KINAGABIHAN, tahimik akong umalis ng mansyon at sumakay sa kotseng nakaabang sa akin sa madilim na parte.
"First target?" I asked without looking at.
Tumikhim ito bago sinabi ang detalye tungkol sa unang target namin.
"High gang, rank 13 sa underground. They're been abusing their power and belittling those newcomer or newbie gangster. And also, base on my research they are doing illegal things that are not allowed in the underground." Bumaling ako kay Ceo na siyang nagsasalita, inabot ko ang laptop na hawak niya.
"Oh, High gang? Stupid of them for doing that kind of shit. They should pay it," malamig kong sabi bago muling inabot sa kaniya ang laptop.
Huminto sa madilim na parte si Cee malayo ng kaunti sa lumang bahay na natatanaw namin. Batay sa sinabi kanina ni Ceo, dito namamalagi ang mga High Gang at dito din nagaganap ang ilan sa madudumi nilang gawin katulad na lang pagdadala ng babae at panggagahasa sa mga ito.
Mga hayop! Wala ba silang kapatid o anak na babae? Kahit yong ina nila, hindi ba nila naiisip 'yon?
"Attack them on the front. Kill everyone, Don't leave them alive." They both nodded and go inside the house.
Rinig ko mula dito sa loob ng kotse ang putok ng mga baril. Wala akong dapat ipag-alala sa dalawa dahil alam ko naman na kaya nila ang mga iyon kahit pa wala ako ngunit dahil sa pagkabagot, lumabas ako ng kotse at sumunod sa loob.
Sumalubong sa akin ang ilang mga katawan. May mga guhit sila sa ibang parte ng katawan. Marka ito ng aming gang, letter C.
Dumeretso ako papasok kung saan naririnig ang tila ba nasasaktan na mga hiyaw. Aww, mukhang may pinapahirapan sila.
"Nice view," malamig 'kong sabi nang makita ang duguang mukha ng mga ito. Ang sahig na nagkaroon na ng mga patak ng dugo.
Gulat at takot ang bumakas sa mukha ng mga ito nang makita ako.
"Q-queen C-clea..." namumutla nilang sambit na ikinanguhit ng isang ngisi sa labi ko.
They know me huh?
Sumensyas ako sa kanila na tapusin na ngunit biglang sumugod ang leader ng mga ito at talaga nga naman na matapang ang isang ito dahil ako pa ang mismong sinugod.
"Malaki ang makukuha ko kung mapapasa amin ka!"
"Kung magagawa mo akong saktan." Tumaas ang kilay ko kahit alam ko naman na hindi nila ito nakikita.
Napailing ako bago hinablot ang kaniyang braso. Babaliin ko na sana pero nahinto ko at napatingin sa kaniyang braso.
No, that tattoo!
Masaya ang lahat habang nakatanaw sa aming dalawa ni kuya Alexis. Kumakanta sila ng happy birthday habang kami ni kuya ay nakaharap sa dalawang malaking cake. It is our 10th birthday.
"Happy birthday, little prince and little princess." Nagtinginan kami ni kuya bago sabay na pumikit at hinipan ang kandila. Pagkabukas ng aming mga mata ay siya naman pagkakagulo sa loob ng mansyon.
Nagkakagulo ang mga tao at kaniya kaniyang tago sa ilalim ng mga table. Tinakbo kami nila mommy bago itinago din papasok sa loob ng table.
Isang malakas na pagsabog ang naging dahilan upang magkalayo kami ni mommy. Tumitig ako kay kuya na tumatakbo palapit sa akin ngunit kinuha siya ng mga lalaking nakaitim at may suot na maskarang may smiling face.
Nakakatakot ngunit ang aking atensyon ay napalipat sa kamay ng may buhat kay kuya. May isang tattoo ito na parang bungo na may dalawang kutsilyo.
Napasigaw si mommy kasabay nang pagsakit ng katawan ko. Napatingin ako sa malapit sa dibdib ko, may tama ito ng bala.
Umubo ako at umiiyak na tumingin sa kanila. Nang sumigaw si kuya ay siya naman pagkawala ng malay ko.
"You're one of them!" malamig kong sabi. Madiin na hinawakan ang kaniyang panga.
Isa siya sa mga taong may kinalaman sa nangyari noon. Isa siya sa kabilang sa grupong nais pumatay sa aming magkapatid at dahilan kung bakit namatay si lola.
Ngayon, hindi man siya nandon ng araw na iyon ngunit dadanasin niya din ang aking galit.
"Give me a knife," sambit ko na mabilis nilang ikinabot sa akin ng kutsilyo.
"Anong g-gagawin mo?" nanginginig na sabi niya
Tinitigan ko siya sa mata at walang pag-aalinlangan na hiniwa ang kaniyang braso kung saan nakalagay ang tattoo.
"AHHHHHH! T-tangina mo." I smirk at him.
"Being one of them should suffer like what i want." inihagis ko siya palapit sa mga kagrupo niyang namumutla na sa takot.
Wala akong pakialam 'kong mamatay sila sa takot. Marami silang kasalanan kaya deserve nilang mamamatay.
Binalingan ko ang dalawang kasama ko. "Check them," malamig kong sabi at ibinato sa leader nila ang kutsilyo.
"Ahhhh! Patayin mo na lang ako!" itinitig ko ang aking kulay itim na mata sa kaniya. Nagdidilim ang aking mga mata na nais na siyang pugutan ng ulo ngunit naalala ko may nais pa nga pala akong gawin.
"Queen, walang tattoo ang iba."
"Kill them and take that bastard." mabilis akong lumabas ng bahay na iyon at pumasok sa loob ng kotse. Pinaandar ko ito at hinayaan silang maglinis sa gulong ginawa namin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hinayaan ko ang sariling magmaneho kung saan-saan.
Tumigil ang kotse sa isang madilim na kalsada. Walang kahit na anong ilaw o poste man lang. Mukhang nakarating ako sa magubat na parte.
Walang takot akong bumaba at pumasok sa loob. Suot ko parin ang aking maskara, hindi ko ito hinubad para sa kalayaan na gumawa ng gulo.
Napabuga ako sa hangin at walang habas na inabot ang baril na dala ko. Itinutok ito sa isang puno at sunod-sunod na binaril. Doon ko inilabas ang galit na nag-uumapaw sa damdamin ko.
Tumakbo ako, tinalon ang puno bago ito sinuntok. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking kamay na hindi ko man lang binigyan pansin. Ilang ulit ko pa itong sinuntok hanggang sa may kamay na pumigil sa akin.
"Kung may problema ka man, Miss, hindi sapat na dahilan na saktan mo ang iyong sarili..." bumaling ako sa kaniya na siyang ikinahakbang at ikinatulala niya sa akin.
Nakamaskara din ito ngunit kitang-kita ko ang pulang labi niyang nakaawang. Umakyat sa mata niya ang paningin ko, napatitig ako don.
Madilim man ngunit dahil sa liwanag ng buwan ay nakikita ko ang kulay asul niyang mata.
May naaalala ako sa mata niya...
"Queen Clea..." usal niyang ikinabalik ko sa realidad.
Tumalikod din agad ako pagkalipas ng ilang segundo, lumakad pabalik sa dinaanan ko kanina.
Muling bumalik sa isip ko ang pangyayari kanina. Nagtagis na naman ang aking bagang at inalala ang tattoo na iyon.
Magsimula na kayong magtago dahil kahit anong mangyari, hahanapin at pahihirapan ko kayo hanggang sa maranasan niyo ang hirap na naranasan ni lola.
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
RastgeleVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...