CHAPTER 15: Hurt

99 8 7
                                    

Matapos ang laban ay dumeretso naman kami sa kabilang gym. Inabangan ang laban nila Sean kila Dave.

“Hey, dito ka na umupo.” Ngumiti ako kay Kuya Alexis bago sumandal kay Sean na siyang umupo sa tabi ko.

“How are you, Babe?” napangiwi ako sa callsign na iyon. Ngayon lang ako nabadtrip sa pagtawag sa akin ni Sean na mukhang napansin niya. “Ayy, sorry,” hingi niya ng pasensya na inilingan ko lang.

“Uhm, I’m fine.”

“I have a gift for you.” Napatunghay ako sa kaniya at excited na naghintay.

“What is it?”

“Pwede natin siyang puntahan sa susunod na linggo. Katulad nga ng sinabi mo, dinala siya ni Mariel dito sa pilipinas at nasa palawan sila ngayon. So, puntahan natin?”

Napangiti ako ng malaki at natutuwang niyakap siya. Finally, makakasama ko na ulit siya.

“Yes, thank you, Sean!”

He smiled and kissed my forehead. “Anything for my sister.”

Wala man noon si kuya sa tabi ko ngunit nandito naman sila Sean na kapatid kung ituring ako. Silang dalawa ang gumagabay at nag-aalaga sa akin nang dalhin ako sa Newyork. Nagpasalamat nga ako na nangyari iyon dahil naitago ko siya ng maayos at naiiwas sa panganib.

ILANG minuto lang ay nagsimula na ang laro. Simula palang ngunit nagkakainitan na ang laban na ikinahihiyaw ng mga manunuod.

Sa nakikita ko, masasabi kong magagaling sila kahit pa hindi ako naglalaro. May alam naman ako sa basketball kaso batay lang iyon sa mga napapanuod ko at naririnig kila Sean.

Napangisi ako nang makuha ni Kuya Alexis ang bola na ipinasa ni Jonas. Naghanap si kuya na pweding pagpasahan dahil hinaharangan siya ngayon ni Dave na may galit yata sa kaniya.

Nang walang mahanap ay pwesto siya ng ayos, lumayo kay Dave bago mabilis na inihagis ang bola sa ring.

“NICE ONE, ALEXIS!” sigaw ko at nakisabay pa sa pagsigaw ng mga kateam mate nila.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Dave. Mas lalong sumama ang kaniyang tingin kay Kuya na ikinasama ng mukha ko.

Anong karapatan niya para samaan ng tingin ang kuya ko? Sino ba siya?

Humingi ng break ang kabilang grupo kaya nang lumapit si kuya sa akin ay inabutan ko siya ng inumin ganoon din sila Jonas.

“Wow, sweet ka?” pabirong inirapan ko si Arvin, isa sa kateam at kaklase namin bago siya hinalik-halikan sa mukha na ikinalayo niya at kunwareng naaasar na tingnin ako.

Hindi ko nababanggit ngunit ayaw nito sa babae, hindi naman siya bakla kaso may trauma yata sa babae. Nasabi nga sa akin nila Blue na ako ang unang babae na hinayaan niyang lapitan siya kahit yakapin pa.

“Arte naman nito! Ako na nga ang humahalik sayo, ayaw mo pa,” nakangusong sabi ko.

Naiiling itong umakbay sa akin bago hinila palapit sa kaniya. “Damn, galing mo talaga magpaawa. Hays, ano bang pinakain mo sa akin kaya nilalapitan kita?” ginulo niya ang buhok ko bago lumapit kila Blue na kanina pa siya tinatawag.

“Oh, hindi ka now lalaro?” takang tanong ko kay Jonas na umupo sa tabi ko.

“No. Hinayaan ko muna si Arvin, mamaya na lang ulit ako,” he said.

Nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako sa kaniyang lalabas muna. Dumeretso ako sa may cr na malapit lang dito.

Matapos ay nagsalamin ako. Naghuhugas ako ng kamay nang pumasok ang babaeng nakaaway ko kanina, ang ina ng anak ni Dave.

Hindi ko ito pinansin ngunit sadyang hindi ito nadala kanina. Naghahanap ng round 2 e?

“Miss Villaluna…” tiningnan ko siya sa mata. “Nandito na ‘ko, kaya maaari bang lubayan mo na ang Fiancée ko? Hindi ko nanaisin na ikaw ang sumira sa pamilyang binubuo namin,” mataray niyang sabi.

Tumaas ang isang kilay ko na hindi fake. “Lubayan? You know what, talk to your so-called-Fiancée first. Kita mo naman siguro kanina at narinig mong lumalayo na ‘ko pero iyang lintek mong Fiancée ang lumalapit sa akin.” Tumalikod na ako at lalabas na sana ngunit nagsalita na naman ito na ikinakirot ng puso ko.

“May anak kami.”

Nais tumalo ng luha sa mata ko pero nilakasan ko ang aking loob at muling hinarap siya.

“May anak na pala kayo pero bakit siya lumalandi sa akin? ‘Ni hindi ko nga inakit si Dave,” mapaglarong sabi ko na ikinalaki ng kaniyang mata.

Galit niya akong tinuro. “You!”

I smirked then walked closer. “I don’t care if the both you have a child…” Inayos ko ang nakaharang sa kaniyang mukha. “… dahil sa oras na may mapatunayan ako ay hindi ko hahayaan na ang taong pinapahalagahan ko ang masaktan. Kaya be careful, bantayan mo ang Fiancée mo.” iniwan ko siyang nakatulala sa loob ng cr.

The truth is hindi ko naman aagawin si Dave kung talagang may anak sila at doon masaya si Dave. Sadyang pinag overthink ko lang ito para naman kahit papaano hindi lang ako ang may pinoproblema.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nagkakagulo sila.

Pilit na inaawat nila ang dalawang nais na magrambulan, sila Dave at Kuya Alexis.

“What is happening here?” hindi nila ako pinansin at mabilis na muling nagtama ang dalawa. Dahil sa galit ay pinuntahan ko ang mga ito at pumagitna. Sinapak ko sila pareho sa pisnge na ikinasinghap nila.

“What the hell?”

“Shit!”

Galit ‘kong tinitigan ang dalawa bago asar na lumapit kay kuya Alexis. Huminga ako ng pasensya sa kaniya bago namin nilisan ang gym

Dahil sa nangyari ay hindi natuloy ang basketball, hindi nalaman kung sino ang nanalo.

Saglit lang ako nawala pero ganoon na ang nangyari. Sa totoo lang? Boxing ba ang pinunta nila o basketball?

Kung gano’n lang pala edi sana niyaya nila ako para naman ako na ang bubugbog sa kanilang dalawa.

Seryoso akong nakatingin ngayon kay kuya matapos namin makarating sa bahay. Nakaupo kami sa sofa sa living room.

“Alexis, Jaycelle, ito ang meryenda. Kumain muna kayo.” Tumango ako at nagpasalamat kay manang pero nang makaalis si Manang ay muling tumingin ako kay Kuya.

“Anong nangyari?” kalmadong sabi ko.

Tumikhim ito bago sumandal sa upuan. “Wala naman akong ginawang mali kaso ‘yong lalaki na iyon, sabihin ba naman na malandi ka. Tangina! Sino ba siya sa inaakala niya? Akala ko mahal ka tapos sasabihin niyang malandi ka. Aba! Doon kami maglalaban!” hindi ko naintindihan ang ibang sinabi ni kuya dahil isa lang ang tumatak sa isip ko.

Sinabihan ako ng lalaking akala ko ay mahal ako ng malandi?

Akala ko kilala niya ako? Hindi ako malandi at lalong hindi ko gawain iyon. Hindi ko nanaisin ang lumandi sa mga taong hindi ko naman mahal.

Napasinghap ako at napahawak sa dibdib nang maramdaman ang sobrang kirot dito.

“Nasasaktan ako…” bulong ko na mabilis na ikinalapit ni kuya at kinulong ako sa kaniyang bisig.

“Shh, nandito lang si Kuya. Pagbabayaran niya ang kaniyang sinabi. Hinding-hindi ka niya malalapitan hanggat nandito ako.”

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon