CHAPTER 3: Bonding

132 8 0
                                    

"Damn! Kami talaga pinagbayad mo sa kinain namin. Oh, kinain nating lahat," busangot na reklamo ni Jonas. Kanina pa ang dalawa nagrereklamo dahil hindi lang kinain nila ang pinabayaran ni Kuya dahil mismong kinain namin sila din ang pinagbayad.

Well, wala silang magagawa dahil takot lang nila kay Kuya Dave. Ehem, ako din naman takot din. Katakot kaya si kuya magalit lalo na pagnasasaktan ako.

Kaya noon kahit masyado akong pasaway sa school ay hindi ako mapatulan ng iba dahil sa takot kay Kuya. Isang bad boy yan sa University namin kaya sinong di matatakot don?

"Tumahimik nga kayong dalawa. Akala niyo naman ang laki laki ng binayaran niyo. Jonas, ikaw ang magdrive, natatamad akong magmaneho." Inihagis ni kuya ang susi kay Jonas na hindi naman nakatanggi.

"Oyy, ako diyan! Sabi ko nga, dito na ko sa unahan." Napabungisngis ako nang nakasimangot na umupo si Sean sa unahan dahil inunahan siya ni kuya Dave sa tabi ko.

"Mga takot," bulong ko na mukhang narinig nilang dalawa dahil palihim nila akong sinamaan.

"Drive, Jonas."

"Oo na, ito na oh. Wait saan ba tayo?" tumingin sila kay Kuya Dave pero  napalipat sa akin nang tumingin sa akin si Kuya.

"Mall tayo?" nakangising saad ko na ikinangiwi ng dalawa dahil mukhang alam na nila ang plano ko.

"Oh, my money."

NANDITO kami ngayon sa loob ng mall. Nagtitingin kung anong pwedeng mabili. Napahinto ako at tumakbo sa Dior.

"Fuck! 'Wag diyannn!" tumawa lang ako hindi pinansin ang pagtawag ng dalawa.

Dior na naman! Shopping is one my hobby.

"OMG! Ang ganda ng bag," tili ko at saka hinawalan ang bag na nakita ko. I check the price and giggle after.

"Dave, pigilan mo si Princess. Malulugi kami ng maaga." Nagpacute ako kay Kuya Dave at umiling-iling.

Kita ko ang pagbunting-hininga niya at saka naiiling na hinawakan ako. "Come, wag mo ng pagtripan ang mga iyon. Ako na ang magbabayad. Go, kunin mo lahat ng gusto mo." Napanguso ako habang napatalon naman sa tuwa ang dalawa.

Ang daya naman. Want ko pa naman  ubusin ang allowance nilang dalawa.

"Only that bag?" ngumiti ako at tumango.

"Yup, only this bag."

"Okay. Let's watch cine, you want it?" I nodded and hold his hand.

"Kami, Dave, ililibre mo?" nagpapacute na sambit ni Sean na ikinangiwi ko.

"Yucks! Hindi bagay sayo, Sean. Mukha kang pato."

"Bad mo! Cute kaya ako, di ba girls?" sa babaeng dumaan. Namula 'yong pisnge ng girl bago tumango. "Oh, di ba. Sabi ko naman sa inyo..."

"Let's go. My treat, manahimik ka lang." napahalakhak ako ng tawa bago sumunod kay kuya. Ganon din si Jonas na hindi napigilan ang mapatawa dahil sa mukhang nalugi na Sean.

Kawawang Sean...

Horror ang pinili namin na siyang nagbigay busangot muli sa mukha ni Sean. Okay lang sa kaniya ang makipagsuntukan sa sampong katao huwag lang makakita ng multo.

Ang lakas lakas pero takot naman sa multo. Kaya ngayon para siyang naubusan ng dugo sa putla. Ayaw pang pumayag pumasok kaya wala kaming nagawa kundi hilain ito papasok.

Pinagtulungan siya nila kuya Dave papasok habang ako dala-dala ang foods na binili namin.

"Ayokoooo! Bitawan niyo!" tumawa ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na pinaggitnaan si Sean.

"Hala, Sean, tumahimik ka. Look oh, pinagtitinginan na tayo," ngiwing saad ko nang mapansin na nakatingin na sila sa amin.

"TANGA! TAKBO, NASA LIKOD MO NA!" sigaw ni Sean.

Napakamot ako sa noo, gagi. Mali yatang isinama namin siya sa loob. Ang ingay niya. Kung hindi magugulat at matatakot ay sisigaw naman na ang tanga daw ng naganap dahil nasa likod na daw 'yong white lady pero ayaw naman tumakbo.

Jusko, dapat pala may tape akong dala para itape nalang ang bibig niya.

Natapos na't lahat ang movie pero wala akong naintindihan maliban sa boses ni Sean.

"Gago, wala akong naintindihan," ngiwing saad ni Jonas na sinang-ayonan ko.

"Me too."

"Ang tanga naman nila. Imbes na tumakbo ay talagang matutulala pa sila ng ilang segundo. Kaya ayan, naabutan ng white lady," reklamo ni Sean habang kami, napatingin sa kaniya na parang ewan.

"Kasalanan mo talaga 'to Sean kaya wala kaming naintindihan. Sino ba naman manunuod ang sisigaw ng mga isinigaw mo kanina? Edi ikaw lang." umirap pa ako sa kaniya bago naglakad.

Sa hindi inaasahan, may nabunggo ako. "Shit! Ayos ka lang, Princess?" tumango ako kay Jonas bago nagpasalamat kay Kuya Dave na umalalay sa akin para di matumba.

"Dude, dahan-dahan naman kayo. Muntek na matumba ang prinsesa namin." Si Sean na seryoso na ngayon.

"Pasensya na pare. Naghaharutan ba naman ang mga ito kaya di napansin ang nasa unahan namin. Okay ka lang ba, Miss?" tumango ako at inilibot ang paningin sa kanila.

Nasa sampong lalaki ang nasa harapan namin ngayon. Lahat sila ay nakaayos ng tindig at masasabi mong may maipagmamayabang sa mukha.

Ngunit napatigil ang tingin ko sa lalaking  kilalang-kilala ko. "James..."

Napasinghap ito at mabilis na lumapit sa akin. "Ate Jaycelle, nandito ka,"masiglang aniya at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng matamis at tapikin ng mahina ang kaniyang balikat.

"Yeah, I'm back. Dito na muli ako mag iistay sa pilipinas."

Humiwalay siya. "That's good, ate. Makakapagbonding na tayo ng matagal." Tumango ako at saka bumaling sa mga kaibigan ko.

"Anyway, they are my friends. Sean, Jonas, and Kuya Dave. Guys, this is my Cousin James Valdez."

"Oh, Hi, Sean here." Simpleng kumaway si Sean gano'n din si Jonas habang tumango naman si Kuya Dave.

"Kaibigan ko naman sila ate. Ang dami nila kaya wag mo na alamin haha. Next time na lang po."

I chuckle and nodded. "Yeah. So, alis na kami. See you around na lang, cousin." Humalik ako sa pisnge niya bago lumakad kasabay sila Sean.

Unexpected, mamemet ko si James dito sa Mall. I thought pa naman sa school ko na siya makikita dahil hindi ako sinisipag gumala sa bahay nila.

"Saan ka tumutuloy, Princess?"

"Condo."

"Don ka na namin ibaba. Tara, I want to buy one." Sambit ni kuya Dave.

"Damn! Pagmayaman ka talaga, kahit bumili ka ng isang condo ngayon ay walang problema." Napangiwi ako sa sinabi ni Sean.

"Seriously, Sean? Mayaman ka kaya kaso kuripot. Akala mo naman isasama mo sa hukay ang money mo."

"Baliw ka talaga. Hukay agad? Wala pa akong anak kaya di pa pwede."

"Hey, both of you, stop. Baka kung saan pa mapunta ang usapan niyo. Dalian mo na, Jonas. Inaantok na ko." Napasandal ako kay kuya Dave dahil miski ako ay nakaramdam na din ng pagod.

I want to sleep na.

"Ipasok niyo na lang ako sa condo ko. 143 is my password," huling sabi ko bago pumikit.

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon