good morning ang isang AJ Miller? May pa gift ang captain.
Nakibit-balikat na lang ako. “Good morning din and thank you!” ngumiti siya bago pumunta sa kaniyang pwesto.
Natanaw ko ang pagdadrama ng mga kaibigan niyo kesyo bakit daw sila ay walang cupcakes e matagal na naman daw silang magkaibigan.
Hindi ko na lang sila pinansin at itinabi na lang ang cupcakes. Mamaya ko kasi balak kainin, pagrecess na o kaya naman after ng practice namin.
Nakita ko pa naman ‘yong mga design, ang gaganda mukhang nageffort ang lola ni AJ.
Recess na kaya naman magkakasama na naman kaming apat. Sumakto kasi ngayon na recess din ni kuya kaya nakasabay siya sa amin hindi tulad nitong nakaraan na tuwing lunch lang.
Inilabas ko yong cupcakes na galing kay AJ at tinikman. Napapikit ako sa lasa.
“Ang sarap!” masiglang sabi ko.
Tumingin si Sean sa box ng cupcakes at humingi. Tumango lang ako at hinayaan silang kumuha. Nagtaka ako kung bakit hindi kumukuha si Kuya Dave at talagang masama pa ang tingin niya.
“Ikaw, ayaw mo?” umiling ito at asar na kumagat sa burger na binili niya.
“Kanino galing yan?” tanong niya sa malamig na boses.
Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot. “Kay AJ, ‘Yong kaklase namin.” Nakita ko ang pag dilim lalo ng tingin ni Kuya Dave na hindi ko mawari kung bakit.
“Tss, mas masarap naman labi ko diyan.” Bulong niya na ikinasamid ko.
“Dahan-dahan lang, Babe. Hindi ka naman uubusan.” Umubo-ubo ako ngunit ang tingin ko ay na kay kuya Dave na nakangisi sa akin.
Ohmygod!
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
AléatoireVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...