Chapter 33 : Happy ending?

61 3 0
                                    

Yong akala mo tapos na tapos biglang darating yong isang bagay na hindi mo inaasahan, isang pangyayari na muntik ng ikaguho ng mundo mo.

Nandito kami sa hospital, sa mismong labas ng Emergency Room. Hinihintay lumabas ang doctor na siyang umaasikaso kay Mommy.

“Kuya Alexis, anong nangyari? Paanong may tama si Mom?” takang tanong ko.

Sa pagkakaalala ko, sila ang nakabantay kay Mom at sila rin ang magtatakas dito ngunit paanong nangyari ito?

Tiningnan ako nito at yumuko. “Akala okay lang sila sa loob dahil pantay naman ang laban kaya sumaglit lang ako sa labas para tumulong ngunit pagbalik ko, may tama na si Mom sa likod. Hindi ko alam kung paano, pasensya na. Sorry, kasalanan—” napahinto si Kuya nang magsalita si Dad.

“Tumigil ka, Alexis. Hindi mo kasalanan, walang may kasalanan kundi ako dahil hindi ko alam na may taong kasama pa pala ang mag-asawa at ako ang pinuntirya. Hindi ako nakailag kaya sinangga ng nanay niyo.” bumuntong-hininga si Dad.

Magsasalita pa sana ako nang dumating sila Tito kasama ang mga asawa nila.

“What happened?” pinaliwanag ni Kuya kila Tito ang nangyari habang ako ay nasa tabi ni Daddy, nakaupo.

Wala rito sila Dave dahil pinapunta ko na ito sa mansion ni Lolo rito sa Pilipinas upang pagpahingahin abg mga bata.

Masyado na kasing gabi at hindi na maganda kung daldalhin pa sila hanggang dito. Ayaw man ni Dave ngunit wala na naman siyang magagawa.

Tumingin ako sa kaliwang bahagi ko. Nakaupo sa isang tabi sila Jonas na tila ba ay pagod na pagod na. Naalala ko, nandito nga pala si Mariel.

“Jonas, hindi mo ba pupuntahan muna si Mariel? Okay lang naman kung iiwan niyo muna ako rito.” nag-aalangan ito kaya nginitian ko siya. “Come on, puntahan mo muna ang kapatid mo.”

Niyakap ako nito. “Thank you, Queen. Babalikan kita, pupuntahan kita mamaya.” tumango ako at pinagmasdan siyang mawala sa paningin ko kasama si Sean.

Hindi ko maiwasan ang maiyak dahil sa nangyari. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod, pagod sa lahat ng nangyari. Simula noong nawala si Lola at mabaril ako sa dibdib. Ang pagdala sa akin sa ibang bansa at ang pagkakaroon ko ng anak sa murang edad.

Simula noong bumalik ako rito sa Pilipinas at nagsimula ang plano kong hanapin kung sino ang dahilan ng lahat. Nakilala ang buong last section na kung saan nandon pala si Kuya Alexis.

Ang pagbabalik namin bilang Trio De Chaos upang magpataw ng parusa sa mga pasawayna gangster.

“Doc, how's my wife? Is she okay?” tanong ni Dad na mabilis kong ikinatayo. Lumapit ako sa kanila at nakinig.

“Mr. Villaluna, okay lang po si Mrs. Villaluna. Kaunting pahinga lang ang kailangan dahil wala naman tinamaan na kahit na anong sensitive part sa katawan niya which is good news. Anyway, hintayin niyo na lang po na dalhin siya sa private room niya.” ngumiti ito bago nagpaalam.

Napatingin ako sa taas at nagpasalamat. “Dad, okay na si Mommy. Sabi na, malakas talaga siya at siguradong magagawa pa niyang kuritin ang bewang namin ni Kuya.” natatawang sabi ko.

Umakbay sa akin si Kuya. “Tama, baka nga habulin pa tayo nun ng palo.” natawa kami bago sumama sa nurse na maghahatid kay Mommy.


TATLONG araw na si mom na tulog ngunit sabi naman ng Doctor ay baka mamaya gising na ito.

Ako ngayon ang bantay dahil umuwi muna si Dad para kumuha ng damit at makapaligo ng ayos. Naubos na kasi ang dinala namin na damit niya dahil iilan lang naman ito.

“Mom, gusto ko pong sabihin sa inyo na okay na kami ni Dave. Buo na muli ang pamilya namin at kayo na lang ang hinihintay para makapagsimula ng bago.” mahinang sabi ko habang hawak ang kaniyang kamay.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Mom.

Omg! “Mom, gising ka na!” nakangiting saad ko.

“Ay h-indi, tulog pa ako.” napangiwi ako sa sinabi niya. Naiiling kong kinuha yong tubig at inabot sa kaniya.

“Ewan ko sayo, Mom. Kahit kailan ka talaga. Wait lang po, tatawagin ko muna ang Doctor mo.” tumango ito sa akin bago sumandal sa kaniyang higaan.

“Mrs. Villaluna, katulad po ng bilin ko, kailangan niyong magpahinga pa ng ilang araw sa inyong bahay at uminom ng mga gamot na ibibigay ko sa inyo. Babalik din po kayo after ng tatlong linggo para icheck ang tahi sa likuran niyo.” tahimik kaming nakikinig habang si Dad naman ay iyon, nandon sa tabi ni Mommy.

Akala mo nga ay iiwan siya ni Mom dahil ayaw nito lumayo o kaya naman bitawan man lang ang kamay ni Mommy.

Alam niyo pa ang nakakatawa, iyong bigla itong dumating na may magkaibang medyas dahil nagmadali raw siyang pumunta noong sinabi ni Kuya na gising na si Mommy.

Kaya tingnan mo, kulay puti ang kanan habang yellow naman ang kaliwa. Paanong nagkaiba pa iyon e kalayo ng ng kulay? Natawa na nga lang kami ni Mommy noong narinig iyon.

Nagstay pa ng isang araw si Mom bago umuwi sa mansion.

“Mamitaaa!”

“Devon, don’t run!”

Napabaling kaming lahat sa dalawang tao na ngayon ay lumalapit sa amin. Isang batang natakbo habang nasa likod nito ang ama niyang kinakabahan.

Sinamaan ko ng tingin si Dave. “Bakit mo hinayaan na tumakbo iyon? Paano kung madapa...” napahinto ako ng halikan ako nito sa labi na ikinakurap ko.

Gulat akong bumaling kila Mom na ngayon ay busy sa kanilang apo. Makakahinga na sana ako nang makita ko si Kuya na ang sama ng tingin sa amin.

Napangiwi ako bago pasimpleng kinurot si Dave. Bwesit talaga, mapapahamak pa ako.

“Cleo Devon, nasaan ang hug ni Mommy?” nakangiting sambit ko.

Tumingin ito sa akin at mabilis pinulupot ang kaniyang braso sa leeg ko. Ramdam ko ng tawa niya habang nasa loob ng bisig ko.

“Why is my baby so happy?”

Ngumiti siya. “I got new toys po from Daddy and Tito Alexis.” masayang sambit niya habang nakataas ang kamay.

Natawa ako at ginulo ang kaniyang buhok. Binuhat ko siya para dalhin sa dining area. Kakain kami ng tanghalian at mukhang gutom na rin ang baby ko.

Habang nasa lamesa kami, hindi ko mapigilan ang matuwa sa saya habang nakatingin sa kanilang lahat. Buo kami, nandito si Lolo na father ni Mommy, si Mamita at Lolito na parents ni Daddy, ang magulang ko, si Kuya Alexis at ang tatlong nakasama ko para mag-alaga kay CD, sila Mariel, Jonas, Sean, at syempre ang mag-ama ko.

Kumpleto kami at ito ang masasabi ko na matagal ko ng hinihintay.

Napatingin ako kay Dave nang hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti ito ng malaki habang kalong-kalong niya si CD.

“Thank you for accepting me. I love you, Baby.” i smile at kiss his cheeks.

“I love you, always. Mahal ko kayong dalawa ni Cleo. Walang sino man ang makakapigil na mabuo tayo.”

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon