Ilang araw na simula nang dalhin ko dito sa manila si Devon at masasabi kong worth it naman ang pagsugal ko sapagkat nakikita ko ang mgaganda niyang ngiti na talagang ikinatataba ng aking puso.
Makakasama ko na siya, malaya ko ng ipagkalat sa mundo na may anak ako. Delikado ngunit ang mahalaga wala na akong itinatago sa magulang ko.
Tinago pero alam naman pala nila.
“Mom, mamimiss kita.” natawa ako nang makita ang pagnguso ng pogi kong anak.
“Baby, saglit lang naman ako. Ilang oras lang tapos mamaya magkikita na ulit tayo kaya wag ka na malungkot. Ngiti na ang poging anak ni Alice,” nakangiting wika ko.
Sa university lang naman ang punta ko sapagkat may pasok kami ngunit itong si Devon akala mo hindi ko na siya babalikan.
“Pero...”
I smiled at him. “I'll be back. Wag kang magpapasaway kila Manang, okay?” kita ko ang paglungkot niya.
Hays, ang hirap umalis pag may anak ka na. Naiiling ako bago dumeretso sa kotseng nakahanda na sa labas.
Habang nagmamaneho ako papuntang school, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kabilang kalsada kung saan natatanaw ko si Dave. Nakasandal ito sa kotse niya, mukhang nay hinihintay.
“Oh, i'm right,” usal ko nang makitang lumabas yong fiancee niya sa store.
Mahina akong napabuntong-hininga sabay hawak sa dibdib. Masakit, masakit na makita mo yong taong mahal mo na may kasamang iba. Ang mas masakit pa, ina ng anak niya.
Hindi ko inaasahan na may nabuo palang bata sa kinukwento niya. Katulad ko, may nakatalik din siya noon ng hindi sinasadya. Pareho kami ang kaso siya kilala niya ang ina ng anak niya ngunit ako ito nangangapa sa dilim.
Isinawang bahala ko ang nakita kanina at nagfocus nalang sa pagmamaneho.
Nang makarating ako sa university. Mabilis akong tinakbo ni James na siyang kabababa lang din sa kaniyang sasakyan. Kasunod nito ang iba lalo na si Blue na nakangisi na naman sa akin.
Inirapan ko siya at nakangiting tumungin kay Arvin na mabilis na ikinaalarma nito.
“Not again.”
Umiling lang ako sa kaniya at mabilis na dumamba sa likod nito. Wala itong nagawa kundi alalayan ako matapos kong sumakay sa likod niya.
Nagtawanan kami nang makita ang nakabusangot na mukha ni Arvin habang pangko-pangko ako.
“Bigat mo naman. Isang kaldero ba ang kinakain —Aray!” daig niya matapos ko siyang pingutin.
“Bad! Sexy kaya ako. Look, kahit may baby na ako, sexy pa din ang body ko.”
Natigilan si Arvin ganon din ang iba na ikinataka mo. Taka akong tumingin sa kanila habang sila ay nakatingin sa akin na may gulat na mga mata. Ang iba pa ay nakanganga sa akin.
“What?”
“May anak ka na, Ate?” umawang ang labi ko at inalala ang huling binanggit ko kanina.
Kagat labi akong napahampas sa noo. Ohmygad! Nadulas ako.
Nagpababa ako kay Arvin at nakangiwing napatingin sa kanila. Bago pa sila makabawi ay mabilis na akong kumaripas ng takbo.
“Jaycelle, bumalik ka dito!” Dinilaan ko sila at nagpatuloy sa pagtakbo.
Wala naman akong plano na itago sa kanila ngunit nais ko silang pagtripan ngayon.
Nang makapasok ako sa room ay umupo ako na tila ba walang tinakasan.
Hindi din naman nagtagal ay isa isa silang nagsipasukan. Sinamaan nila ako ng tingin ngunit inosente ko lang silang tiningnan.
“What happened?” bungad ni Kuya alexis nang makita ang mga nakabusangot na mukha nila.
“Leader, paano kasi yang si Jay tinakasan kami. Nagtatanong lang kung may anak na siya pero ayon, tumakas lang,” inis na wika ni Mike.
Tiningnan ako ni Kuya. “Kahit kailan talaga, Jay.”
Nginusuan ko lang si kuya bago humarap sa kanila. “Tss. Fine, may anak na ako, lalaki. Gusto niyo siyang makita?” nakangiting tanong ko sa huli.
Hindi naman masama kung ipapakilala ko sa kanila ang anak ko, may tiwala ako sa kanila at kung gagawan man nila ng masama si Devon, magtutuos kami.
Sabay sabay silang nagsihiyawan at nag-unahan na lumabas na ikinaawang ng labi ko.
“Saan ang mga yon?” takang tanong ko kay Kuya.
Ginulo niya ang buhok ko. “Sa bahay, guguluhin ang bahay natin. Let's go.” nagpahila na lang ako kay kuya palabas.
“ANG laki naman ng mansion niyo Jay,” manghang sabi ni Arvin na inilingan ko lang.
Lumapit ako kay Kuya Alexis. “Alam nila ang totoo?”
“No, si Blue lang ang may alam,” aniya na ikinatingin ko kay Blue.
Nakatingin ito sa paligid, pinagmamasdan ang paligid na tila ba hindi na bago sa kaniya ang kaniyang nakikita.
Baka nadala na siya dito ni kuya kaya ganiyan na kang ang reaksyon nito.
“Sir Alexis, Ma'am Jaycelle,” bati ng mga ito na ikinataka nila.
Hindi na ako magugulat kung malalaman nila ang totoo lalo na sa oras na dumating ang anak ko.
“Titooooo!” speaking off
Mabilis na tumatakbo si CD sa pwesto namin, una akala nila kay James ito pupunta pero lumagpas ito at nagpakarga kay kuya alexis na nakangiting binuhat ang anak ko.
“Tito?” takang tanong ni James.
Patay. Bakit pati si James hindi kilala si kuya? Ang galing naman nila mom magtago dahil kahit kaklase na ni kuya si James, nagawa pa din nitong itago ng maigi.
Mahina akong napabuntong-hininga. “Let's talk about it later for now, tara muna sa loob.”
Nang makapasok kami at makaupo sa sofa. Nagtinginan sila sa amin na ikinataas ng isang kilay ko.
Walang paawat?
“So?” si Arvin, taray talaga. Kung hindi ko alam na straight yan, baka isipin ko na bakla siya.
“Jaycelle is my twin sister,” deretsong wika ni kuya.
Umawang ang kanilang labi, bakas ang pagtataka sa mga mukha.
Sinong hindi magugulat di ba kung yong taong matagal niyo ng kasama ay may hindi pala sinasabi. Ang mas nakakagulat pa ay anak pala ito ng may ari ng university na pinapasukan niyo.
“How? I mean maliban kay kuya alexis na nawawala—Don’t tell me?” Gulat na napaturo si James sa amin habang palipat-lipat ng tingin sa mukha namin na siyang ikinagaya ng iba.
“Gago! Magkamukha kayo.”
Ngumisi ako. “Meet my brother, Jonuelle Alexis Villaluna. My so-called long lost brother,” sambit ko na ikinamura nila sa gulat.
Hindi ko mapigilan ang matawa habang nakatingin sa mukha nilang hindi malaman kung anong irereact.
Naiiling akong nag-iwas ng tingin bago bumaling sa anak kong naweweirdohan na yata sa kanila.
“Baby, meet my friends and classmates. Guys, Cleo Devon Villaluna, my handsome son.”
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
RandomVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...