CHAPTER 25 : The Truth

54 1 2
                                    

DAVE’S POV
“Hintayin niyo ako rito, magccr lang ako saglit.” paalam ko kay Carla matapos matanaw ang naglalakad na si Alice bitbit ang batang nakita ko kanina.

Masaya itong nakatingin sa bata na tila ba may sinasabi sa kaniya ang little boy na iyon na ikinatutuwa ng kaniyang puso.

“Alice...” sambit ko sa kaniyang pangalan na mabilis na ikinalingon nito.

Tumingin sa aking ang matalim niyang mata habang nagtataka naman ang batang tumitig sa akin.

“Dave. May kailangan ka ba? Kung wala, mauuna na kami dahil ayokong magkagulo na naman.” aniya na mabilis kong ikinahawak sa braso niya.

Tumingin ito sa kamay kong nakahawak sa kaniya na mabilis kong ikinabitaw. Kinakabahan ako, natatakot na baka makagawa ng isang bagay na mas lalo niyang ikagagalit.

“Pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang, may nais lang akong ipaliwanag sa iyo.” tumitig siya sa akin ng ilang segundo bago bumaling sa likuran niya kung saan naroon ang mga kaklase niya.

“Baby, can you go to your titos and wait for mommy?” malambing niyang saad na ikinataba ng aking puso.

Ang sarap sa pakiramdam ngunit may kasama itong kirot nang maisip na hindi ako ang ama ng anak niya, na hindi ako yong lalaking makakasama niya.

“Tara, doon tayo sa may gilid.” sumunod ako sa kaniya. “Talk. Dalian mo dahil may gagawin pa kami ng anak ko,” saad niya habang nakacross ng mga kamay.

Huminga ako ng malalim. Kilala akong matapang at walang inuurungan ngunit sa tuwing si Alice ang kaharap ko, pakiramdam ko ay isa lang akong mahinang nilalang na takot sa isang babae.

“Si Carla, ang ina ng anak ko. Naalala mo na may naka one night stand ako noon at sa hindi inaasahan, nagbunga pala ito. Noong nakaraan ko lang nalaman, noong naging busy ako at hindi ka halos mapuntahan.” tumitig ako sa kaniyang mata, “Natakot ako, kinabahan sa mangyayari ngunit hindi ko kayang itaboy ang bata lalo’t sa akin ito.” dagdag ko.

Tumingin din siya ng deretso sa aking mata. Kinagat ang kaniyang labi na siyang ikinakirot ng aking dibdib, nasasaktan siya.

“Sigurado ka na bang anak mo siya? Bakit parang ang bilis mong naniwala sa kaniya? NagpaDNA test ka ba?” sunod sunod na tanong niya na ikinaawangng labi ko.

“Hindi dahil alam na alam niya ang buong nangyari. Kahawig ko rin ang bata kaya...”

Pagak siyang tumawa. “Paano kung sabihin kong same tayo ng hotel noong may nakaone night stand din ako, anong gagawin mo? Paano kung iyang anak na tinuturing mo ay hindi mo pala anak at may isang naghahanap nang kalinga ng isang ama ang siyang tunay mo palang anak, anong gagawin mo? Hindi ka bobo o tanga para magpalinlang kaya mag-isip ka nga, Kuya.” naiwan akong tulala at hindi malaman kung anong iisipin.

Anong sinasabi niya?

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa likod niyang unti-unting lumalayo sa aking paningin.

Bakit ganito ang nangyari sa akin? Sa dami ng pwedeng maging problema, bakit ang mawala pa siya sa piling ko ang dumating?

Mabilis kong inabot ang aking cellphone at tinawagan ang isang tao na paniguradong makakatulong sa akin upang alam ang bagay na gumugulo sa isip ko ngayon.

Baby, huwag kang mag-alala dahil sa oras na tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo, malalagot ang may gawa sa lahat ng ito.

Gagawin ko ang lahat magawa lang ang bagay na magpapasaya sa akin at isa na roon ang mapasaakin ka ulit.

“Babe, tara na. Inaantok na ang anak natin.” tumingin ako kay Carla bago lumipat ang paningin ko sa batang kalong kalong niya.

Bakit ngayon ko lang napansin ang bagay na ito? Bakit unti unti akong kinakain ng kahihiyan?

“TUNAY ba lahat ng ito?” galit kong saad habang nakatingin sa papel na hawak ko.

“100 percent sure, boss. Ako rin ang nagbantay at kumuha sa lab test kaya panigurado akong tunay at walang mali sa resulta. Tunay na hindi mo anak ang batang daladala ni Miss Carla habang ang anak naman ni Miss Jaycelle ang hindi inaasahan na nagpositive sa inyo. Ilang ulit kong cheneck ngunit ganon parin ang resulta.” paliwanag niya.

Tumingin ako kay Harold. “Ihanda mo ang kotse, pupunta ako sa bahay nila Alice ngayon, nais kong makausap ang mag-ina ko.”

Mabilis na humawak si Harold sa kamay ko na ikinahinto ko. “Boss, tingin ko mas magandang huwag kang kumilos ngayon dahil baka mapahamak si Jaycelle, kapatid na ng turing ko sa kaniya kaya kung maaari ay huwag kang magpadalos dalos lalo na't nandito pa si Miss Carla sa mansion niyo.” saad niya.

Naglakad ako papunta sa may bintana, pinagmasdan ang madilim na kapaligiran.

Alice, pasensya na. Hindi ko inaasahan na malilinlang ako ng ganon ganon lang.

Babawi ako, babawi ako sa inyo ng anak natin sa oras na makahanap ako ng tiyempo.

“Salamat, Harold. Maaari ka ng bumalik sa hospital.” tinapik muna nito ang balikat ko bago lumabas.

Paanong nalaman ni Carla ang tungkol sa gabi na iyon? Kung si Alice nga ang babaeng nakasama ko noong gabing iyon, ibig sabihin lang nito ay may nakakita sa amin ng hindi namin nalalaman.

Napakagulo, nakakalito.

Nagmadali akong kumilos at patagong umalis ng bahay. Hindi ko malalaman ang nangyari kung mananatili akong nakatunganga at walang ginagawa.



SOMEONE'S POVE
“Queen, tama nga ang hinala mo. Siya ang taong matagal ng nakatago sa maskarang iyon. Siya rin ang palihim na sumisira sa mga transaction ng Flu Mafia.” saad ko habang inaabot ng mga nakalap kong impormasyon.

“Hindi na ako nagulat. Noong unang pagtatakpo palang ng landas namin ang nagbigay sa aking ng hinala na bakit ang katulad niya ay kayang salohin ang suntok ng isang galit na tao na hindi man lang napapaatras.” tumawa siya ng mahina. “Nakakamangha ngunit hindi parin mababago nito na isa siyang mahina,” saad niya.

Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanilang dalawa. Alam kong hindi siya magtatanim ng galit sa kaniya, dahil nagawa niya paring magbigay ng clue sa nangyayari.

“Sana lang, magawa niyang makawala sa hawak ng babaeng iyon na hindi napapahamak ang batang kasama nila.” mahinang sambit ni Queen.

Hinayaan ko itong lisanin ang buong lugar. Iba na ang babaeng umiiyak at palaging sugatan pagkatapos ng ensayo. Malakas na siya na siyang nais talagang mangyari ni Lord.

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon